22.

191 14 2
                                    

The days passed by so fast. Balik trabaho at eskwela na naman. Our life here in our new place became smooth. Mabilis na nasanay ang anak ko at mabilis din niyang nagustuhan dito dahil may kalaro na siya.

It's the start of classes again and I smile when I saw Patrisha twirling while wearing her uniform. Ilang linggo din niyang hindi nasuot 'yan at nang masuot niya kanina ay panay na siya sayaw at ikot doon. Probably, excited to go again to school.

Sabay rin kaming lumabas ng kwarto ko at dumiretso sa kusina. Kasabay ng paglabas ng kwarto ay ang pagbukas ng pintuan at bumungad sa amin si Parker na nakasuot ng suit niya.

"Papa!" Tumakbo palapit sa kaniya si Patrisha at yumakap. Dumiretso ako sa kusina at hinayaan silang magmoment doon.

"Are you excited, cutie?" Rinig ko ang yabag ni Parker at nang lingunin ko ay buhat na niya si Patrisha at sumunod na pala sila sa akin.

"Opo, Papa! Excited na po ako mag-study ulit!" Pumalakpak pa ang anak ko kaya hindi mapigilan ng lalaking halikan siya sa pisngi. Napangiti na lang ako at pasimpleng kinuha ang phone ko. I opened the camera and captured a sweet and soft moment.

Ibinaba ni Parker ang anak ko nang lingunin niya ako. Sumilay na naman ang ngiti sa labi niya bago lumapit sa akin. His arms went to my waist as he pull me close to him.

"Good morning, beautiful," he whispered and planted a soft kiss on my cheeks. Napangiti ako at yumakap sa kaniya pabalik.

Sa nagdaang araw, palaging pinaparamdam sa akin ni Parker kung gaano niya ako kagusto at kung gaano niya tanggap si Patrisha sa buhay niya. He showers us care and love. Sa tuwing magkasama silang dalawa ng anak ko, hiniling ko na lang na sana si Parker na lang siya.

Sana si Parker na lang ang tunay na ama ng anak ko.

Pero, naalala ko na galit ako sa lalaking 'yon. Kung sino man siya. Ngunit sa kabila ng galit ko, may parte sa akin na naiintindihan siya. Naiintindihan ko kung bakit hindi niya kami hinanap. Marahil ay may pamilya na siya o kaya naman, wala talaga siyang balak magpakitang muli.

Ngayon, nandito na si Parker. Masaya ang anak ko sa kaniya. Tanggap niya ang anak ko kaya ano pang rason para pigilan ko siya sa kagustuhang iparamdam sa amin ang pagmamahal niya?

Sabay sabay kaming lumabas ng apartment ko. Kaninang almusal ay katawagan lang namin ang lalaki dahil kasama daw niya si Jeoniel mula kagabi hanggang kanina. Gustuhin ko mang tanungin si Parker tungkol kay Jeoniel ay hindi ko magawa. Hiling ko na lang na sana maging maayos na si Jeoniel.

"Anong gusto niyong lunch mamaya? Bibili ako at sasabay na rin ako sa inyo," sabi ng lalaki habang hawak ang kaliwang kamay ko. Ang anak ko ay muling nakakandong sa akin dahil hindi ko siya pinasakay ulit sa back seat.

"Papa, can I have embotido for lunch later?" Kumunot naman ang noo ko saka tiningnan ang anak ko.

"Baby, walang restaurant or kainan na nagtitinda ng gano'n. Bibilhin pa natin 'yun sa naggagawa tapos lulutuin pa, matatagalan si Papa mo n'yan," sabi ko. Nahagip ng paningin ko ang pagngisi ni Parker dahil sa sinabi kong 'papa' kaya inirapan ko na lang.

Patrisha pouted. "If Papa get that for me, he will be tired?" Ang inosenteng mata ng anak ko ay tumuon sa akin. Nilingon ko ang lalaki at nakitang huminga siya nang malalim.

"I can buy that. Hahanap ako kung saan meron and while waiting for lunch time, I can cook that in my office." Bumaling ng tingin sa amin si Parker. "I don't want my cutie angel to be sad so, Papa will do it. Papa will cook your request, okay?" Napapalakpak sa tuwa ang anak ko at tuwang tuwa siya hanggang makarating kami sa tapat ng pinapasukan.

Kinuha ko ang bag ni Patrisha at isinukbit sa balikat ko. Nakita ko na bitbit ni Parker ang bag ko bago siya lumabas at pinagbuksan kami. Patrisha hold hands with him habang ako ay bumaba sa sasakyan at isinara ang pintuan.

"Parker, 'yung bag ko," sabi ko pero hindi ako pinansin. Tuloy tuloy siya sa paglalakad habang hawak ang kamay ni Patrisha. Sumunod na lang din ako sa kanila.

The guard greeted us and let Parker enter with us. Pagpasok pa lang ay nagsiliparan agad ang mga mata sa amin. Especially to Parker. With his dark blue suit and brushed up hair, he looks like not just a model, but an Adonis who came down to Earth.

Nang makarating sa tapat ng classroom, hindi ko alam kung bakit natigilan si Parker sa paglalakad. Nasa likuran niya ako kung kaya't hindi ko nakita ang dahilan ng pagtigil niya.

"May asungot," he whispered. Nangunot ang noo ko at agad humakbang patagilid para makita ang tinitingnan niya. My eyes widened when I saw someone standing in front of my classroom. Nagtama ang mata namin at kaagad siyang napatayo.

He fixed his glasses and walked towards us. Parker immediately move to block me kaya sa kaniya nabaling ang tingin ng lalaki.

"Oh, ikaw na naman?" He asked in a mockig tone.

Agad kong nahawakan ang kamay ni Patrisha at bahagya siyang hinila palayo kay Parker. I don't want her to witness a fight. Sa tinginan pa lang kasi ng dalawang lalaki ay parang magsusuntukan na sila any minute.

"May angal ka?" Hinawakan ko ang braso ni Parker at sinubukan siyang hilahin. Makikipag away pa, eh late na nga siya. Alas syete na at may klase pa kami!

"May angal ako kasi naiirita ako sa'yo." Napahigpit ang hawak ko kay Parker nang maramdaman kong galit siya. Iniwas ko ang tingin sa lalaking nasa harapan at bahagyang nilapitan si Parker.

"Patrisha is watching. Please, calm down," bulong ko at ang kamay ko ay bumaba sa nakakuyom niyang kamao at marahan ko itong inalis.

Pinanood ko ang pagpikit niya at paghinga nang malalim bago muling magmulat. Ang kaninang madilim na mata ay naging malamlam.

"I'm sorry. I'm just... sorry, Selene," he said and look at Patrisha who's silently watching. "Sorry, angel," he said and kiss her forehead.

"Selene," rinig kong tawag mula sa likuran. Unti unti ko iyong hinarap at nakita ang ngiti niya.

"I'm here because from now on, dito na ako magtuturo. I'm your co-teacher now," he said and smile before throwing Parker a mocking glaze.

"Fuck you, Sid," I heard Parker muttered.

Yeah. For the first time, I agree with Parker.

Fuck you, Sid.

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon