17.

194 18 6
                                    

One day before New Year when Julianna told me that she'll go back to Switzerland. Maaga daw kasi ang schoolyear doon kaya kinailangan niyang bumalik. She promised to visit again when she'll have time.

"Pia and Mama went to our province. Doon daw magbabagong taon," sabi ni Parker habang pareho kaming nakaupo sa bench ng isang parke. Kaninang umaga ay naabutan ko siyang nasa sala at hinihintay daw ako. Gusto lang niyang lumabas kami at mamasyal. Patrisha is still sleeping kaya hindi na inabala.

"Bakit nagpaiwan ka?" Tanong ko.

He leaned on the tree behind. "Gusto ko ditong magbagong taon. Ilang beses din naman akong nagbagong taon doon and now, I want it here," he smiled.

I never thought we'll be like this. Parker and I, sitting here and talking. Who would have thought that we'll turn out to be like this?

"This is where Victorious met his wife," biglang sabi niya. Napalingon ako sa kaniya at napasandal na rin. Pinanood ko ang mga taong nagtatawanan, pamilyang magkakasama at mga batang naglalaro.

My eyes are glued to a family. Ang tatay ay inaasar ang anak niya at ang nanay ay tumatawa lang at kinukuhanan sila ng video.

I smiled bitterly. Sana kung kilala ko lang ang tatay ng anak ko, may posibilidad sanang ganiyan din kami. Kumpleto sana si Patrisha kung nakilala ko lang ang lalaking nakabuntis sa akin.

Gusto kong mainis sa sarili ko dahil bakit kinalimutan ko 'yon? Bakit hindi ko maalala kung sino siya? Bakit hindi niya kami hinanap? Naisip man lang ba niya na baka nagbunga ang ginawa namin noon?

"Hey, bakit ka umiiyak?" I snapped out my thoughts when I felt his hand on my cheeks. Lalong naglandas ang mga luha ko at namalayan ko na lang na nakayakap na siya sa akin.

"Why? Tell me, why are you crying?" His soft voice made me cry harder.

I sobbed and clutched his shirt.

"N-naiinis ako..." sabi ko habang humihikbi. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko.

"Naiinis ako d-dahil bakit n-nakalimutan ko ang nangyari noong gabing 'yon?! B-bakit h-hindi ko magawang maalala ang tatay ni Patrisha? G-gusto kong maalala at makilala, hindi p-para sa akin kung himdi para sa... sa anak ko."

Humigpit ang yakap niya at ramdam ko na ang labi niya sa ulo ko. Him, kissing my head felt like he's assuring me that I can cry all I want to him.

"K-kahit hindi sabihin ng anak ko, alam kong... alam kong naghahanap din siya ng tatay. G-gusto kong humingi sa k-kaniya ng tawad d-dahil h-hindi ko man lang alam kung sino ang t-tatay niya..."

"Baby, don't cry. I'm sure... you'll be able to find him," sabi niya.

Tahimik ako hanggang sa kumalma ako. Huminga ako nang malalim at pinunasan ang luha ko.

"What will you do if you find him? Will you accept him?" Tanong niya habang nakayakap pa rin. Hindi ko magawang lumayo dahil komportable ako sa yakap niya.

"If ever... I'll punch him in the face. H-he took advantage of me when I was drunk pero, kahit anong suntok ko sa kaniya, nangyari na ang nangyari."

"Magagalit ka ba sa kaniya?" He asked in a soft voice and almost vulnerable.

I nodded. "Oo, magagalit ako dahil sinamantala niya ang kalasingan ko noon. Magagalit ako dahil hindi niya sinubukang hanapin kami o isipin man lang na baka nagbunga ang nangyari noon. Galit ako sa kaniya." Ramdam kong mas humigpit ang yakap niya ngunit nanatili siyang tahimik.

Wala na ring nagsalita sa amin hanggang sa ihatid niya ako pauwi para daw makapaghanda kami for New Year.

"Selene..." he called before I open the gate.

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon