19.

215 15 9
                                    

Before Parker could come here, tinawagan ko na si Julianna dahil hindi kinakaya ng puso ko ang mga sinasabi ni Parker.

"Talaga? Magkasama kayong nagbagong taon? Oh, tapos?" Tanong niya. Nakatulala ako sa anak kong naglalaro habang iniisip ang napag usapan namin kanina ni Parker.

"Niyakap niya ako noon..." nagulat ako nang makarinig ng tili. Inilayo ko bahagya ang cellphone ko dahil nakakabingi ang tili niya.

"Omyghee! Teka lang! Kinikilig ako sa inyo. Oh, tapos? Anong sunod na nangyari?" I suddenly remembered the moment he kissed me. Lumakas ang tibok ng puso ko dahil doon kaya huminga ako nang malalim.

"Kwento na, Selene!"

Napasimangot naman ako. "Demanding ka!" Sabi ko pero narinig ko lang ang reklamo niya. Magkwento na daw ako dahil excited siyang malaman ang sunod na nangyari.

"Ganito nga..." huminga ako nang malalim. My lips pursed as I remember what happened next. "He said something. Sabi niya... gusto niya ako mula college pa." Isa na namang nakakabinging tili ang pinakawalan ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung guni guni ko lang pero naririnig ko ang tunog ng paghampas niya sa mesa doon.

"Uh, Julianna?" Tawag ko.

"Okay, kalma na. Kalmado na ako," she said at napailing na lang ako dahil sa dami niyang nalalaman. "Tapos? Ano nang nangyari?"

Ikinwento ko sa kaniya ang mga sumunod na nangyari. Maging ang sinabi ni Parker kanina and about him kissing me. Nagtititili na naman ang kaibigan ko at sinabing seryoso daw si Parker sa sinabi.

"Paano mo nasabi?" Tanong ko.

"Heto, ah. Sasabihin ko sa 'yo ito hindi dahil ipinagtutulakan ko kayong dalawa kung hindi ito ang nakikita ko noon..." sabi niya.

"Napapansin ko naman noon si Parker. Nakita nating dalawa kung gaano karami ang babaeng nagkakagusto sa kaniya noon pero girl, maniwala ka man o hindi, iba ang way ng pagtingin niya sa 'yo." Kumunot naman ang noo ko at pilit winawaksi ang pagkabog ng puso ko.

"Paanong tingin?"

She sighed. "Napapansin ko noon na kapag hindi ka nakatingin, halos matunaw ka sa titig niya noon. Iba, eh. The way he gazes at you is like a gaze of a man who finally saw the love of his life, gano'n."

Napanguso akong muli at napahinga nang malalim. Sumisikip na din ang dibdib ko dahil sa malakas na pagkabog ng puso ko. Hindi ako makapaniwalang may ganito palang ganap.

"Selene, maybe this is a sign," sabi niya. "Sign na para buksan mo 'yang puso mo. Ikaw na rin ang nagsabi, diba? Patrisha needs a father and maybe, Parker can be her father if you'll accept him in your life."

Hindi naman sa takot akong magmahal. Wala akong takot magpatuloy sa puso ko. Sadyang kuntento lang talaga ako sa pagmamahal ng magulang at ng anak ko kaya hindi ko na nagawang maghanap pa ng pagmamahal mula sa ibang tao.

Ngunit kapag naiisip kong hindi kumpleto ang pamilyang kinagisnan ni Patrisha, nasasaktan ako at nakokonsensiya ako. Oo nga't sobra sobra ang pagmamahal ko sa kaniya, maging si Mama at Papa pero, iba pa rin kapag may tatay siyang magmamahal sa kaniya.

"Selene? Hindi sa pine-pressure kita at sure akong hindi ka rin naman pine-pressure ni Parker, gusto ko lang na mag isip ka na para na rin kay Patrisha. You're looking for Patrisha's father and... here he is." Julianna's words felt something but, I couldn't name what it is.

Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Pilit kong pinoproseso lahat pero hindi ko magawa dahil nakita ko ang pagpasok ni Parker sa bahay. May bitbit siyang paper bag at naka-coat and tie pa. Mukhang kakagaling nga lang sa trabaho. Bahagya niyang niluwagan ang tie bago siya nag angat ng tingin sa akin.

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon