03.

273 24 0
                                    

My daughter is hopping while we are on our way out. Napapangiti na lang ako dahil kitang kita ko ang excitement ng anak ko. Naghanap ako ng tricycle na masasakyan at agad kong tinawag nang makakita ako.

"Saan kayo, hija?" Tanong ng driver.

"Sa Galleria po, Kuya." Tumango ang driver kaya agad kong pinasakay si Patrisha at saka ako sumunod. Inakbayan ko ang anak ko habang umaandar ang tricycle. Mabilis lang din ang naging biyahe dahil wala pang trenta minuto ay nasa tapat na kami ng mall. Bumaba ako at agad nagbayad sa driver.

"Baby, hawak ka sa akin. Madaming tao, baka mawala ka," sabi ko bago naupo at inayos ang buhok ng anak ko. I smiled when I saw her smiing at me.

"Opo, Mommy. Excited po ako!" Tumango ako at pinatakan ng halik ang pisngi niya.

"Yes, baby. Maglalaro ka doon. Basta, hawak ka lang kay Mommy, okay? 'Wag bibitaw, ha?" Tumango nang mabilisan ang anak ko at humawak kaagad sa kamay ko. Naglakad kami patungo sa entrance ng mall.

I smiled when the guard greeted me. Patrisha also greeted him back before we enter the mall. Sa entrance pa lang ay tanaw na ang mga tao. Sobrang dami mula dito sa first floor, sa second floor, third at maging sa fourth floor. Sa gitna ng mall ay may space kung saan pwedeng tumambay. May bench din doon na designed for hang outs.

Marahan kong hinila ang anak ko papunta sa gilid at naupo. Bahagya pa akong nabangga ng lalaki na hindi ko napansin na nasa likod ko pala kaya bahagya akong yumuko para mag-apologize saka ako bumalik ng tingin sa anak ko.

"Baby, anong gusto mo? Kain muna tayo or play ka na sa itaas?" Tanong ko at hinawi ang buhok ni Patrisha na tumatakip sa mata niya.

"Mama, play po muna ako!" Masiglang sabi niya kaya napangiti ako at humawak sa kamay niya. We rode the escalator until we reached 4th floor, where restaurants, movie theater and the hanging out place is located.

"Be careful, baby!" Sabi ko nang makarating kami sa lugar kung saan pwedeng tumambay. Marami din ang batang kasing-edad ni Patrisha ang naglalaro dito at nagtatakbuhan. I sat on the grass and watched my daughter play around.

Nadako ang tingin ko sa cellphone ko nang tumunog iyon. Agad kong nakita ang mensahe galing sa kaibigan kong ilang taon ko na ding hindi nakikita.

From: Julianna

Selene! Girl, pauwi na ako d'yan for christmas!

Napangiti ako at agad nag-reply. Julianna is in Switzerland for her job. Doon siya nagtuturo sa isang unibersidad doon. Inaya niya ako noon na mag-apply din pero umayaw ako. Mas gusto kong dito magturo. Matapos ang graduation party, pumunta na siya doon para simulan ang internship at trabaho niya.

And, speaking of graduation party. That night is still mysterous for me. Wala bang alam si Julianna sa nangyari sa akin nung gabing 'yon? I mean, hindi man lang niya ako hinanap? Or, pinuntahan?

I wonder if she saw me with a man pero ang tanging naisagot niya noong tanungin ko ay wala daw siyang alam. I was still not convinced but, I let it slide. Baka totoo naman kasing wala talaga siyang alam... o meron.

But, why would she keep it to me kung alam niya kung sino o ano ang nangyari noong gabing yon?

"Hala! Ayos ka lang?" Napaangat ako ng tingin nang makarinig ng tinig ng isang babae. Nanlaki ang mata ko at kaagad akong napatayo nang makita ko ang anak kong tinutulungan ng babae. Mabilis akong tumayo at lumapit.

"Baby, anong nangyari?!"  Tarantang tanong ko. Inisa isa kong sinuri ang bawat parte ni Patrisha.

"Wala po, Mama. Na-slip lang po ako tapos po, tinulungan po niya ako." Nakahinga ako nang malalim at hinalikan sa noo ang anak ko. I'm glad she isn't hurt.

Tumayo ako at hinarap ang babaeng bahagyang nakangiti sa akin. I was stunned when I saw her scar on the face. Nadali noon ang atensyon ko at hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang tingin ko doon.

The first thing that caught my sight is her scar. I don't know but I found myself admiring her face. She's beautiful even with a scar.

"Miss, I helped your daughter. Nakita ko kasing nadulas kaya tumayo na ako at tumulong," she said while smiling and I did smile back.

"Salamat," sabi ko at bumaling muli sa anak ko hanggang sa marinig ko ang isang malalim na boses na tumawag sa babaeng nasa harapan namin.

"Baby, nandito ka lang pala. Akala ko iniwan mo ako," I turned to the man and I frozed when I saw him. An old schoolmate.

Victorious Khein.

Hindi naman porket wala akong pakialam sa mga sikat sa school, hindi ko na sila kilala. In fact, I didn't even try knowing them. Nakilala ko lang sila dahil kabi-kabila kung pag usapan sila at hangaan. Sa classroom namin noon, marami ang nagkakagusto kay Victorious. Achiever kasi pero hindi lang naman si Victorious ang hinahangaan.

There's Jeoniel Salazar, a well-known varsity back then and I heard, he's now engaged. Hindi ko man siya lubos na kilala pero na witness ko kung gaano karami ang kalokohan niya pero magaling naman siya sa acads kaya pasado.

And the last, Parker James Tolentino. Naalala ko noon kung paano literal na magtilian ang mga babaeng dadaanan niya. Parker isn't like the typical school hearthrob. He's an angel, a sweet one. I witnessed myself how he didn't hesitate to help others and give them a smile.

No one could ignore Parker James Tolentino.

But, I did.

"Hey, Selene! Ikaw pala yan," I snapped out of my thoughts hearing Victorious' voice. Nakita ko na siyang nakaakbay sa babaeng katabi na kitang kita ang pagkalito sa mukha.

I cleared my throat. "Hi, Victorious. Long time no see," sabi ko. He smiled and faced the woman.

"Baby, she's Selene Acosta, my old school mate..." he said and I was confused when he leaned towards the woman's ear and whispered which made the woman look at me then giggle. Pinag-uusapan nila ako?

"And..." Victorious face me again. "Selene, this is my wife, Leisheen Anderson." I smiled when Leisheen smiled at me and offered her hand for a hand shake.

"Mama..." I heard Patrisha called and I felt her tugging my sleeves. Hinarap ko kaagad siya at pinantayan.

"Yes po? Anong gusto ng baby?" Tanong ko.

Patrisha pouted. "Water po. Thirsty na ako, eh," she said. Tumayo naman ako at agad kinuha ang bag namin kung saan naroon ang gamit at pagkain. I gave her the bottled water.

"Your daughter is cute." Napatingin ako sa dalawang nasa harapan ko. Ngumiti lang ako at hinintay na matapos ang pag-inom ni Patrisha. I heard Victorious and Leisheen whispering with each other.

"Siya 'yon?" I heard Leisheen asked. Napatingin ako at agad 'yung nakita ni Victorious. Ipinagtaka ko kung bakit tinakpan niya ang bibig ng asawa.

"Baby, tara na. Kain na lang tayo," Victorious said and look at me. "Selene, una na kami. Ba-bye, baby! Nice to see you again!" Victorious said and gave my daughter a high five.

Habang papalayo ay naririnig ko ang pinag-uusapan nila. I'm trying to ignore it but, I can't.

"Pero siya nga 'yon? Sure ka?" Leisheen said.

"Yes, baby. Kaya ikaw na magsabi kay Parker. Tinatamad ako mag-explain." Kumunot ang noo ko.

Parker again, huh?

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon