13.

208 17 1
                                    

Napangiti ako nang makapasok kami sa lugar kung saan gaganapin ang christmas party. Isang hall ang pinagganapan ng event dahil maliit lang naman ang school. The place was decorated by christmas decorations. May christmas tree sa gilid kung saan kabi-kabila ang nagpi-picture.

"Ma'am Selene!" Rowena went to us. Binati niya si Mama at Papa at nang madako ang tingin kay Parker ay sumilay na naman ang ngisi sa kaniyang labi.

"Merry Christmas po, Teacher!" Patrisha greeted her kaya nabaling ang atensyon niya sa anak ko.

"Hello, Merry Christmas!" She greeted back.

Nilingon ko sila Mama at Papa at sinabihan na maghanap na ng upuan. Parker was pulled by Patrisha dahil nakakita sila ng chocolate fountain. Napailing na lang ako habang pinapanood sila.

"Nako, confirmed! May Future Daddy na," Rowena said.

"'Wag ka nga. Kaibigan ko si Parker," sabi ko.

"Ayon, napangalanan na ang Future Daddy pero, 'wag mo akong maano diyan sa kaibigan kaibigan na 'yan. Sawa na akong marinig 'yan. Kunwari, kaibigan daw pero ka-ibigan pala," she continued teasing me. Hinayaan ko na lang siya dahil alam kong wala namang katotohanan 'yon. Trip lang talaga niyang nang-aasar.

"Sorry, she insisted," Parker said when they went back. Puno ng candies ang braso ni Patrisha kaya sumeryoso ang mukha ko. Nakita niya kaagad 'yon at napasimangot.

"What did I told you?" Tanong ko.

She looks at Parker with her pleading eyes. Parker looks at me pero nang makita ang itsura ko ay agad siyang umiling.

"Tito..." Patrisha is really trying to lure Parker to help her!

"Baby, diba? I told you to limit sweets? Hindi ka pa kumakain ng rice tapos sweets kaagad? Bad for your health 'yan, diba?"

Parker agreed. "Your Mama's right, cutie. Masisira teeth mo d'yan. Gusto mo ba 'yon?" Patrisha pouted more and shook her head. Parker gently got the candies from her arms at agad siyang bumalik doon sa pinagkuhanan nila.

Lumapit naman ako sa anak ko at naupo kapantay niya. "Baby, I'm not stopping you from eating sweets. Hindi ka pa lang kasi kumakain ng rice, eh. Diba, Teacher Rowena thought you that you should eat a proper meal first before eating sweets?" She nodded and looks up to Rowena who's been watching us.

"Is Teacher Rowena and Mama... mad?" She asked in a small voice. Rowena heard her and she sits beside me.

"No, Teacher Rowena is not mad. Mama is not mad also. We just want you to be healthy, baby."

Dumating na si Parker at saktong nagsalita na rin ang emcee kaya naman nagpaalam na si Rowena na pupunta sa table kung saan ang section niya. Patrisha went with her. Gustuhin ko mang sumama, hindi pwede dahil may mga estudyante ako.

Nakarating kami sa table kung nasaan ang mga estudyante ko. They greeted us and their parents smiled at me. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang titig ng ilang nanay kay Parker. May kasing edad din naman kasi kami doon pero mukhang wala namang pakialam ang kasama ko.

"Sino ang kasama ng apo ko doon?" Mama whispered.

"Wala nga po, eh  Hindi naman ako pwedeng umalis dito kasi nandito ang mga estudyante ko," sabi ko.

"Ako na lang po," Parker answered but Papa shook his head.

"'Wag na, hijo. Kami na lang ang sasama kay Patrisha doon. Nakakahiya na sa'yo kung ikaw pa ang pagbabantayin namin kay Patrisha. Ikaw na ang nagmaneho para sa amin kaya dito ka na lang," Papa said. Tumayo na siya kasunod ni Mama at dumiretso na sila kung nasaan si Patrisha. Naiwan kaming dalawa ni Parker kasama ang iilang magulang at estudyante ko.

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon