18.

192 16 5
                                    

"Mag-iingat kayo dito, ha?" Mama said and she hugged me. Yumakap din ako pabalik ng mahigpit. I suddenly feel like crying. Mamimiss ko sila Mama at Papa panigurado.

"Ingat din po kayo, Mama..." Lumingon din ako kay Papa. "Papa." Tinanguan ako ni Papa at niyakap din.

"Tatawag kami 'pag nakarating na kami doon," sambit ni Papa.

"Nanay, Tatay..." Patrisha called. Nabaling sa kaniya ang paningin namin. I can see her tearing up while extending her arms for a hug.

Hinalikan ni Mama ang ulo niya. "Careful kayo dito ni Mama, ha? Take care of your Mama here," bilin ni Mama.

"Opo, Nanay..." Kinarga siya ni Papa at hinalikan din siya sa pisngi. "Tatay, I love you po," sabi niya at pinatakan ng halik si Papa.

Niyakap ko silang muli bago sila umalis sakay ng taxi. Hindi na sila nagpahatid sa terminal dahil baka daw umiyak pa si Patrisha.

"Anak, come kay Mama," tawag ko kay Patrisha na nasa pintuan pa rin. Nilingon niya ako at unti unti kong nakita ang panginginig ng labi niya at pag iyak. Napatakbo tuloy ako sa kaniya at yumakap.

"Shhh, 'wag na iyak. Babalik 'yun si Nanay at Tatay," pag-aalo ko sa kaniya. She sobbed and cried louder. Napalapit na rin siya kay Mama at Papa kaya hinayaan ko na lang muna siyang umiyak. Binuhat ko siya patungong sofa at niyakap hanggang sa kumalma siya.

"Tahan na ikaw, hmm? Mahi-hurt si Mama kasi umiiyak ka," sabi ko. Pahikbi hikbi na lang siya nang mag angat siya ng tingin sa akin.

"B-babalik po sila... N-nanay at T-tatay?" I smile and wipe her tears.

"Babalik sila. Mamaya, tawag tayo sa kanila. Okay? 'Wag na iyak." Tumango siya kaya napangiti na ako.

Dumiretso kami sa kwarto at nanood ng paborito niyang cartoon. Nag-text din ako kay Mama na mag ingat sila. Papatayin ko na ang phone ko nang tumunog ang phone ko.

A call from him, Parker James.

Napanguso ako nang maalala ko ang nangyari noong huli naming pagkikita. 'Yung sinabi niya noong bagong taon, sariwa pa rin sa utak ko. He said that he likes me eversince college.

Hindi kami nagkita noong nakaraang araw dahil inasikaso niya ang naiwang trabaho sa kumpanya niya. Puro palitan ng text at tawag ang ginawa namin. Minsan nga ay hindi ko na nasasagot ang tawag at text niya dahil naalala ko ang pag amin niya.

"Mama, Tito Parker is calling you po. Answer natin? Ilang days ko siyang hindi nakita, eh." Wala na rin akong nagawa kundi sagutin ang tawag ng lalaki.

"Hello?" His husky voice greeted us.

Sumandal ako sa headboard ng kama at pinanood ang anak kong kausapin si Parker. Kinuha niya ang cellphone sa akin kaya hinayaan ko na.

"Tito!" She exclaimed. Narinig ko ang tawa ng lalaki mula sa kabilang linya kaya napahagikhik ang anak ko.

"Hi, my cutie angel." Halos paos ang boses niya pero hindi ko alam kung bakit malakas pa rin ang tibok ng puso ko. Kalma lang, Selene.

"Tito, bakit po hindi na kayo na-visit dito?" Tanong ng anak ko at sumandal sa dibdib ko. Pinanatili ko ang mata ko sa screen ng TV na may palabas na isang tao at asong mahilig sa adventure.

"Sorry, baby. Busy si Tito sa work, eh. Kapag natapos ako dito, play na tayo. Okay?"

I heard my daughter clapped. "Opo! Opo! Iwi-wish ko po na matapos niyo na po 'yung work nyo para mag-play na po tayo!"

"Yeah, sure. Is your Mama there, cutie?" Napalunok ako at pilit tumitingin sa TV.

"Opo, beside me po. Nanonood siyang cartoons po." Hindi ko alam kung magandang excuse ba 'yon o hindi dahil narinig ko ang pagtawa ni Parker mulasa kabilang linya. Anong nakakatawa?

"Cute. Your Mama's watching cartoons?"

"Opo. Do you want to talk to her po?" Agad kong sinenyasan ang anak kong ayaw ko pero binigay na niya sa akin ang cellphone. "Here po, hawak na ni Mama 'yung cellphone."

"Very good, cutie. Thank you, I'll talk to your Mama."

Patrisha look at me and smile. "Mama, usap daw po kayo ni Tito," she said and turns to watch her cartoons. Wala na rin akong nagawa kundi kausapin ang lalaki. Bastos naman kung papatayan ko ng telepono.

"Baby?" Napakurap ako nang magsalita siya. What the hell? Anong baby?

"A-ano?" Kunot noong tanong ko. Narinig ko na naman ang pagtawa niya.

"Are you avoiding me? Hindi mo sinasagot ang tawag at texts ko. Are you mad, baby?" May bahid ng tuwa ang boses niya kaya pakiramdam ay namumula na naman ang pisngi ko.

"Stop. 'Wag ka ngang baby nang baby d'yan!" Saway ko.

"Uh-huh, okay fine..." he said. After a while, I heard him clear his throat. "By the way, do you want me to come there later?"

"You'll come here?" Tanong ko kaya napalingon sa akin ang anak ko. I can see excitement in her eyes.

"Yes, your father texted me. Binilin kayo sa akin." Napataas naman ang kilay ko dahil sa narinig.

"May number ka ni Papa?"

"Yes po, meron ako. Siya rin ang kusang nagbigay. Nasabi na niya sa akin na aalis din sila kaya hiningi niya ang numero ko for updates about the two of you," aniya.

"Oh, gano'n? Uh, siya nga pala... pupunta ka dito? Akala ko ay may trabaho ka?" Dumausdos ako pahiga sa kama at niyakap ang isang unan.

"Wait a minute, lipat lang akong pwesto..." sabi niya at maya maya ay nakarinig ako ng pagkaluskos ng kaniyang swivel chair. Ilang sandali pa ay nagsalita na siya.

"Okay, now. To answer you question, yes. I want to go there, I miss Patrisha..." He trailed. Napakagat labi ako at magsasalita sana pero dinugtungan niya ang sinabi.

"And, I miss you," he said. Napasinghap ako dahil sa kabog ng dibdib ko.

Anong ibig sabihin nito? Bakit lumalakas ang tibok ng dibdib ko? What did he do to me?

Natahimik din siya na parang hinihintay ang kung anong sasabihin ko. Pilit kong kinakalma ang sarili ko bago ako magsalita. Hindi pa ako kumakalma, nagsalita na siya.

"Selene..." his husky voice went back. "About what I said on New Year..." dumoble ang tibok ng puso ko dahil sa naalala kong salitang binitawan niya.

"W-what about that?" Nanginginig ang labi ko dahil sa kabang nararamdaman.

"I just want you to know that it's true," sabi niya. Natulala ako sa kisame at pinoproseso lahat ng sinasabi niya.

Hindi ako makapaniwala. Gusto niya ako mula kolehiyo pa? Pero, hindi namin pinapansin ang isa't isa noon kaya paano? Anong rason para magustuhan niya ako?

"Selene, hindi man magandang sa phone ko ito itanong pero gusto ko lang malaman kung..." Hinanda ko ang sarili ko sa sasabihin niya. Kalma, Selene. Hingang malalim.

"Kung may chance ba ako sa'yo?"

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon