Chapter 23 (Graduation day)

1 0 0
                                    

Angel POV

Sa loob ng apat na taon na pamamalagi ko sa paaralang ito, hindi ko akalain na nalalapit na ang araw ng aking pagtatapos..
Ilang araw na lamang ay iiwan ko na ang paaralang ito, pati narin ang mga kaibigan ko na nagdulot ng saya sa buhay ko dahil sa kanila ay nakalimutan ko kahit papaano ang pagod na nararanasan ko bilang working student..
Mamimiss ko silang lahat....
Lalo na si Sander,
Noong nakaraang taon ay nanligaw ito sa akin pero hindi ko sinagot..
Dahil gusto ko sya'ng i test kung totoo ba ang nararamdaman n'ya sa akin dahil ayoko na masaktan ulit katulad ng ginawa sa akin ni Jayson, na tila masaya narin kasama ang bago nitong girlfriend, sinungaling talaga s'ya kahit kailan!!!
Sinabi pa n'ya sa akin na hihintayin n'ya ako!!! yun pala ay hindi n'ya ginawa..
sinubukan ko lang naman s'ya kung talagang totoo ang sinabi n'ya sa akin pero sa ginawa n'ya ay lalo n'ya lang pinatunayan na hindi talaga s'ya ang lalaking karapatdapat sa akin!!!
pero...
ayos lang kasi kahit papaano ay masaya narin naman ako dahil kahit hindi ko sinagot si Sander ay hindi parin nagbago ang pakikitungo n'ya sa akin..
Sa katunayan ay mas naging malapit pa kaming tatlo kasama si Violet..

Alam ko na katulad ko ay may gusto rin si Violet sa kanya pero bilang respeto sa aming pagkakaibigan ay hindi na namin inisip na magkaroon ng personal na ugnayan sa isa't isa .
Dahil una sa lahat ..
Mas mahalaga parin talaga ang pakikigpagkaibigan kaysa sa pakikipag relasyon dahil masasabi ko na ito ay may forever..

".So paano?
Dahil wala na tayong maayos na klase ngayon, Ano nalang ang gusto n'yong gawin?
Tanong ni Sander.
Nasa kubo kaming tatlo at tumambay muna saglit dahil hindi pumasok ang aming guro .

".Ikaw bahala Sander, ikaw naman ang maraming pera dito eh."
Biro ko sa kanya..

". Sabagay tama ka Angel, sige manlilibre ulit ako,
saan n'yo gustong kumain?."

".Doon nalang sa paborito n'yong dalawa ni Angel..
Alam mo naman,
Kung ano ang paborito mo paborito ko narin."
Pabirong sagot ni Violet rito.
Kahit kailan talaga to si Violet..
Gagradweyt nalang hindi parin nagbabago

".Sige Violet..
Sabi mo eh, sakay na kayo sa kotse."
Sabi nito kaya sumakay na kami .

".Anong gusto n'yo?, dine in o take out."

".dine in nalang pagkatapos ay manood tayo ng sine."

".maganda yan Violet, how about you Angel?.

".yun nalang din Sander."
sabi ko kaya dinala kami ni Sander sa isang sikat na kainan
pagkatapos nitong umorder ay nag umpisa na kaming kumain..

".kamusta ang practice teaching mo kahapon."
tanong ni Sander sa akin.

".okay lang kahit medyo stressful, ang hirap talagang gumawa ng instructional materials, buti nalang nakaraos din.."

".how about you Violet, kamusta ang OJT mo?."

".well, nakakapagod. pero ayos lang naman ako,
grabe... ang hirap palang maging nurse.."
how about ikaw?."

".hmm okay lang..
basta okay kayong dalawa ay okay narin ako.
nakangiting sabi ni Sander,
kahit kailan talaga ay napaka sweet n'ya..

".Well, para mabawasan ang pagod at stress n'yo manood tayo ng comedy after nito."

".gusto ko yan Sander,
sagot ko rito..
kaya pagkatapos naming kumain ay dumeretso na agad kami sa sinehan..

".Doon tayo sa unahan." turo ni Sander kaya naman pumunta kami sa direction na iyon..

hindi ko akalain na makikita ko si Jayson na naka akbay pa sa girlfriend nito,
pero hindi na namin ito pinansin at nilagpasan na lamang namin s'ya at umupo kami sa unahan nila, katabi ko si Sander at napagitnaan na naman namin s'ya ni Violet at nakaupo kami habang nakahawak sa binili naming popcorn at milk tea .

True HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon