29.

215 14 0
                                    

Masakit kapag hindi ka kayang pakinggan ng taong mahal mo. 'Yung parang pinapalabas niya na wala siyang tiwala sa'yo kaya madali siyang nagko-conclude. Pero, mas masakit 'yung hindi ka na nga niya pinakinggan, hindi ka pa niya nirespeto.

"Selene, inumin mo muna ito."

I went to Rowena's house. Kaibigan ko rin naman siya kaya alam kong pwede akong umiyak sa kaniya. Julianna isn't here to comfort me. Thankful pa rin ako dahil nandito si Rowena.

Inabot ko ang bigay niyang tubig at ininom ko 'yon. Kinakalma ko ang sarili ko dahil hindi pa rin ako matigil sa pag iyak. Sobrang bigat pa rin ng pakiramdam ko.

"Selene, ano bang nangyari? Nag aalala na ako sa'yo." Tumabi sa akin si Rowena at hinimas ang likod ko para pakalmahin ako. Napahikbi akong muli kaya niyakap na niya ako. Mas lalong lumakas ang hikbi ko na naging paghagulgol na.

"H-he... disrespected me, Rowena. Hindi na nga niya ako p-pinakinggan, h-hindi pa niya ako nirespeto. S-sobrang sakit. Hindi ko kayang makita siya," humihikbing sambit ko.

Humigpit ang yakap ni Rowena sa akin. "Umiyak ka lang, Selene. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nasaksihan ko kung gaano ka niya kagusto. Noong dumating siya, saka ko nakita kung gaano kasaya si Patrisha pati ikaw. Ayokong manghusga pero klarong klaro na hindi tama ang ginawa niya," she said in a soothing voice. "If you don't mind, can you tell me what really happened?"

Humiwalay ako sa kaniya at pinunasan ang luha ko. I sighed and started telling her. Mula sa pagpapakita ni Sid at pagsasabing siya ang tatay ni Patrisha, pati ang paguusap namin sa restaurant hanggang sa ginawa ni Parker.

"Parker is a jerk. Mas jerk pa doon kay Mr. Peñas. I mean, bakit umabot sa puntong gano'n? Bakit kailangang bastusin ka niya? Understandable na nagalit siya dahil sa narinig pero 'yung bastusin ka? Hindi katanggap-tanggap," sabi niya.

"I broke up with him," sabi ko pero mas bumigat ang nararamdaman ko. Bakit nasasaktan ako lalo nang maisip kong hiwalay na kami? Bakit ganito?

Bakit mahal ko pa rin siya?

Bakit hindi ko magawang magalit ng lubusan?

Bakit nasasaktan ako pero nangingibabaw ang pagmamahal ko?

Nakarinig kami ng pag-ring ng cellphone kaya nagpalinga linga si Rowena. Sa kaniya 'yon dahil hindi ko naman dala ang cellphone ko. Nandoon sa bag ko dun sa apartment.

"Selene... it's from your number," sabi niya kaya napaangat ako ng tingin. She showed me her phone at nakita kong number ko ang nag-text sa kaniya but what caught my attention is the text.

From: Selene

Hi, you're Selene's co-teacher and friend, right? It's me, Parker. Alam mo ba kung nasaan siya?

Naramdaman ko na naman ang pag init ng sulok ng mata ko at pagbigat ng pakiramdam ko. Umiwas ako ng tingin sa cellphone niya at uminom muli ng tubig.

"Anong irereply ko? Shall I tell him that I don't know where you are?" Magsasalita pa sana ako pero nag-ring ang cellphone niya. Nakita kong muli ang number ko roon kaya agad akong umiling.

"'Wag mong sagutin," I said but, it's late. Nasagot na niya. She looked at me and mouthed 'he's with your daughter'. Agad namang nanlambot ang puso ko nang maalala ko ang anak ko. Naiwan ko siya doon. Babalikan ko naman siya bukas, gusto ko lang magpalamig ng ulo at ayaw kong makita si Parker pero magkasama pala sila.

"Teacher?" My tears fell when I heard my daughter's voice from the other line. Kinagat ko ang labi ko at tinakpan ang bibig ko.

"Yes, Patrisha? Do you need anything, hmm?" Tanong ni Rowena at lumapit sa akin saka hinawakan ang kamay ko.

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon