24.

194 15 1
                                    

Pareho naming pinuntahan si Patrisha sa classroom niya. Napagdesisyunan kasi ni Parker na sa labas kami kumain ng lunch. Mabuti na lang at wala na si Sid pagdaan namin sa classroom ko. Ayokong magalit na naman si Parker.

"Papa, did you bring the embotido?" Tanong ng anak ko habang magkakahawak kamay kaming papasok sa isang fast food chain. Jusko, nasa fast food chain na kami pero embotido pa rin ang hanap.

"Of course, baby." Parker smiles then he looks at me. "I'll order for us. Hanap na lang kayong upuan ni Patrisha," sabi niya bagi ako kinindatan. Napailing na lang ako at naghanap na ng upuan kasama ang anak ko.

Katabi ko sa upuan ang anak ko habang naghihintay kay Parker. Tumuon ang mata ko sa counter kung saan nakita ko siyang nakapila. Nakaramdam ako ng inis dahil sa pagtutulakan ng dalawang babae sa likuran niya. Naghahagikhikan pa ito at pasimpleng tinuturo ang lalaki.

Napabuntong hininga ako. Alam ko naman na kahit anong inis o galit ko, hindi nawawala ang taong ganiyan. Gwapo si Parker at talaga namang nakakabighani ang taglay na itsura. Itsura pa lang ang nakikita ng iba, ah. Hindi pa nila nararanasan ang ugali niya. Paano pa kaya kung malaman nila kung gaano magmahal at mag aruga ang lalaki? Edi, hulog na.

Gaya ko, hulog na sa kaniya.

Pero syempre, hindi nila mararamdaman kasi hindi ko hahayaan. No, never.

"Mama, may kinukwento po 'yung classmate ko. Nagpunta daw po sila sa bagong open na amusement park. Can we go there po, Mama?" Nabaling ang tingin ko sa anak ko na nag aabang ng isasagot ko.

Patrisha never asked too much from me. Hindi niya ako pinipilit kapag sinabi kong bawal o ayoko. Hindi niya ako pinipilit na hanapin ang tatay niya kahit alam kong sa loob-looban niya ay naghahanap siya ng tatay. Kaya hindi ko tinatanggihan ang anak ko kapag kaya ko namang ibigay ang kahilingan niya. I can't bear to see her cry and get sad just because I didn't grant her little wishes.

"Sure, anak. Isasama natin si Papa mo," nakangiti sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya at excited na tumingin sa akin.

"Talaga po? Will Papa join us?" May bahid ng kasiyahan ang boses ng anak ko kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko. Pinatakan ko siya ng halik sa noo at bago ako makapagsalita ay may nauna na sa akin.

"Hm, what is it? Are you two talking about me, hm?" Sabay naming nilingon si Parker na bitbit ang tray ng inorder na pagkain. Nakangisi siya at pabirong pinaniningkitan ng mata si Patrisha.

"Anong pinag uusapan niyo? I heard my name." He said. Tinulungan ko siyang tanggalin isa isa ang mga pagkain mula sa tray. Nakalapag din sa mesa ang lunch box na bitbit niya kanina.

"I asked Mama po if we can go to the newly-opened amusement park. Papa, will you go with us? My classmate told me na masaya daw po doon especially kasama daw po niya 'yung Mommy at Daddy niya," Patrisha said while her eyes is on the chicken joy in her plate. Habang nagsasalita siya ay parang simpleng mga salita lang ang binibitawan niya.

"I want to experience the fun din po kaya gusto ko po kasama kayo kasi mas fun kapag kasama ang Mommy at Daddy," she said that made my heart melt.

Umangat ang tingin ko kay Parker na nakatingin pala sa akin. Pareho ang ipinapakita ng mata namin. He's also melting by Patrisha's word. Nakikita ko sa kaniya na gusto niyang pumayag pero gusto niyang hingiin ang permiso ko.

I nodded at him. Nakita ko ang pag-alpas ng ngiti sa labi niya bago siya tumayo at binuhat ang anak ko. Siya ang naupo sa upuan ni Patrisha saka niya kinandong. Sumandal siya sa upuan kaya malapit na siya sa akin. Ilang metro na lang ang layo niya pero hindi ko na iyon ininda.

"Gusto ng baby namin na pumunta doon?" Parker asked. Agad tumango ang anak ko at ngumiti.

"Opo! Pupunta po tayo doon, Papa?" Then she glanced at me. "Mama?" Ngumiti lang ako at lumapit para halikan ang noo niya.

"Kung 'yun ang gusto ng baby namin, bakit hindi?"

True to our words, natuloy kami ngayong Sabado ng umaga. Excited na kaagad si Patrisha at pinagmamadali na ako sa pag aayos. Sakto namang dumating na rin si Parker kaya magkasama silang nando'n sa sala at naghihintay sa akin.

I'm currently combing my hair when my phone beeped. Agad akong nagtaka dahil wala namang nagte-text sakin kundi si Parker lang. Sila Mama ay tumatawag sa akin at hindi nagte-text. Ganun din si Julianna. Kaya, sino ito?

I opened my phone.

From: unknown

Hey, may gagawin ka today? i just wanna invite you for lunch if you're free this day.

Napabuntong hininga ako nang matanto kung sino ang nag-text. Hindi naman ako ignorante at tanga para hindi malaman kung anong ginagawa niya. Nitong nakaraang araw, kapag nasa school ay madalas ang pagdaan niya sa classroom at pag aya sa akin pero hindi ko lang napagbibigyan dahil inaalala ko si Parker.

Base kase sa napapansin ko, Parker isn't fond of his presence. Ayoko namang magalit pa si Parker kaya ako na rin ang lumalayo.

"Mama, tapos ka na daw po ba? Papa and I are waiting po!" Hindi ko na pinansin ang phone ko. Pinatay ko na lang 'yon at binulsa bago ako sumunod sa anak ko.

"Wow, ang ganda. Kamukha mo 'yung asawa ko," Parker joked the moment he saw me. Napairap naman ako na tinawanan niya lang.

"Asawa ka d'yan!" Singhal ko. Tinawanan niya ako at inakbayan habang buhat niya sa isang braso si Patrisha. Sabay sabay na kaming lumabas ng apartment. Nakita ko pa ang kakilala kong kapitbahay kaya nagpaalam din ako sa kaniya.

"My mother wants to see you," sambit ni Parker habang nasa hagdanan kami pababa.

Natigilan naman ako at nagulat. Hindi ko rin alam kung saan ako magugulat. Kung sa sinabi ba niyang gusto akong makita ng Mama niya o dun sa tinawag niya sa akin?

"May Mama din po ikaw, Papa?" Patrisha asked. I sighed in relief when Parker shifted his sight to her. Kinalma ko ang sarili ko habang nag uusap silang dalawa.

"Yes, cutie. She's my Mama and she's gonna be your Lola," saad ni Parker na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

The way he said those words feels like he has no intentions of backing out. It feels like he really vowed to be a father to Patrisha. I'm glad, he came into our life.

The universe I want to give my daughter... I finally found it. I found it on him.

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon