Chapter 2 (New work)

35 2 0
                                    

CHAPTER 2 (new work)

          Isang araw ay kinausap ako ng amo ko, kasama ang asawa nito at mukhang seryoso ang mukha nila,

".Angel, gusto lang naming sabihin sa'yo na next week ay pupunta kami ng New york at doon na titira, gusto ka sana naming isama  kung papayag ka."

".Po? ate? talaga?." gulat na tanong ko.

Tumango sila kaya napayuko ako at nag isip saglit
Ako? pupunta sa Newyork? pero paano ang bestfriend ko? at ang family ko?
Hindi na ako makakauwi sa kanila this year kapag pumayag ako, plano ko pa naman sanang bisitahin sila ngayong pasko, 4 months to go nalang sana yun.   nagpakawala ako ng buntong hininga saka tumingin sa kanila.

".Babalik pa po ba kayo dito?."
tanong ko

".Hindi na, kasi doon na kami bubuo ng pamilya."
sabi ni kuya.

".Pag iisipan ko pa po muna, kuya."

".Okay, sige, sabihin mo lang sa amin kung ano ang desisyon mo."

Kinagabihan,
Pagkatapos ng lahat ng gawain ko ay pumasok na ako sa kwarto ko.
Naisipan kong tawagan si Violet at sinabi ko rito ang tungkol doon.

". Ano? pupunta sila ng Newyork at balak kang isama?."

".Oo Violet."

".Wag mong sasabihin na iiwan mo na ako."
malungkot na sabi nito.

"Yun nga eh, ayaw kitang iwanan, tapos gusto ko naring makita muli ang family ko,
sobrang namimiss ko na kasi sila." seryosong sabi ko

".So, anong plano mo?."

".Hindi ako sasama." sabi ko

".Mabuti naman kung ganun, ayaw kitang umalis bestfriend paano na ako? wala na akong ko-kopyahan? ay este tutulong pala sa akin."
pabirong sabi nito

".Hay, ikaw talaga. kahit kailan ka hahaha ."
sabi ko na natatawa.

".So anong plano mo?." tanong nito

".Uuwi ako sa amin." sabi ko

".Ay, akala ko titira ka rito sa amin,  kupkupin sana kita eh hehe "
natatawang sabi nito

".Pwede rin kung may space pa ako d'yan hehe  char lang,  uuwi ako sa amin tatawagan ko pa muna si mama."
sabi ko rito

".Ah okay." sabi nito

".So next time nalang ulit, goodnight bestfriend."

".Goodnight din."  sabi nito and I end the call
tinawagan ko ang mama ko at napag-alaman ko na nag trabaho rin pala s'ya.

".Umuwi ka nalang dito anak, ipapasok kita rito sa pinagtatrabahuan ko."

".Sige po mama," sabi ko na nakangiti.

".Sige, anak matulog kana dyan dahil gabi na,  ingat ka huh?,  goodnight."

".goodnight din po."
sabi ko at nag decide na akong matulog..

Kinabukasan.

Araw ng sabado
Pagkatapos ng gawain ko ay agad na sinabi ko ito sa mga amo ko na nakaupo sa sofa habang nanonood ng T.V

".Kung yan ang gusto mo Angel ay wala kaming magagawa, hahanap nalang kami ng kapalit mo sa Agency."

".Salamat po kuya at Ate."

".Salamat din Angel, mag iingat ka,” sabi ni kuya na naka ngiti.

".Ngumiti rin ako sa kanila."

Nakapaghanda na sila ng gamit at aalis na sila next week.
Pagkatapos ng isang linggo ay umalis na sila kuya at ate at ako naman ay bumalik na sa amin,  kinuha ko ang mga gamit ko at sumakay na ng van.
Makalipas ang isang oras ay nakauwi narin ako sa wakas kaya kumatok ako sa bahay namin,

".Hai sa inyo."
sabi ko matapos nila akong pagbuksan ng pinto.

".Uy nandito na si ate, pasalubong po hehe" sabi ng kapatid ko

".Ano ako abroad? haha" nakangiting tanong ko

".oh ayan,  kunti lang muna maliit pa sweldo ko eh."
sabi ko na nakangiti habang inabot ang maliit na supot ng pagkain.
Kinuha naman nila ito at pinag-agawan ng dalawa kong makulit na kapatid na si
Josh at si Jade

".Para sa'yo Jane." abot ko sa pangatlo kung kapatid na maganda

".Salamat Ate."

".Mano po papa."

".Kaawaan ka ng Diyos anak."
sabi nito

".Saan si kuya?." tanong ko,  s'ya lang kasi ang kulang sa amin

".Nasa trabaho pa anak,." sagot ni mama

".Hai mama, sabi ko at niyakap ko s'ya

".Namiss ko kayong lahat."
ang saya saya ko at niyakap ko sila isa isa.
Pagkatapos naming kumain ay natulog ako ng maaga dahil maaga pa kaming gigising bukas.


...................
"Angel, gumising kana."
sabi ni mama sa akin,

".Opo, mama." sabi ko at pinilit na idilat ang mata.

Pinaliwanag ni mama kung ano ang magiging trabaho ko roon at kung magkano ang sweldo ko.
Mas mabuti pala roon kasi malaki ang sweldo, makakabili narin ako ng gamit ko,
3 k lang kasi ang monthly ko kina kuya eh, kaya wala akong ipon doon,
Gusto ko sanang makabili ng laptop pero wala akong pambili, pagkatapos napag alaman ko na 6,000 daw ang monthly ko roon ayon kay mama kaya confident ako na makakabili ng laptop dahil napaka importante nito sa mga school projects and reporting ko.

Bago ako tumayo ay nag pray muna ako
Ano kaya ang magiging kapalaran ko sa new work ko? excited na akong magkaroon ng laptop.  sabi ko sa isip ko at dagling bumangon doon nalang daw ako maliligo kaya nag hilamos nalang ako at nagbihis.

Pagkarating ko roon ay namangha ako kasi ang ganda ng bahay nila sa 3rd floor ng building.
Ang ganda ng mga flower at ang loob nila ay napakaganda rin,
Maraming mamahaling gamit at malapad ang sala nila, agad kong tinungo ang sinabi nilang magiging kwarto namin,

".Wow,  may malaking electric fan at may T.V pa."
Naupo ako sa malambot na higaan saka nilibot ang paningin sa paligid,
Apat pala ang bedroom namin dahil mayroon din sa itaas.
Nilagay ko na ang gamit ko roon at nagdecide na maligo, kaya kinuha ko ang damit ko at dag'ling pumasok ng banyo.

Wow, ang ganda ng cr nila at may dalawang shower pa, ang isa ay nasa itaas at ang isa naman ay nasa ibaba, ang ganda naman maligo dito.
nasabi ko sa sarili ngunit nang paandarin ko ang tubig ay nagulat ako kasi para akong mapapaso.

Uy, bakit ang init? takang tanong ko sa sarili ko pero pinilit ko paring maligo, pagkatapos nito ay bumaba na ako kasi kailangan pala naming maglinis ng opisina,
medyo malaki ang opisina nila at maraming nakapost na nakaka encourage na Bible verses at mga quetes.
gaya nalang nito

*Note to Self*
I am not alone
God is with me
He is leading me, He is protecting me, His promises are true! I will be okay. Good morning!

Napangiti ako dun, yes amen at ito pa

".Faith is the ability of our heart to see a light when all we see in our eyes is darkness!
Napakaganda talaga at nakaka-inspire ang first day ko!
Dito ko napagtanto na christian pala ang may ari ng Cool glass Hardware and depot Inc at dito ako nagwowork as a Residence helper kasama ang mama ko,

After naming maglinis ng opisina ay agad kaming umakyat ng taas ni mama at nakasalubong ko sa hagdan ang isang dalaga, medyo bata pa ito pero mukhang mature na tingnan ang hitsura.

". Hai? sabi ko

".Hello." sabi n'ya sabay ngiti

".Jessa diba?

".Jeah." pagtatama n'ya

".Ay   Jeah pala,  mali ang rinig ko sa kapatid ko dati kasi s'yang nagwowork dito!
natawa si mama sa likod.

After nang pag uusap namin dumiretcho na kami sa taas ni mama, at pinauna ko s'ya kasi nahihiya pa kasi ako, nakita ko s'yang pumasok sa kusina kaya pumasok narin ako doon..

".Ang cool! pinto pala ito!
mukhang ordinaryong salamin lang na ginawang dingding."

May kalakihan ang kusina nila at ang ganda ng disenyo.
Nakita ko ang isang babae na may kagandahan parin kahit sa hinuha ko nasa kwarenta na ito.

".Mar's, sabi nito sa mama ko kasabay ng malapad na ngiti, napakamasayahing tao naman n'ya.

".Shei, sabi naman ni mama, kamusta? Anong ulam natin dyan? kwelang tanong ni mama

".Kain kana Mars, nagluto ako ng paborito mong sabaw."
sabi nito na ngiting ngiti kaya napangiti rin ako dahil doon.

Maya maya ay dumating si Jeah at yung babaeng sumalubong sa amin kanina.

".Kain na tayo Dy." sabi ni mama

".Sige."  sabi naman nito at kumuha ng plato.

".Yan ba yung kapatid ni Jane?." pagtukoy n'ya sa akin

".Oo, ate n'ya ito at nag aaral s'ya ng college, pina working ko s'ya para kahit papaano makatulong sa mga bayarin." sagot ni mama

".Anong year mo na? tanong pa nito sakin

". 2nd year pa po." sabi ko

".Ay, kaya yan, makakagradweyt ka rin, tiyaga lang kahit matagal pa. “
sabi ni Ate Shirlyn
Napangiti naman ako roon,

".Tama ka po, basta wag lang mag asawa ng maaga."
pabirong sabi ko kaya natawa sila.

". Wag ka muna mag boyfriend iha." dagdag pa nila at nagsimula na kaming kumain.

After naming kumain ay tumulong ako sa paghuhugas ng plato at matapos nito ay pumunta ako sa kwarto at nanood ng T.V.
around 10 am ay tinawag na ako ni mama para maglaba sa taas kaya naman ay sumunod na ako sa kanya.

Hindi naman masyadong madami ang labahin, dahil meron naman silang washing machine,
pinapa-handwash lang nila yung mga panglakad nila na damit at hindi naman daw ito madumi sabi ni mama,
kasi pawis lang ito pero kailangan lang ng daw ng maraming ilagay na sabon at banlawan ng maigi, sabi n'ya sa akin, kaya kahit medyo nakakapagod pero carry lang naman dahil para sa laptop ko ito.

".Ma. basta huh? yung sweldo ko ibibili ko ng laptop huh?."
paulit ulit ko na remind sa kanya dahil  importante talaga yun para sa studies ko, lalo na dahil gagawa kami ng Multi Media Presentation.

".Oh, sige, wag kang mag alala dahil pag-iiponan natin yan."
Sabi nito.

Nang mag alas dose na nang tanghali ay nagreklamo na ako dahil nagugutom na ako tapos hindi pa kami tapos mag sampay.

".Mauna kanang bumaba roon anak."  sabi ni mama

".Ma, sabay nalang tayo dahil nahihiya ako eh.”  sabi ko

".Ano ka ba? kalimutan mo yang hiya mo dahil malilipasan ka ng gutom n'yan.”  sabi nito

Ayaw ko talagang bumaba kasi naawa ako sa kanya kasi sigurado ako na gutom na rin s'ya pero tinitiis n'ya lang ito, kaya lang ay pinilit n'ya ako kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang bumaba nalang.

".Oh, Angel? Saan ang  mama mo? sabi ni Ate Shirlyn.

".Nasa taas pa po, hindi pa kami tapos magsampay pero pinauna n'ya ako kasi gutom na ako."  sabi ko

".Ay, ganun ba, hala kumain kana rito para matulungan mo ang mama mo sa taas." sabi n'ya
kumuha na agad ako ng plato at nag umpisa ng kumain.

After kong kumain ay hinugasan ko ang kinainan ko at nagpaalam kay ate shie at dumiretso na sa taas.

".Ma, ako na po rito, kumain ka muna roon, sabi ko

".Malapit na'to anak." sabi n'ya!

".Ma, Ako nalang dito. sabi ko

".Kuhanin mo yung mga damit sa washing machine para maisampay." utos nito.

".Sige po, basta bumaba kana, ako nalang magsasampay."
tumango si mama kaya kinuha ko na ang mga damit at ako na nga ang nag-sampay, napakainit dito sa taas ng building dahil direkta ito sa sikat ng araw, dito kasi ako nagsampay sa mismong rooftop ng building kaya napaka init talaga pero tiniis ko ito.

Kawawa naman si mama, pawis na pawis na s'ya at sigurado akong gutom na gutom na s'ya dahil ala una na yun.
Matapos kong magsampay ay bumaba na ako upang tumulong sa paghuhugas ng plato pagkatapos kumain ng mga amo namin.

".Ma, Ano pang gagawin natin after nito?.”  tanong ko

".Wala na, pwede kanang matulog.”  sabi ni mama

".Ganun ba, okay sige,” sabi ko na nakangiti.
 yes, makakapaghinga narin ako.

Pumunta na agad ako ng kwarto ko at humiga.

Maya maya ay dumating si ate Andy at pina andar ang T.V.
Hindi na tuloy ako makatulog dahil na didistruct ako sa T.V.

Maya maya ay dumating na si mama saka si ate Shirlyn

".Oh, akala ko ba matutulog ka?” sabi ni mama at tumabi sa akin.

".Hindi ako makatulog dahil sa T.V."  sabi ko

".Matulog kana! wag mo nalang pansinin ang T.V sabi nito.

Nagkunwari nalang ako na natutulog kasi nangungurot s'ya,
pinapatulog n'ya kasi ako na parang bata.

Hahay si mama talaga

". Aray, Ma. reklamo ko, nangurot na naman ito nang mahuli n'ya akong dumilat.

".Matulog kana, mag-paplantsa pa tayo mamaya."  sabi nito kaya natulog nalang ako.



..............

".Angel, Gising na, alas singko na
mag-paplantsa na tayo ng damit."  sabi ni mama

Parang ayaw ko pang bumangon kasi nakulangan ako sa tulog pero kailangan dahil nasa work ako at wala sa bahay.
Dumiretso na ako ng CR at nag-hilamos at pagkatapos ay pumunta sa kusina.

".Mag kape kana d'yan tapos tulungan mo akong mag tupi sa taas sabi nito

".Opo, ma."
sabi ko nagtimpla at na ako ng kape.

Pagkatapos nito ay agad akong dumiretso sa taas.
Tumulong ako sa pagbuklas at pagkatapos ay tinupi namin ito.
Pagkatapos naming magtupi ay bumaba na kami para magplantsa.

".Ayusin mo sa pag-plantsa huh? dapat walang gusot." sabi ni mama.

".Opo, Ma."  sabi ko

Medyo nahirapan ako kasi hindi pa ako sanay mag-plantsa, kahit pa naranasan ko na ang ganitong trabaho before, pero sobrang hirap talaga, pero iniisip ko nalang na ito rin naman ang gagawin ko soon.
ini imagine ko nalang na ang pinaplantsa ko na damit ay damit ko someday at damit ng future husband ko, kaya kahit papano ay napapangiti ako..

Ang ganda rin kasi ng background music ko, si Jeah..
Ang galing n'yang kumanta at mga christian song pa ang usually na kinakanta n'ya kaya nakaka-inspire kahit medyo nakakapagod.

Nararamdaman ko na ang pananakit ng likod ko.
Samantalang si  mama ay busy parin sa pagtupi hanggang sa hindi ko mapigilang magreklamo.

".Ma, ang sakit na ng likod ko." sabi ko sa kanya dahil hindi ko na ito matiis.

".Sige, ako nalang muna dyan."  sabi n'ya

Sumandal muna ako sa dingding pero sabi ni mama na pumasok nalang daw ako sa kwarto  kasi baka magalit ang amo namin pag nakita nila akong naka upo.
kaya naman, pumasok ako ng kwarto at humiga ng walang unan para ma comfort ang likod ko, pagkatapos ay pina andar ko ang electric fan para mabawasan ang mainit na pakiramdam.

Hay, ang hirap ng first day, pero carry lang kasi para sa laptop to
Sabi ko sa isip ko at ngumiti.

Maya maya ay tinawag na nila ako dahil may pinapakuha raw sa baba. tumalima ako kahit hindi ko pa kabisado ang daan, bumaba na ako para kuhanin yun kahit nahirapan ako at muntikan pa akong maligaw subalit kahit ganoon ay nagawa ko parin at pag akyat ko ay binigay ko na sa kanila ang maliit na bag.

".Oh, Angel. kumain kana rito." sabi ni Ate Shei

".Ma, kain na tayo."  tawag ko sa kanya.

".Mauna kana, Anak. hindi pa ako tapos mag plantsa." sabi nito

Hay, naaawa talaga ako sa kanya dahil sigurado ako na gutom na s'ya pero mas inuuna n'ya parin ang trabaho ke'ysa sa pagkain.
kaya naman nagmadali ako sa pagkain at pagkatapos nito ay agad na pinuntahan ko s'ya.

".Ma, ako na dyan, kumain kana."
sabi ko rito pero ayaw pa n'yang pumayag noong una ngunit kalaunan ay pumayag narin s'ya kaya naman nagsimula na akong mag-plantsa.

Ang hirap ng ganitong trabaho pero okay lang dahil para ito sa pangarap ko.
Sa wakas ay natapos narin lahat ng trabaho roon at hindi na kami pinaghugas pa dahil bawal raw mabasa ang kamay namin, kaya nakahiga narin ako ngayon at iniinda ang sakit sa likod ko pero carry pa naman, bago ako natulog ay nag pray ako.
".Angel, matulog kana, sabi ni mama

"opo mama"


..................

Grabe, ang bilis ng araw dahil friday na agad, ngayon lang ako na excite sa sabado dahil hindi talaga biro ang trabaho roon,
una ay ang sakit ng likod ko dahil  sa kakawalis sa malawak na opisina and then, after that ay maglalaba pa kami na napakahapdi talaga sa kamay kasi kailangan talagang kusutin ang panlakad, tapos sa hapon naman ay magpapaplantsa kami kaya ang hirap pero ayos lang iyon dahil  masasanay din ako dito,




......................
It's Saturday,
kakarating ko lang ngayon sa school at napag-alaman ko na wala pala kaming pasok, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko,  sasabihin ko ba ito kay mama? pero nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba ito o maghintay nalang rito until 5pm? naisip ko bigla si Violet dahil hindi na kami nagkikita araw araw sa kadahilanang lumipat na ako ng department, naging  saturday at sunday  na ang klase ko dahil kailangan ko na mag trabaho mula lunes hanggang biyernes,  hay, I miss her.

Nung last time ko s'yang kinausap tungkol doon ay nalungkot talaga s'ya kasi wala na s'yang makokopyahan, ay este matatanungan pala hehe, pero kahit ganun yun, nakakamiss din, hay, paano kasi wala naman akong ibang choice kung hindi ang lumipat ng department.
Every sunday nalang kaming magkikita para magsimba, pero half day lang dahil may klase ako at exactly 1 pm.
Natigil ako sa pag iisip dahil biglang nag ring ang cellphone ko, tumawag pala si Jayson,
Nakilala ko ito sa Facebook at nauna itong mag pm sa akin at napag-alaman ko na pareho pala kami ng school,  medyo malapit lang ang resort nila sa school namin ngunit yun nga lang ay hindi kami classmate kasi taga ibang department s'ya.
Hindi ko akalain na magbabago ang takbo ng mundo ko dahil sa kanya.









True HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon