14.

205 16 0
                                    

Noche Buena is about to come. Sa nakalipas na araw ay panay rin ang dalaw ng lalaki dito. He'll sometimes bring toys and foods for us and play with Patrisha. Dahil doon, nasanay na ang anak kong kasama siya at naging komportable na sila sa isa't isa. Even, Mama and Papa became comfortable with Parker. Kahit ako, nasanay na rin sa pagsulpot ng lalaki dito.

He texted me and even sent me photos of them preparing for the Christmas eve. Sa litratong 'yon ay nakita ko na kasama niya ang kapatid niyang si Pia at ang Mama niya. Meron din siyang sinend na picture na kasama ang kaibigan niya. Jeoniel and Victorious.

"Selene, tikman mo nga ito kung ayos na." Mama called me to the kitchen. Dumiretso ako doon at naabutan siyang naghahalo ng buko salad. Kumuha ako ng plastic spoon at tinikman ang gawa niya.

I nodded and gave my Mom a thumbs up. "Ayos na po!" Sabi ko at saka ako bumalik sa ginagawa ko. I'm preparing the wrapper for the lumpiang shanghai. Request din kasi ni Patrisha kaya paano ako tatanggi?

"Anak, hindi ko ba inimbitahan dito si Parker na mag-noche buena?" Tanong ni Mama habang abala pa rin sa ginagawa.

"Kasama niya ang Mama at kapatid niya, Mama. Paniguradong doon siya magno-noche buena sa kanila," sabi ko.

"Kaibigan mo 'yon, ano? Pero, bakit hindi mo siya nabanggit sa akin noong nag aaral ka pa? Magka-eskwela kayo, diba?"

Napanguso ako. Mama, gusto mo bang sabihin ko sa 'yo na hindi ko naman siya pinapansin noon? Ngayon lang kami nagkausap at nagkakilala ng maayos?

"Hindi naman kami gano'n ka-close noon, Ma." Kase nga hindi kayo nagpapansinan noon, Selene.

"Kung gano'n, ngayon lang kayo nagkausap?" Tanong niya.

I sighed. "Yes, Ma. Ang huling kita ko noon sa kaniya ay nung graduation party at nagkita ulit kami isang araw sa paaralang pinapasukan ko dahil sinamahan niya doon ang kapatid niya," sagot ko.

"Estudyante mo ang kapatid niya?"

"Hindi po. 'Yung kaklase ng kapatid niya ang may sinundo na estudyante ko. Sinamahan lang niya," sagot ko.

"Gano'n ba? Wala pa bang girlfriend si Parker, 'nak?" Hindi ako umimik dahil hindi ko rin naman alam. Baka mamaya, magulat na lang ako at may humablot sa buhok ko habang magkasama kami. Nangilabot ako bigla sa iniisip. Ayoko ng gano'n. Maliban sa masakit sa ulo, nakakatakot din.

"Wala po akong girlfriend, Tita."

Pareho kami ni Mama na napatalon sa gulat dahil sa pagsulpot na naman ni Parker. Nilingon ko siya at nakitang papasok pa lang siya ng kusina. Nang magtama ang mata namin ay ngumiti siya at kumindat. Napaiwas ako at tinuloy ang ginagawa ko.

"Jusmiyo ka, hijo! 'Wag kang manggulat ng gano'n!" Natawa na lang si Parker at agad nagmano kay Mama.

"Pasensiya na po, Tita," sabi niya at bumaling sa akin. Naglakad siya palapit at naupo sa harapan ko.

"Bakit nandito ka? Akala ko ba naghahanda kayo para sa noche buena?" Tanong ko habang patuloy sa ginagawa.

"May pinadala para sa inyo si Mama kaya ako nadayo dito. Sandali lang, kukunin ko lang," sabi niya saka tumayo at muling lumabas.

"Oh, saan ang punta no'n? Pinalayas mo ba, Selene?" Papa asked when he entered the kitchen.

"Hindi po. May pinadala daw para sa atin ang Mama niya kaya kinuha niya. Nasa sasakyan niya yata," sambit ko. Ilang sandali pa ay pumasok na muli si Parker at nagmano naman kay Papa.

"Ito po pala, padala ni Mama. Nang masabi ko po kasi ang tungkol sa pagtanggap niyo sa akin, natuwa siya kaya ito po at pinadala niya. Sana daw po ay magustuhan niyo," sabi ng lalaki at inilapag ang isang bilao na may takip na dahon ng saging.

Binuksan iyon ni Papa at agad siyang napahiyaw sa tuwa dahil sa nakita. Napailing na lang ako at napangiti.

"Maja Blanca po, gawa ni Mama," Parker said. Lumingon siya sa akin kaya binigyan ko siya ng thumbs up.

"Nako, salamat! Paborito ko ito at ang tagal ko nang hindi nakakain nito!" Mama said. Natawa na lang ako dahil sinimulan na nilang kainin ang pagkaing dala ni Parker.

Handa nga namin sa noche buena, binawasan pa.

"Buti at nagustuhan ni Tito at Tita," sabi ni Parker nang muling maupo sa harapan ko. His hand grabs a pile of wrapper. Sinubukan niyang sundan ang ginagawa ko at sa kabutihang palad, nagawa niyang makasunod kaya mas napabilis kami.

"Paborito nila 'yan. Mahilig gumawa ng ganiyan ang lola ko na nasa Isabela ngayon. Sa pamilya namin ay siya lang ang marunong gumawa ng ganiyan pero nagkasakit na siya kaya hindi na rin kami nakakain ng ganiyan," sabi ko.

"Where's your Lola?"

"Nasa Isabela nga..." sabi ko at inirapan siya. Tinawanan niya lang ako at napailing. His eyes held amusement.

"Sorry, it's my false," kagat labing sambit niya. May bahid pa rin ng ngiti ang labi niya.

"Tito, hindi po 'yon 'false', it's my 'fault' po 'yon." Pareho kaming napalingon kay Patrisha na nakakunot din ang noo dahil siguro sa narinig mula sa lalaki.

Napahagalpak ng tawa si Parker. "Sorry, cutie. Tito Parker is stupid," tumatawang sabi niya. Natawa na lang din ako dahil alam ko namang sinakyan lang niya ang pagtatama sa kaniya ng anak ko.

"Mama, are you making a lumpiang shanghai po?" Patrisha went to me. Tumango naman ako at hinalikan siya sa ulo.

"Yes, are you excited for Christmas?" Tanong ko.

She nodded happily. "Opo! Maraming gifts!" Sabi niya at bahagyang nagtatatalon.

"Merry Christmas!"

Sabay sabay kaming napalingon sa pintuan ng kusina at nanlaki ang mata ko nang makita ang kaibigang matagal kong hindi nakita.

"Tita Julianna!" Patrisha is the first one to run to her and hug her. Napatayo rin ako at napalapit sa kaibigan.

"Hello, babygirl! Ang laki mo na! Namiss ka ni Tita!" Pinugpog ng halik ni Julianna si Patrisha kaya panay din ang hagikhik ng anak ko.

"Miss ko din po ikaw!"

Ngumiti si Julianna at bahagyang pinisil ang pisngi ni Patrisha bago siya nag angat ng tingin sa akin. Ngumiti siya at agad napatayo.

"Selene!" She exclaimed and went to hug me. Napayakap din ako sa kaniya. We haven't seen each other for 5 years!

"Na-miss kitang babae ka!" Sabi niya pero ramdam kong natigilan siya kaya nagtaka ako. Maya maya ay bumulong siya.

"Omyghee! Am I seeing it right? Parker James is in your house?" Bulong niya sa akin. Bumitaw ako sa kaniya at sinulyapan si Parker na tahimik na nakamasid sa amin.

"Yes, we're talking to each other recently," sabi ko. Julianna and Parker glance at each other. It seems like they have a secret communication through their eyes.

Is it me? Or it feels like they are hiding something? Why am I feeling down?

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon