Parker did what he said. Kinabukasan paggising ko ay nasa kusina na namin siya. He cooked breakfast for us and Patrisha was delighted to see him kaya hindi ko na nagawang paalisin ang lalaki.
Tahimik ako habang silang dalawa ay nagkukwentuhan. Kumain ako nang kumain hanggang sa kausapin ako ni Parker.
"Do you want me to make you a hot choco? I can buy a pack outside. Napansin ko kasing wala nang stock, eh," sabi niya at mukhang tinatantiya niya ang reaksyon ko. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Sabay kaming nag ayos ng anak ko habang naghihintay si Parker sa sala. He insisted that he'll do the cleaning while we prepare. Siya ang nagligpit ng pinagkainan namin kanina, nagpunas ng mesa at naghugas ng pinggan. Bakit nandito siya? Wala ba siyang pasok?
Inayusan ko ang anak ko at pagkatapos ay ang sarili ko naman. Nauna na siyang lumabas para puntahan ang lalaki kaya nagmadali na rin ako. Nang matapos akong mag ayos, kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas na. Napaatras ako nang makita si Parker na nasa labas ng kwarto.
"Bakit?" Masungit na tanong ko.
Napabuntong hininga siya sabay turo ng hawak ko.
"A-ako na ang magdadala." Kumunot ang noo ko at umiling.
"Kaya ko naman. Salamat na lang," sabi ko at tinalikuran na siya. Nang makailang hakbang ako at naramdaman kong hindi siya sumunod, nilingon ko siya. Nanakit na naman ang puso ko nang makita siyang nakayuko at nakatukod ang palad sa pader habang umiiling iling siya. Hindi ko alam pero naririnig ko rin ang sinasabi niya.
"Magtiis ka, Parker. Kasalanan mo, wala kang karapatang magreklamo at mas lalong wala kang karapatang sumuko."
Hindi na kinaya ng puso ko ang narinig ko kaya tumalikod na ako at iniwan siya doon. Namataan ko ang anak ko na nasa labas ng pintuan. Nakita kong kalaro niya ang anak ng kapitbahay namin.
"Uh, ready na 'yung kotse. Hatid ko na kayo at baka ma-late pa kayo," rinig kong sabi ni Parker mula sa likuran ko. Naglakad siya patungo sa sofa at kinuha ang bag ni Patrisha saka sinukbit sa balikat niya.
"Baby, come here. Aalis na tayo," tawag ko sa anak ko na kaagad lumapit at humawak sa kamay ko. Natigilan ako dahil tumigil din siya at nang tingnan ko ay nakita kong nakabaling siya sa likuran kung nasaan si Parker.
"Papa, hold my other hand! Holding hands po tayo nila Mama!" Masayang sabi ng anak ko saka niya inabot ang kamay ni Parker.
Naramdaman ko ang titig ng lalaki pero tinuon ko ang paningin sa dinadaan namin. Sa buong byahe rin ay tahimik kami hanggang sa makarating sa paaralan. Si Patrisha lang ang humalik kay Parker bago kami bumaba.
"Hatiran ko kayong lunch mamaya. Good luck sa klase!" He said in a soft tone. Nang walang nakuhang sagot mula sa akin ay napahinga siya nang malalim bago sumakay sa kotse niya at umalis na.
The class goes smoothly. Nagawa kong alisin sa isipan ko ang mga bagay na iniisip ko. Ayokong ma-distract kaya inalis ko ang mga 'yon sa isipan ko. Nang sumapit ang lunch ay dumating si Parker na may bitbit na paper bag at may inabot siya kahon sa akin. Isang pamilyar na kahon.
Nang buksan ko ay nagulat ako dahil tumambad sa akin ang kwintas na sinira ko. Pinigilan kong magpakita ng emosyon hanggang sa marinig ko siyang magsalita.
"I know that you're mad at me but, can you please wear that again? Para maramdaman ko na kahit papaano ay hindi mo parin ako inaalis sa buhay mo," he said. Sa tono ng pananalita niya ay parang takot na takot pa siyang sabihin ang mga 'yon. Kusang umangat ang kamay ko at namalayan ko na lang na suot ko nang muli ang kwintas.
Matapos ang lunch time ay mabilis na nagpaalam ang lalaki. Nagpatuloy rin kami sa klase hanggang sa sumapit na ang alas kwatro. Nag ayos ako ng gamit at lumabas ngunit namataan ko ang isa pang lalaki na hindi ko nanaising makita.
BINABASA MO ANG
Where Universe Was Found (SOW #2)
RomansaSeries Of Wheres #2 - Since college, Parker James Tolentino has had his eyes on one certain girl named Selene Daphne Acosta. But his feelings for her are kept secret. Until graduation night came. Where the both of them are under the influence of alc...