15.

206 15 3
                                    

Nagpaalam na rin si Parker na uuwi na dahil malapit nang mag-noche buena. Julianna is here with us at dito din siya magpapasko sa amin. Her parents are long gone and she had no relatives left. Pareho kasing only child ang parents niya. I can't imagine how lonely she is when Christmas comes during those 5 years.

Pareho kaming nakaupo sa sala habang si Mama at Papa ay naghahanda na. Nag-insist kaming tumulong but they said na mag usap na lang daw muna kami.

Napatingin ako sa kaibigan ko. She changed a lot. Mas lalo siyang pumuti at ang dating black na buhok ay naging blonde. Natuto na rin siyang mag ayos dahil sa pagkakatanda ko noon ay wala din siyang kahilig-hilig sa make up gaya ko pero ngayon, bumagay sa maputi niyang balat ang make up niya.

"Kumusta na, girl?" Tanong niya. Napangiti ako at sumandal sa sofa.

"Ayos naman ako. Masaya dahil lumalaki ng ayos ang anak ko," sabi ko. She nodded and smile at me.

"I'm happy for you. Nakita ko rin naman na lumaki ng maayos si Patrisha," she said and hugs me.

"Ikaw ba? Kumusta ka for the past 5 years?" Tanong ko. Nanatili siyang nakayakap sa akin bago magsalita.

"Masaya rin naman. Kaya nga lang, lonely ako tuwing pasko. Sa trabaho naman ay masaya rin kasi nakikita ko din na masisipag mag-aral ang mga estudyante ko. Meron din akong special classes at 'yun ang pinagkakaabalahan ko dahil wala namang ibang mapagkakaabalahan," she chuckled.

"Eh, boyfriend ba? Nakahanap ka?"

"Tangek! Wala! Ayoko, busy ako sa trabaho!" Sabi niya kaya natawa ako. "Ikaw ba? Nahanapan mo na ng Daddy ang inaanak ko?"

Ninang siya ng anak ko pero mas prefer daw niyang tawagin siyang Tita. Ewan ko ba diyan, daming learn.

"Hm, kuntento naman kami na kami lang dalawa. Hindi naman siya naghahanap ng Tatay at hindi rin naman ako naghahanap ng asawa," sagot ko.

Bumitaw siya sa akin at tiningnan ako na para bang may mali sa nasabi ko.

"Eh, anong ginagawa ni Parker dito? Parang dati lang, para kayong hangin kung lampasan niyo ang isa't isa tapos ngayon, may pabisita na sa bahay. Ikaw, ah!" sabi niya. Bumuntong hininga ako at umiling.

"Ngayon lang ulit kami nagkita. Nagkausap kami at ayon nga, medyo napalapit. Bumibisita rin siya dito minsan para kay Patrisha," sabi ko.

"Ha? Alam mo na?" Nagtaka ako dahil gano'n na lang ang panlalaki ng mata niya.

"Anong alam ko na?" Tanong ko. Para siyang natauhan at kaagad umiling.

"Ang ibig kong sabihin, alam na niya. Alam na niya na may anak ka na," sabi niya.

Nagtataka man, tumango na lang. "Oo, alam niya," sagot ko. Wala na siyang sinabi at tumango na lang.

1 hour before 12 am, lahat kami ay nakabihis na. Naghihintay na lang ng oras. Lahat din kami ay nakapula at pare-parehong naka-christmas hat.

"Tita, may gift ka po for me?" Patrisha went to Julianna and climbed on her leg. Napailing naman ako at tinuon ang atensyon sa cellphone ko. Messages came, greeting me kaya agad ko silang nireplyan. The last message I open is from him.

From: Parker

Merry Christmas po, Ma'am Selene. Namamasko po :)

Natawa ako at sumandal sa sofa bago siya nireplyan.

To: Parker

Patawad po, bawi next life. Merry Christmas din!

"May gift si Tita sa'yo pero mukhang si Mama ay meron din." Julianna is looking at me again with something in her eyes.

"Mama, may gift ka po sa akin?" Patrisha went to me excitedly. Napakagat labi ako at tumingin kay Julianna. I was about to scold her for spoiling when she mouthed.

"Daddy ang regalo," she said those without voice. Kahit gano'n ay nakuha ko kaagad kaya agad ko siyang inirapan pero tinawanan lang niya ako.

Why are they fond of making fun of me, huh?

"Mama? Ano po gift mo sa akin?" I smile and look at my daughter. Her innocent eyes are looking at me with hope.

"Later, baby. We'll open the gifts after we eat. Okay ba 'yon?" She nodded and hugged me. She even planted kiss on my cheek.

"Merry Christmas po, Mama. I love you po," she said it with so much love. Naluha naman ako at agad niyakap siya.

"Merry Christmas, baby ko. Thank you for coming into my life. Mama loves you, so so much," bulong ko bago halikan ang noo niya.

When 12 AM came, all of us hug and greet each other. Sabay sabay kaming kumain. Exactly 12 AM when Parker texted.

From: Parker

Can I facetime you? Mama and Pia wants to greet you.

Nag angat ako ng tingin sa kanila bago nagdesisyong pumayag. Wala pang ilang segundo ay tumunog na ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot.

"Sino 'yan, 'nak?" Papa asked. Iniayos ko ang cellphone at ipinatong sa pwestong makikita silang lahat.

"Si Parker po," sagot ko. Julianna exaggeratedly coughed. Napairap na lang ako at tumingin sa phone ko.

Parker's wearing a red polo and in his background is two woman. One is Pia who's waving at the screen and another one is his mother who has a smile on her face.

"Wait, ayusin ko lang," sabi ni Parker at maya-maya ay naging magalaw hanggang sa naiayos sa magandang anggulo ang screen.

"Hello!" Pia who's on the left side greeted. Kumaway siya at agad ngumiti sa akin ng magtama ang paningin namin. She smirked playfully then, look at her brother.

"Merry Christmas!" His mother greeted.

"Merry Christmas din! Salamat pala sa padala mong Maja Blanca. Nako, ang tagal ko nang hindi nakakain noon!" Mama said. While they are talking, my eyes are fixed to Parker. He's smiling and it's like a scripted play when his eyes went to me. Nanatili ang mata niya sa akin at gano'n din ako.

He bit his lips and smile while his eyes are still fixed on mine. Tumaas ang kilay niya na parang nagtatanong kung bakit ako nakatingin sa kaniya.

"Merry Christmas, Parker." My mouth suddenly moved and blurted out those words. Natahimik ang kaninang nag-uusap na si Mama at Mama ni Parker.

Silence came but my eyes are still fixed to him. Lumabas ang ngiting kanina niya pa pinipigilan matapos ay bahagya siyang lumapit sa screen. Nakatuko ang magkabilang braso sa mesa at ngumiti.

"Merry Christmas, Selene."

Indeed, it's a merry christmas.

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon