27.

202 14 5
                                    

Kaharap ko siya ngayon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. He just stares at me as he continue telling me that he's my daughter's father.

"Anong pinagsasabi mo?" Kabadong tanong ko.

He sighed and about to answer but the bell rang.

"Mag usap tayo mamaya. I'll tell you what really happened. Please, layuan mo na si Parker. I'm Patrisha's legitimate father," he said.

Umiling na lang ako at nilagpasan siya. Umagang umaga, sumasakit ang ulo ko. Ano bang kalokohan ang pinagsasabi niya? Why would he became Patrisha's father? I don't remember being with him during that night! Ang alam ko ay may lalaking humila sa akin palayo sa kaniya kaya imposibleng siya ang nakatalik ko noon! Ano? Naging dalawa ba siya kaya siya rin ang humila sa akin palayo sa sarili niya?

Despite of the confusion, I still continued my day. Parker texted me when recess time came.

From: moon's keeper <3

Hi, babe! Sorry, I wouldn't be able to go there during lunch. I need to visit a client at sa labas ng Laguna naka-locate ang kliyente kaya baka matagalan ako. I'll ask Victorious to bring lunch for you and our cutie. Ingat, love you!

I smile and felt myself getting energized. Isinantabi ko ang mga salita ni Sid sa utak ko at pinilit na inisip si Parker at Patrisha. Thinking about Parker and my daughter made me smile. Ginanahan ako sa pagtuturo at panandaliang nabura sa isipan ko ang salitang binitawan ni Sid.

"Mama!"

Pumasok sa classroom ko ang anak ko. Napailing ako nang makitang gulo gulo ang buhok niya. Pinalapit ko siya at saka ko inayos ang buhok niya.

"Where's Papa?" She asked. Naalala ko ang text ni Parker kaya sinabi ko 'yon kay Patrisha. Nalungkot naman ang anak ko dahil gusto niyang kasabay palagi sa pagkain si Parker pero hindi pwede ngayon dahil may inaasikaso ito.

"Knock knock?" Someone said. Napaangat ang tingin ko sa pintuan at kaagad akong napatayo nang makita si Victorious na nasa labas ng room. Lumapit naman ako at napansin ang bitbit niya.

"Hi, Selene. Heto, pinadala ni pareng Parker. Loko 'yun, ginawa pa akong delivery rider. Inabutan akong bente pesos, shipping fee daw. Walang hiya," reklamo niya kaya hindi ko maiwasang hindi matawa.

"Salamat, Victorious," sabi ko. Tumango siya at nagpaalam na din dahil kailangan daw niyang umuwi dahil walang kasama ang asawa at anak niya.

Kumain kami ni Patrisha nang pagkaing pinadala ni Parker. He even texted me.

From: moon's keeper <3

Eat well, my babies ;)

Siya ang naglagay ng pangalang 'moon's keeper' sa contact ko. Nang tanungin ko siya kung bakit niya pinalitan at kung bakit ito ang nilagay niya ang sagot niya ay...

"Because, as I've told you before... your name means a moon and my name means 'park keeper'. Ang bantot ng meaning dahil ginawa akong tagabantay ng Parke pero naisip ko, you're my moon. I'll always keep you safe, that's why naisip ko 'yan. Na-gets mo ba? Search mo na lang kung hindi."

And, I admit. I love the name. Ang talino din minsan mag isip. Ibabalik ko na sana ang phone ko pero tumunog ulit ito. Sa pag-aakalang si Parker ito ay agad kong tiningnan but, I was wrong.

From: unknown

Selene, let's meet here later. I'll be waiting for you.

Sunod niyang isinend ang pangalan ng lugar. Nanaig na naman ang kaba ko pati na ang kaguluhan ng isip ko. Hindi ko alam kung magsi-stick ba ako sa instinct ko na imposibleng siya 'yon o hahayaan ko siyang magpaliwanag?

What if he's lying? Paano kung way niya ito para mapapayag akong lumabas kasama niya? Knowing that I rejected his offer many times.

But, what if he's telling the truth? Paano kung may maipakita siyang ebidensiya? Paano kung siya nga ang tatay ni Patrisha?

Natapos ang klase ngayong araw at desidido akong alamin na ang lahat. Inihatid ko muna si Patrisha sa apartment at pinakisuyo sa kapitbahay namin. Hindi na ako nag abalang magbihis. Dumiretso na kaagad ako sa nasabing lugar.

Isang restaurant ang lugar na napili ni Sid. Halatang mamahaling klase ng restaurant ito pero hindi naman ako nandito para pagsawaang tingnan ang disenyo ng restaurant at kumain. Nandito ako para alamin ang totoo.

Nakita ko siyang nakaupo di kalayuan sa pintuan. Lumapit ako at kaagad naupo sa harapan niya.

"Anong sasabihin mo? Sabihin mo na at kailangan pa ako ng anak ko," sabi ko. He sighed and slightly lean on the table. Tinitigan niya ako bago nagsalita.

"That night of our graduation party, ako talaga ang nakatalik mo," he said. Hindi ako umimik at hinayaan siya.

"Noong gabing 'yon, sinubukan kitang lapitan, diba? Pero, lumalayo ka. It frustrates me. Knowing that the girl I like was pushing me away and running away from me." Napaawang ang labi ko at hindi nakapagsalita.

"Yes, Selene. I fucking like you. Balak kong sabihin 'yon sayo noong gabing 'yun but you kept on pushing me away. Until that bastard came..." his fist clenched. Nagdilim din ang mata niya at naging seryoso. "He pulled you away from me. Ni hindi ko nga siya kilala at sigurado akong maging ikaw ay hindi mo iyon kilala. Nang makita kong hinila ka niya palabas, sumunod agad ako at kinuha ka sa kaniya. I punched that guy and got you from him. Wala ka nang malay noon kaya dinala kita sa unit ko dahil hindi ko alam ang bahay mo at doon nangyari 'yon," he said and licked his lower lip.

"When morning came, inihatid kita sa apartment mo nang malaman ko kung saan 'yon dahil nagtanong ako kay Julianna and that's what happened, Selene."

My mind is in chaos. Mabagal ang pagproseso ng utak ko sa mga salitang binitawan niya. Heto na, sinabi na niya na siya ang ama ni Patrisha. May parte sa aking gustong maniwala pero... mas malaki ang parte na ayaw.

Kung totoo ang sinabi niya, ibig sabihin siya nga ang nakatalik ko noon? Siya ang nakauna sa akin? Siya ang totoong tatay ng anak ko?

No, I can't... kung siya nga... paano si Parker? Ngayon pang masaya na kami sa kaniya, saka ko naman malalaman na si Sid ang tatay ni Patrisha?

I felt Sid's hand holding mine at naramdaman ko rin ang paglapit niya. Natulala ako habang pinapanood siya palapit. Alam kong dapat akong umiwas pero natulala lang ako dahil sa likod niya...

Sa likod niya ay ang lalaking mahal ko ngayon na masama ang tingin sa amin. Nakakuyom ang kamao nito at halos mabutas ang dalang paper bag bago marahas na naglakad palapit sa amin.

Magsasalita sana ako pero marahas niya rin akong hinila patayo at walang salitang hinila ako palabas. Hindi na niya pinansin ang natapong pagkain na hawak niya.

May logo ng restaurant ang supot na hawak niya. Ibig sabihin ba... kanina pa siya nando'n? Narinig niya?

Nasasaktan ako sa klase ng paghawak niya pero hindi ko magawang magsalita. Naghalo halo ang lahat. Sumasakit ang ulo ko pero ramdam ko ang pagtulo ng luha ko.

Nasasaktan ako, Parker.

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon