02.

308 21 2
                                    

"Baby, come here. Sleep na tayo," sabi ko at tinapik ang kama kasabay ng paglapit ni Patrisha at pag-akyat. Agad ko s'yang inalalayan at pinahiga sa tabi ko. She grab my phone and watch her favorite videos.

Nakagawian na ni Patrisha na manood hanggang sa makatulog siya. She will be sleepy while watching at minsan, ganito ang ginagawa ko para makatulog agad siya. Lalo t'wing nagawa ako ng lesson plan.

I pat my daughter's arms while my eyes are on the cartoons she's watching. Pero, kahit gano'n ay wala doon ang isip ko. I'm thinking about many things.

Who is Patrisha's father? What really happened that night? Why can't I remember the man who happens to got my virginity? Bakit hinayaan ko ang sarili kong magkaganito?

But, on the other hand, I didn't regret having Patrisha. Wala akong pinagsisisihan. Ang gusto ko lang, masagot ang mga katanungan ko.

"Anak, kamusta ang trabaho?" Humikab ako habang hinahalo ang kape ko. Naabutan ko si Mama dito sa kusina pagkababa ko ngayong umaga.

"Ayos naman, Ma. Masayang turuan ang mga bata lalo't nakikita ko kung gaano sila ka-active sa klase," nakangiting sabi ko. Tumango si Mama at sabay kaming napalingon nang pumasok si Papa kasama ang anak kong papungas pungas pa.

"Good morning, apo kong maganda," Mama said sweetly and went to my daughter. Kinarga n'ya ito at iniupo sa upuan. Ako na ang nag asikaso ng pagkain at nagsalin.

"Aba, ang bango n'yan ah." I smiled and look at Papa beside me. Nginitian din niya ako at ginulo ang buhok ko.

"Halika nga at tulungan na kita r'yan."

Katabi ko si Patrisha habang kumakain kami. Inaalalayan ko din siya sa pagkain dahil may natatapon sa pagkain niya.

"Selene, bakit hindi mo ipasyal itong si Patrisha ngayong araw? Linggo naman ngayon. Magsimba kayo at pumasyal sa labas. Para makapag-enjoy naman itong apo kong maganda," Papa smiled and look at my daughter. Napakagat labi ako at tumango.

Right, I should take my daughter out.

"Anak, ano nang desisyon mo?"

Natigil ako sa pagkain at nag-angat ng tingin kay Mama na nakatingin sa akin at naghihintay ng isasagot. Napabuntonghininga ako at ibinaba ang kubyertos na hawak ko. Uminom ako ng tubig at hinarap si Mama.

"Ma, napag usapan na natin ito. Hindi kami pwedeng sumama ni Patrisha sa inyo dahil nandito ang trabaho ko. Nandito din ang school ng anak ko. Patapos na ang school year at mahirap kung ita-transfer ko s'ya..." sabi ko. "Isa pa, sigurado akong gusto ni Patrisha na manatili dito," dagdag ko at nilingon ang anak ko na tahimik na umiinon ng gatas.

Narinig ko na nag-uusap si Mama at Papa kaya tahimik lang akong nakinig.

"Sabi ko naman sa 'yo, Roda. Ayaw nga ni Selene umalis dito. Isa pa, hindi papayag 'yang apo mo na malayo dito dahil nakasanayan na," sabi ni Papa.

Next month ay balak na nila Mama at Papa na manirahan sa Isabela. Lilipat doon sila Mama para mabantayan ang Lola ko doon na malala na ang kondisyon. Ang anak kasi nito, which is pinsan ni Mama ay nasa ibang bansa lahat at mukhang mga wala ng balak umuwi. Naiwan si Lola doon kaya balak nila Mama na manirahan doon upang mabantayan ang Lola.

Kinukumbinsi niya kami ni Patrisha na sumama pero, ayaw ko at ayaw din ng anak ko. Alam kong mahihirapang mag-adjust ang anak ko kapag lumipat kami doon. Nandito din ang trabaho ko at sayang naman kung iiwanan ko.

"Mama, finished na po ako." Nilingon ko ang anak ko at nakitang tapos na nga siya sa pagkain. Napangiti ako at pinunasan ang gilid ng labi niya na may gatas pa.

"Wow, galing naman. Halika na, liligo tayo. Aalis tayo, dali!" Sabi ko at inalalayan siyang pababa. Umikot ang anak ko at pumunta sa Lolo at Lola niya saka humalik sa pisngi.

"Very good naman 'yang baby namin. Aalis kayo ni Mama mo?" Marahang tanong ni Papa. Patrisha nodded and hold my hand.

"Gamitin n'yo na ang pick up, Selene. Para naman hindi na kayo mapagod sa pag-commute," sambit ni Mama bago kami umakyat.

I shook my head. "Hindi na po, Mama. Baka kailanganin po ninyo kung sakaling umalis kayo ngayong araw, gamitin n'yo na lang po," sabi ko.

"Oh sige, basta ingat kayo."

Dumiretso na kami ni Patrisha pabalik sa kwarto. Inilabas ko ang damit na isusuot niya habang inililigpit niya ang mga laruan na nakakalat.

"Ayan pa, baby. Baka matisod ka diyan, keep mo muna 'yan," sabi ko nang mapansin ang isang laruan na nasa sahig malapit sa paanan niya. Nakita ko ang agad niyang pagpulot doon at inilagay niya sa basket kung nasaan ang mga laruan niya.

Sabay kaming naligo ng anak ko at nagbihis. Inayusan ko din siya bago siya pinalabas at pinapunta muna kay Mama at Papa para makapagbihis at ayos naman ako.

Hinayaan kong nakabagsak ang buhok ko at saka ako naglagay ng powder at kaunting lipstick. Pinagpagan ko ang blouse na suot ko at ang pantalon saka ako nagsapatos.

Hindi pa man naipapanganak si Patrisha, mga simpleng pormahan na ang gusto ko. Ayoko ng palaging naka-make up at nakasuot ng magagarang damit. Bilang lang kung ilang beses ako nagsuot ng magarang damit at make up.

'Yun ay nung prom at nung graduation day... which was also the day a man took my virginity away.

Hindi ko alam kung sinong dapat sisihin. Ang lakaking 'yun ba na sinamantala ang kalasingan ko o ako na hinayaang mangyari ang bagay na 'yon?

Pero, kung iisipin ay pareho kaming may kasalanan. Kung sino man siya. May kasalanan siya dahil sinamantala niya ang kalasingan at kawalan ko sa huwisyo. May kasalanan ako dahil kung kani-kanino ako sumasama.

Pinasadahan ko ng huling tingin ang itsura ko bago ko napagdesisyunang umalis na. Dala ko ang bag ni Patrisha na naglalaman ng tubig, bimpo, wallet ko at cellphone. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa sala kung saan naabutan kong inaayusan ni Mama ng buhok ang anak ko.

"Wow, ang ganda naman ng baby ko," sabi ko pagkababa ko. Ngumiti ang anak ko na nagpatunaw sa puso ko.

My angel's smile is my most treasured thing.

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon