04.

253 20 2
                                    

"Good morning, Mama!" Masiglang bati ng anak ko pagkababa ko. I smiled when she runs towards me and pull my hand and kissed my cheeks.

"Good morning, baby kong maganda," sabi ko at hinalikan ang noo niya. Sabay kaming naglakad patungo sa mesa kung nasaan si Mama at Papa na parehong pinapanood kami.

"Good morning po," sabi ko at naupo sa upuan ko. Sa tabi ko ay si Patrisha na inalalayan ng lola niya na nasa kabilang gilid niya.

Sabay sabay kaming kumain ng almusal at tuwang tuwa kami dahil sa kwento ni Patrisha mula sa pamamasyal namin kahapon. She sounds happy and I can't help but smile while listening to her stories.

"Tapos po, may nag-give po sa akin nito." I glanced at her and saw her wearing a color pink kiddie watch. Natigilan naman ako at napatingin sa kaniya.

"Baby, who gave you that?" Tanong ko.

Bakit binigyan ng ganiyan ang anak ko at sino ang magbigay niyan? I mean, nakita ko sa bilihan ang ganiyan! Nasa 400 to 500 pesos 'yan dahil may kasamang battery.

"A man gave this to me po when I was playing with kids yesterday. He said, gift daw po sa akin dahil malapit na daw po ang christmas," sabi niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil nagtataka pa rin ako hanggang ngayon.

"Baby, can you describe the man? 'Yung nagbigay sa iyo niyan?" Sambit ni Papa na ngayon ay tumigil na sa pagkain at tinuon ang atensyon sa anak ko.

My daughter pouted. "He's handsome po. He has eyes..." she trailed off and looks at me. "He has eyes like me po, Mama."

I don't know why but that statement made my heart beats fast. It's like a bomb was thrown at me. Why am I feeling this way? Hindi naman porket sinabi ng anak ko na pareho ang mata nila... oh, nevermind. No, impossible.

Patrisha's eyes are common. Hindi imposible na ang kapareho siya.

"Did he introduced himself to you, anak?" Tanong ko.

"Hindi po, eh. Nahulog po kasi itong watch galing sa kaniya then, nakita ko po tapos binalik ko sa kanya pero po sabi niya po, sa akin na lang daw po."

After that breakfast, my daughter and I prepared for school. Sabay kaming naligo at nagkulitan sa banyo then, I changed her clothes first before mine. Like the usual routine, after I fixed her, pupunta siya kay Mama at doon ako iintayin. Minsan, habang hinihintay ako ay nagpapa-braid siya ng buhok kay Mama. She likes braiding her hair.

Mabilis lang akong nakapag-ayos at sinundan na ang anak ko. I got my bag and her bag then, I went downstairs and saw my mother and my daughter talking while mama is braiding her hair. Papa is beside them and watching them.

I can't help but smile while watching them. My family. The not-so-perfect but great family. Natakot ako dahil baka itakwil nila ako noon dahil nabuntis ako ng hindi kilalang lalaki but, the opposite happened. They accepted me wholeheartedly. Mama cried but she still accepted me. Papa just told me to tell them first when I got to know who Patrisha's father is.

And, my daughter... she never asked about her father. Kahit alam kong nakikita niya ang mga kaklase na sinusundo ng ama nila, hindi siya nagtanong sa akin. But, I sometimes hear her asking my parents.

Like that time of her 4th birthday. I heard her asking my parents.

I smiled when I finished baking a cake for Patrisha. It's my daughter's 4th birthday!

I bring the cake with me habang paakyat ako sa kwarto. Mama distracted my daughter while Papa and I are preparing the party.

I was almost in front of our door when I heard Mama and Patrisha talking.

"Nanay, nasaan po si Papa ko?"

My heart thumped and I froze on my feet. Muntikan pang mahulog ang cake na hawak ko dahil nanlambot ang kamay ko.

I heard nothing but silence. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko.

How can I tell my daughter who her father is? Kahit ako, hindi kilala kaya paano ko maipapakilala sa anak ko ang tatay niya?

Ayokong magsinungaling pero anong maisasagot ko? Patay na ang Papa niya? Hindi ko kilala ang Papa niya? Anong kasinungalingan ang maaari kong isagot sa anak ko?

Ayokong mamuhay ang anak ko na puro kasinungalingan ang sinabi ko sa kaniya. Kaya hangga't maari, iniiwasan kong pag-usapan ang tungkol sa ama niya.

"Baby, aren't Mama and your Nanay and Tatay enough?" I heard Mama asked.

"Love ko po kayo," my daughter answered.

But, I know someday... when she grew up... she'll look for her father... which I don't know who.

"Mama!"

Napakurap ako at agad nabaling sa anak ko ang tingin. Her braided hair swayed when she jogged towards me. Bumaba ako at hinawakan ang kamay niya.

"Anak, ihahatid ko na kayo," Papa said. Tumango na lang ako dahil nakita ko kung gaano ka-excited si Patrisha. She immediately went to her Tatay and they went outside. I was about to follow them but Mama stopped me.

"Anak, usap muna tayo. Saglit lang, late ka na ba?" Lumingon ako kay Mama bago tumingin sa relo ko at sumagot.

"Maaga pa po. Ano po ba 'yon?" Tanong ko at dahan dahang naupo sa harapan niya.

She smiled at me. "Selene, malapit na kaming umalis ng Papa mo. Sigurado na ba talaga kayong mananatili kayo rito? Hindi na ba mababago ang isip mo?" I sighed and look at my Mom's eyes.

"Mama, opo. Hindi na po magbabago ang isip ko. Ilang beses niyo na rin pong tinanong ang anak ko, diba? But she always refused and I don't have the heart to force her, Ma," sagot ko. Mama sighed and caressed my hair.

"Hindi ko rin naman kayo pinipilit. Kung iyan ang gusto niyo, ayos lang sa amin. Nag-aalala lang kami ng Papa mo dahil kapag umalis kami ay wala na kayong kasama dito," I nodded and smiled at her. Naiintindihan ko ang gustong iparating ni Mama. She's worried because we will be left here, just me and my daughter.

"Bakit kaya hindi kayo bumalik sa apartment na tinirhan mo noon? Doon, may kapitbahay kayong pwede niyong mahingian ng tulong kung sakali mang kailanganin," Mama suggested that made me think deeply.

She's right. Marami kaming makakasama kung babalik ako sa apartment na noon ay tinuluyan ko. Dito kasi ay magkakalayo ang bahay kung kaya't malabong makarating ang tulong kung sakali mang may panganib. And Patrisha can make new friends there dahil sa pagkakatanda ko ay maraming pamilya ang nakatira rin doon.

I smiled and look at my mother. "I'll consider that, Ma."

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon