11.

205 15 0
                                    

The intense awra a while ago fades. Parker changed the topic quickly and now, we're fine. Mas tinuon na namin ang atensyon sa pagbili at kinalimutan ang napag-usapan kanina.

Pareho kaming abala sa pamimili ng maireregalo. Marami ding tao dito sa mall na sa tingin ko ay namimili din ng ireregalo.

Ilang minuto kaming tahimik hanggang sa lumapit siya sa akin bitbit ang binili niya.

"Okay ka na? Or, do you want to go to another shop?" Tanong niya. Napanguso ako dahil wala akong mahanap na maipangregalo kaya tumango ako. Sinamahan ko muna siyang magbayad ng pinamili niya. He even bought a gift wrapper before we went out.

"Anong regalo ba ang ibibigay mo? Para makahanap tayo ng specific store at hindi na tayo magpagod," he said. Napahinto ako at napaisip.

For Mama, I want to give her a bag? May mga bag naman siya pero, luma na lahat at alam ko kung gaano niya kagusto ang mga bags. For Papa, I think I can give him pair of reading glasses. Alam ko naman ang sukat kaya hindi ako mahihirapan. I'll buy two for him para kapag nasira ang isa ay may reserba. For Patrisha, maybe I can buy her new school shoes for the next school year. Magi-grade 1 na ang anak ko at pansin ko rin na medyo lumiliit na sa kaniya ang sapatos.

I told Parker what I want to buy for them at agad niya naman akong sinamahan. Umakyat kami sa second floor gamit ang escalator dahil doon daw may shop na gano'n.

"When you're done buying, can you wait for me outside the shop? May bibilhin lang ako," he said. Hindi na ako nagsalita at agad na lang tumango.

Itinuro niya sa akin ang shop na sinasabi niya at agad siyang nagpaalam na may bibilhin lang. Pumasok na ako at agad nagtingin tingin ng maireregalo. Kailangan ko din palang regaluhan ang mga estudyante ko. Kaya naman ng budget since nasa sampu lang naman sila sa classroom. Bibilhan ko na lang sila ng school supplies? Maybe, that.

"Selene?" Napalingon ako at nanlaki ang mata ng makita ang nasa harapan ko.

"Sid?"

In front of me is the guy I liked during college! Siya ang tanging lalaking nagustuhan ko noong college but when I found out that he's fucking multiple woman, na-turned off ako. I mean, red flag 'yon. Ayoko ng gano'n, I want someone who's loyal for only one woman. Hindi ko alam kung may nage-exist pang gano'n.

Meron pa nga ba?

During our graduation party, Sid tried to get my attention. That's what I remember before a guy took me at ayon nga, may nangyari.

Could it be... him? But no, blurred man pero tanda ko na may humila sa akin palayo sa kaniya noon kaya hindi siya 'yon. That mystery guy's body is more well-built. Ramdam ko 'yon kahit wala ako sa huwisyo nang mayakap ko s'ya.

"Hey, how are you?" I snapped out and look at Sid. He's wearing a polo and jeans. May glasses ding nakalagay lang sa ulo niya. Mas lalo din siyang tumangkad at mas lumaki ang katawan.

"I'm fine. Ikaw ba?" Tanong ko at nagpatuloy sa pamimili.

"Hm, nalipat ako dito. Next school year ay dito na ako magtuturo," sabi niya at ramdam ko ang pagtabi niya sa akin.

"Really? Congratulations!" Sabi ko. Ngumiti lang siya at tumango. Nagpaalam ako sa kaniya na lilipat ako sa ibang section ng mga gamit pero ramdam kong sumunod siya.

"Kumusta ang buhay?" He asked. Nanatili ako sa pamimili habang sinasagot siya.

"Ayos lang. Maayos din ang trabaho ko. I also have a daughter now." I smiled and glanced at him but I saw him clenching his jaw. Agad 'yong naglaho namg magtama ang paningin namin. Naging malamlam ang mata niya at ang pag-igting ng panga ay napalitan ng ngiti.

Okay, what was that?

"Wow... you had a daughter. Ilang taon na?"

"5 years old."

Tumango lang siya at nanahimik na pero ramdam kong sumusunod pa rin siya. My phone beeped kaya napahinto ako at agad kinuha ang phone ko.

From: Parker

On my way there, what section are you in?

Tumingala ako ngunit nasalubong ko ang seryosong mata ni Sid na nanonood sa akin. Iniwas ko kaagad ang tingin ko at hinanap ang sign ng section. Nang mahanap ko ay agad akong nagreply.

To: Parker

Wardrobe for men.

Ibinulsa ko na ang cellphone ko nang marinig kong nagsalita si Sid.

"Is that your husband?" Mabilis akong umiling.

"I don't have a husband," sagot ko.

"So, you have a daughter pero walang asawa?" Tanong niya.

Napabuntong hininga ako at nakaramdam ng pagkabalisa. Ito na naman ang topic na ito. Sana pala hindi ko na sinagot.

"Selene!" Napalingon ako kaagad at nakahinga nang maluwag nang makita ko si Parker na papalapit. His eyes immediately went to Sid and I saw how his eyes turned dark. Sid's eyes also turned darker at naramdaman ko kaagad ang tensyon.

Before Sid could talk, Parker beats him. "Selene, are you done? Come on, it's already 8 and hindi pa tayo kumakain."

I didn't have the chance to look at Sid as I felt Parker pulling me gently. Namalayan ko na lang na nasa counter na kami at siya na ang nagbabayad.

"Shall we go straight to my unit? Doon mo muna itatago ang regalo mo, diba?" Parker asked as we walk towards his car.

"Uh... why did you do that?" Tanong ko sa kaniya bago pa siya makapasok sa kotse niya. I was still confused on why did he suddenly pulled me away from Sid and the way they look at each other, it seems like they're against each other's presence. But, why?

Parker closed the car's door and he leaned on his car. Huminga siya nang malalim at tumingin sa akin.

"When I saw you talking to him, I can see that you are uncomfortable..." he licked his lips. "Isa pa, narinig ko 'yung tanong niya sa 'yo about... you having no husband despite having a daughter. Naisip ko lang na baka hindi ka komportableng pag-usapan 'yon dahil noong tinanong kita, gano'n din ang reaksiyon mo. That's why I pulled you away, mukha kasing tanga 'yung lalaking 'yon dahil hindi pa rin niya na-gets na hindi ka komportable sa tinanong niya. Napakabo—" hindi ko na pinatapos ang kung anong gusto niyang sabihin. Agad kong binitawan panandalian ang mga bitbit ko at lumapit sa kaniya. I encircled my arms around his neck and hug him.

I can feel him stilled pero hinigpitan ko ang yakap ko. I'm happy that he cares for me. Alam niya agad kung saan ako hindi komportable kahit sa maikling panahon. I feel great knowing that someone knows little thing about me.

"Parker..." I whispered. Mukha siyang natauhan dahil napapitlag siya.

"H-huh?" He stutters.

I smiled. "Thank you."

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon