23.

179 14 4
                                    

I liked Sid. Siya ang lalaking napusuan ko noong College ako. Because of him, I experienced kilig like a normal teenager and adult feels. Kumbaga noon, siya ang dream guy ko.

But, when I discovered his red flags. Ang kabi-kabila niyang pagpapalit ng babae, na-turn off ako. Nadiskubre ko ring mahilig siyang manigarilyo. Base rin sa naririnig ko ay napaka-possessive daw. Hindi ako namamangha sa mga gano'n. Pakiramdam ko, nakakasakal ang gano'n kaya mabilis nawala ang paghanga ko sa kaniya. Nasaksihan ko rin kasi kung paano siya naging bulakbol at mabisyo.

Before graduation, he said that he likes me. Kung gusto ko pa siya noong oras na umamin siya, marahil ay siya ang magiging una kong nobyo at kung papalarin ay aabot kami hanggang ngayon pero mabuti at hindi ako naging marupok.

I remember him harassing me in our graduation party. That's the last thing I remembered before everything went blurry. Sa gano'ng sitwasyon ay pinagpasalamat ko ang pagdating ng misteryosong lalaki.

Pero, iniligtas nga niya ako sa pangha-harass ni Sid, siya naman ang dumale sa akin.

Ngunit kahit gaano ko isipin at damdamin lahat, nangyari na. Tapos na. Iba na ang buhay ko ngayon at iba na rin panigurado ang buhay ni Sid. He probably has his own family now. Who knows, right?

Sinimulan ko ang klase ko nang masigla. Mas mainam kung sa simula ng klase ay may pampasigla sila para naman ganahan rin silang magsimula ng araw nila.

Buong umaga ay nagturo ako at nakipagkwentuhan sa mga estudyante ko. I can see them being attentive when it comes to our lessons. Nakakatuwang tingnan kapag ang estudyante mo ay handang makinig sa 'yo. Kaya pinili ko rin ang pagtuturo ng mas bata dahil alam kong madaling pasunurin at talagang masunurin.

Hindi katulad ng iilang kabataan na pasaway at walang pakealam sa gurong nagtuturo sa harapan.

Nang malapit na ang lunch time, tumunog ang cellphone ko at agad bumungad ang isang text. Nakangiti ko itong binuksan ngunit napawi ang ngiti ko nang makita kong hindi ito galing sa inaasahan kong tao.

From: unknown

Hi, this is Sid. Can I invite you to have lunch with me?

Agad akong napasimangot at tinitigan ang cellphone ko. Hindi naman kasi sa kaniyang text ang inaabangan ko.

Ilang sandali ay muling tumunog ang cellphone ko at ngayon ay napangiti na ako. It's him now.

From: Parker

Lunch is on the way, Ma'am ;)

I laughed when I saw the wink emoji. Nakangiti akong nagreply sa kaniya.

To: Parker

Ingat!

The bell rang at exactly 12 noon. Agad nagsitayuan ang mga bata at nagtakbuhan palabas kaya sumunod ako. Baka kasi may madapa sa kanila dahil nagtutulakan ang iba.

"Careful!" Bilin ko at agad umatras para makasilong.

"Selene!" I turned to my left side and saw Sid jogging towards me. Ang manggas ng kaniyang pilo ay nakatupi hanggang siko habang may bitbit siyang mga papel.

"Sid..."

Nang makalapit siya sa akin ay ngumiti siya. 'Yung klase ng ngiting kinahumalingan ko noong college pero wala na 'yon ngayon. Iba na ang gusto ko.

"Hindi ka nagreply sa text ko kaya pinuntahan kita dito," sabi niya. Hindi naman ako umimik dahil nakatuon ang mata ko sa gate ng school. Inaabangan ko ang pagparada ng pamilyar na sasakyan.

"Uh, Selene... would you mind if I invite you for lunch? I figured out na hindi mo nabasa ang text ko kaya sa personal na lang kita tinatanong." Lumingon ako sa kaniya nang makitang hindi pa dumadating ang inaantay ko.

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon