10.

223 17 1
                                    

"Hi, Ma'am," Parker said jokingly when we went outside the school. Hawak ko ang kamay ni Patrisha na agad kumaway sa lalaki.

"Ihatid muna natin si Patrisha sa bahay bago tayo tumuloy," sabi ko. Parker nodded and gave me a finger salute.

"Noted, Ma'am," he said. Natawa na lang ako at sumakay na sa passenger seat bago inalalayan ang anak ko. Ayokong isakay siya sa back seat dahil mag-isa lang siya doon kaya kakandungin ko na lang siya.

"You'll hold her in your lap for the entire ride?" Parker asked. Tumango ako at niyakap ang anak ko.

"Ayoko siyang paupuin sa back seat. Ayos na ito," sambit ko. I was confused dahil hindi pa niya pinapaandar ang kotse. He stared at us and he sighed then spoke.

"Can you drive?" Tanong niya na naging dahilan ng pagtataka ko. Nagtataka pa rin ako pero tumango na lang ako. Kaya ko namang magdrive dahil nakapag-aral ako noon. Tinuruan ako ni Julianna while we are still in College and sometimes, I drive for Mama and Papa. Hindi ko lang talaga ginagamit ang sasakyan dahil malapit lang naman ang school at isa pa ay kailangan ni Papa ang sasakyan.

"Let's exchange. You drive, I'll hold Patrisha. Baka mangalay ka," sabi niya at hindi na ako nakapagsalita dahil lumabas na siya. Maya maya ay nasa side na namin siya. Binuksan niya ang pintuan at bahagyang tumungo. He gently get Patrisha from me while my daughter is already sleeping.

"Go, Selene. Ikaw na ang mag-drive kaysa mangalay ka." Wala na rin akong nagawa kung hindi ang lumabas at sundin ang gusto niya dahil tulog na tulog ang anak ko. Kailangan nang maiuwi para mas makapagpahinga. I bet, she's tired from playing.

Dumiretso ako sa driver's seat at pinanood si Parker na dahan-dahang sumakay habang bitbit si Patrisha. I watched them. Parker gently hugs my daughter while my daughter's straddling him and her head is on his chest. Her both arms is on his neck and she's sleeping peacefully.

Napahinga ako nang malalim dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdan. I started to drive at buong biyahe ay nasa kalsada lang ang tingin ko. Hindi ako makatingin sa dalawang nasa tabi ko dahil pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko.

My heart beats more fast when I heard Parker humming and when I glanced at them, nakita kong nakasandal siya at nakapikit din habang tinatapik ang likod ni Patrisha.

The sight brought tears in my eyes. Hindi ko alam pero sobrang sayang tanawin sila. Sobrang sayang makita ang anak ko na mahimbing na natutulog at nakayakap na parang... parang tatay niya ang kayakap niya.

Ilang minuto pa at natanaw ko na ang bahay namin kaya marahan kong inihinto ang sasakyan. Parker immediately opened his eyes.

"We're here," mahinang sabi ko.

"I'll carry her to her room, sabi niya at lumabas na habang buhat si Patrisha. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na rin saka sumunod sa kanila.

I opened the gate and let him enter first. Naabutan pa namin si Mama at Papa na nasa sala at nanonood. Pareho silang napatayo nang mamataan kami.

"Oh, tulog pala ang babygirl namin," Papa said and tried to get Patrisha from Parker but Parker gently shook his head.

"Ako na po ang maghahatid," sabi niya at bahagyang ngumiti. "Saan po ba ang kwarto ni Patrisha?" Tanong niya.

"Sa kwarto siya ni Selene natutulog..." Mama turned to me. "Ituro mo ang kwarto mo, anak." Tumango ako at bahagyang tinapik ang balikat ni Parker para sumunod sa akin.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at pinauna silang pumasok. Pinanood ko kung paano dahan dahang ilapag ni Parker si Patrisha sa kama. Kinumutan pa niya ang anak ko at pinatakan ng halik sa noo.

"Sleep well, cutie angel," he whispered and turned to me. His eyes caught mine at sandali kaming nagkatitigan bago niya iniwas ang mata.

"Magpapalit ka pa ba ng damit?" He asked while his eyes is on my sleeping daughter.

I bit my lips. "Yes," he turned to me and nodded before walking towards the door.

"I'll wait for you outside," sabi niya at lumabas na ng kwarto. Napahinga ako nang malalim bago tumungo sa cabinet ko para kumuha ng damit. Dumiretso ako sa banyo at nagbihis. Naghilamos din ako bago inayos ang buhok at mukha ko. I applied powder and a little bit lipstick on my lips.

I wore my pair of sneaker and get my phone and wallet. Lumapit ako sa anak ko at marahang pinatakan siya ng halik sa noo bago lumabas.

Naabutan ko doon si Parker na kausap si Papa. It seems like they're having a serious talk kaya naman hindi muna ako lumapit but, Parker's eyes went to me at agad silang natigil sa pag-uusap.

He stood up and smile kaya wala na akong magawa kung hindi ang lumapit. Napatayo din si Papa.

"Ito na pala, ingat kayo," Papa said. I nodded and went to Mama to tell her that we'll be going. Mama nodded.

Sabay kaming pumanhik ni Parker at ngayon ay siya na ang nagdrive. Naalala ko na naman ang pangyayari kanina. How he gently held my daughter and even hum for her to sleep well. He's good with kids, huh?

"Patrisha is comfortable to hold," Parker suddenly said and chuckled. "Naalala ko ang kapatid ko noong bata pa siya, madalas ko din siyang binubuhat noon. I actually love kids kaya kapag may nakikita ako bata, napapalapit kaagad ang loob ko. Victorious' brother has a daughter too but I didn't have the chance to hold her dahil lumipat na sila sa probinsya," he said while smoothly rotating the steering wheel.

I was listening to him when a question popped on my mind out of nowhere.

"What would you feel when you discover that you had a daughter?" Ang mga tanong na 'yon ay kaswal na lumabas mula sa bibig ko.

He's caught off guard and I can feel his stares pero pinanatili ko ang mata sa kalsada.

"Do I have a daughter?" He asked seriously at hindi ko alam kung bakit hindi magkamayaw ang pagtibok ng puso ko.

"Kung meron man at nalaman ko..." he trailed. "I'll take them home with me and we will build a family..." he glanced at me. "And I will marry her mother."

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon