Chapter 1 (My BFF)

137 5 6
                                        

Ang pangalan ko ay Angelica Mendoza. You can call me “.Angel.” for short
Nagmula ako sa isang mahirap na pamilya at pangalawa ako sa aming limang magkakapatid, Jeepney driver ang papa ko at walang trabaho ang aking ina sa kadahilanang hindi ito nakapagtapos ng pag aaral, simula paman noon ay pangarap ko na talagang yumaman, ito yung tipong mabibili mo lahat ng gusto mo, ang makakain ka ng ibat ibang masasarap na pagkain at makapunta sa ibat ibang lugar,
bata palang ako ay pinapangarap ko na ito kaya naman ay nagsumikap ako.
Matapos kong makatapos ng highschool ay namasukan ako bilang isang katulong sa isang mayamang mag asawa na wala pang anak, Ako ay nagtatrabaho sa kanila habang ako ay nag aaral, mahirap ito pero tinitiis ko dahil may pangarap ako.

       Araw ng Lunes, alas tres palang ng  madaling araw ay bumangon na ako.
Nag usal ako ng maikling dasal saka ko hinanap ang aking notebook.
Kinakailangan ko kasing mag study dahil exam namin sa araw na iyon.
kaya naman habang ako ay nagsasaing ay hawak ko ang aking  notebook  at abala ako sa pagbabasa, mini-memorya ko  ito at nawa ay hindi ko ito makalimutan.

“.Alas singko na pala, Naku! hindi ko pala namalayan ang oras,
kailangan ko na palang magluto ng ulam."

Kinuha ko ang tilapia na kanina ko pa binabad sa tubig saka nilagay sa kawali na may mainit na mantika.

".Kailangan kong magmadali dahil dapat 6 am ay tapos na ako para maligo."
Naipabulaslas ko sa sarili ko habang nakatingin sa relo mula sa kamay ko.

Pagkatapos kong magluto ay naligo na ako.

Maayos na akong nakagayak nang marinig ko ang boses ng amo ko.

"Angel"?
tawag ng amo ko sakin ."

".Po."

".Maghain kana"

". Opo"

"Kunin mo nga yung cellphone ko."
Utos uli n'ya..

". Opo"

"Angel"?

"po?"

"Kunin mo ang bag ko"
utos uli n'ya,

"Okay po" sagot ko saka agad na tumalima.

"Ate, alis na po ako?"

"Okay "
sabi nito na hindi man lang ako nilingon.

Lumabas na ako at naghintay ng trycicle

"San ka po maam?."

"Sa brokenclaire po"
Sagot ko rito saka agad na sumakay

Maya maya, nakarating narin ako sa  "Brokenclaire College INC"

1st year ako sa course ko na "BEED MAJOR IN GENERAL EDUCATION"

Nag madali akong tumakbo sa room B at hindi ako nagkamali dahil na late nga ako.

"Good morning sir?."
Bati ko sa aking guro ngunit ako pinansin kaya naman ay dumiretso na ako sa pag upo subalit  pinag-tinginan ako ng mga classmates ko

"Okay class? get 1/2 sheet of paper because we have a quiz."

"Sir? walang exam? tanong ng classmate ko"

"Wala, Our exam will be on next Friday.

Kinuha ko na ang aking papel at katulad ng laging nangyayari ay ako ulit ang nakakuha ng mataas na score, kaya naman binati ako ng mga classmates ko, lalo na ng best friend ko.

"Wow Angel Congrats."

"Next time, pakopya huh?."  Nakangising sabi nito na tila nakapikit ang singkit nitong mata.

".Ikaw talaga, Violet puro ka biro.” sabi ko sa best friend ko sabay tapik sa balikat nito.
best friend na kami simula pa nung high school, masasabi ko na napakatatag niya dahil hindi biro ang kwento ng buhay n'ya, bata palang s’ya nang abandonahin s'ya ng totoo n'yang mga magulang.
Sa bahay ampunan s’ya lumaki at pinag aral s’ya roon, Nang magkoliheyo s’ya ay nagpasya s’yang mag aral habang nagtatrabaho bilang katulong.
Magkapareho lamang kaming dalawa ng trabaho kaya sinasabi ko sa kanya lahat dahil parehas kami ng estado sa buhay, kaya naman dahil kami lang ang nagkakaintindihan ay pinapalakas namin ang loob ng bawat isa.

Hindi kami magkapareho ng department ni Violet dahil nursing ang kinuha n'yang kurso at education naman ang kinuha ko, subalit paminsan minsan ay nagiging magkaklase kami pagdating sa mga minor subjects.

".Angel, Lunch na tayo."

".Sige, Violet, mauna kana sa canteen dahil pupunta muna ako ng cr."

".Sabay na tayo".
Nakangiting sabi ni Violet

".Sige na nga."

Namulbo kami at naglagay ng kaunting lipstick.


".Maganda Si Violet at simple lang s'ya, matangos ang ilong n'ya at manipis ang labi, maputi s'ya ngunit hindi katangkaran.  mukha s'yang korean dahil sa kutis ng balat niya, kaya naman sa tingin ko ay may lahi s'yang koreana.
Maraming nagsasabi na mabait s'ya at isa na ako roon, napaka humble rin niya ngunit mahiyain sa klase, madaldal s'ya kapag ako ang kasama n’ya.  mahinhin s’ya at hindi makabasag pinggan maliban nalang kapag nakakita ng gwapo.

".Angel, tapos kana ba dyan? Ang tamis ng ngiti mo huh? "

".Syempre Violet, kasama kita eh."

Nag blush s’ya dahil sa sinabi ko,

".Hay, puro ka kalokohan,
Mag lunch nga tayo, gutom lang yan."
nakangiting sabi ni Violet.

Pumunta na kami ng canteen At as usual ay ito parin ang binili namin,  ang paborito naming adobong atay ng manok na may itlog tapos cheesy hotdog,
Halos magkapareho lang kami ni Violet sa lahat ng bagay,  katulad ng mahilig akong kumanta at ganoon rin s'ya,  hilig ko ang pagsayaw ngunit s'ya ay hindi, gusto ko ang pag arte at ganoon din naman s'ya, kaya lang masyado lang s'yang mahiyain.

"May assignment ka na ba sa Math?"
Biglang tanong ni Violet,

"Oo." maiikling sagot ko sa kanya na hindi man lang s'ya tinitingnan, abala kasi ako sa pagbabasa.

"Mabuti kapa" malungkot n'yang sabi kaya tiningnan ko s'ya sa mata.

"Bakit hindi mo pa nasagutan?"
nagtatakang tanong ko rito

"Mahirap kasi eh, hindi ko alam kung paano."
malungkot n'yang sabi

"Gusto mo turuan kita?"

"Talaga Angel? Salamat huh?"

"Your welcome Violet, best friend kita eh."
Sagot ko rito kaya naman pagkatapos naming mag lunch ay dumiretcho na kami ng library para mag study,
Group study kumbaga, ito ang palagi naming ginagawa dahil nagpapalitan kami ng ideya, like kung mayroon s'yang alam ay sini share n'ya sa akin at ganoon din ako sa kanya.

"Ah ganito pala yun, kung ganun madali lang naman pala Angel eh."
masayang sabi nito

"Oo naman Violet, ang secret para maging magaling kang mathematician ay focus, dapat pagtuunan mo ito ng pansin, palagi kang makinig ng mabuti sa teacher at mag review palagi para hindi mo makalimutan."
nakangiting paliwanag ko rito.

"Oo na,
"Tama ka, Future Teacher, thank you."

"Your welcome Violet, my best friend."



Habang nagkaklase ang aming guro sa Math ay siniko ako ni Violet,

".Hay ano ba yan si Ma'am ang bilis naman magsalita at mag solve,
Wala akong naiintindihan."
nakasimangot na bulong ni Violet sakin.

".Basta makinig ka lang,"
sabi ko rito na hindi s'ya nililingon.
Matapos ng klase ay nakita kong nakasimangot ang mukha ni Violet

"Hay sa wakas tapos na rin ang klase sa math, nakaka-stress."

".Ikaw talaga bestfriend, kaya pala hindi mo makuha kasi go home ang nasa isip mo eh," biro ko sa kanya,

"hmm, Angel naman."

" . Joke lang hahaha nagtatampo agad oh,
Okay lang yan Violet, andito naman ako sa tabi mo eh at ako ang guardian angel mo, Always akong nakahanda para tulungan ka."
sabi ko sa kanya na nagpangiti sa kanya.

".Thank you bestfriend."
sabi nito at niyakap ako.

".Your welcome Violet." sabi ko at niyakap ko s'ya pabalik.

".Oh ayan ngumiti kana,
Ang cute mo pa naman."
sabi ko rito matapos kong kumalas sa pagkakayakap  sa kanya.

"Oh paano? Goodbye na, See you tomorrow my best friend."

"Bye"
Sumakay na s'ya ng van at ako naman ay naghahanap ng tricycle.


Araw ng Sabado at wala akong pasok, kaya naka tuka na ako sa labahin na sobrang dami, dahil kahit tatlo lamang kaming nandito dahil bagong kasal palang ang amo ko, ay isang linggo naman itong labahan mula lunes hanggang biyernes dahil pareho silang may trabaho, at bukod doon pag uwi ko ng school bago ako matulog ay kailangan ko pang magplantsa ng mga damit nila dahil kailangan nilang isuot ito kinabukasan,  kaya naman ang sakit ng likod ko  at nakakapagod ito,  pero tiniis ko lahat kasi may pangarap ako.


Araw ng linggo,
Nagsimba kami ni Violet at dinalaw narin namin ang madreng nag ampon sa kanya pagkatapos ng misa.

".Hai Sister Marie, magandang araw po."
bungad ni Violet sa kanya matapos naming magmano sa kanya.

".Magandang araw rin sa inyo mga anak,
Nakangiting sabi nito.
nasa singkwenta na ang edad nito pero maganda parin.

".Kamusta po kayo Sister Marie?
tanong ko sa kanya.

".Mabuti naman iha."
sagot nito

Gusto sana naming itanong rito ang tungkol sa ina ni Violet,
kaya lang ay baka hindi pa ito ang tamang panahon.
Naisip kasi ni Violet nang tanungin ko s'ya tungkol rito na saka na n'ya ito hahanapin kapag may ipagmamalaki na s'ya rito, ito ay kapag ganap na s'yang nurse.

".kayo kamusta? balik tanong nito sa amin

".Ayos lang din po." sabay naming sabi

".Nais lang namin kayong dalawin."
sabi ni Violet na nakangiti.

Nagkwentuhan pa kami ng matagal hanggang sa naisipan namin na magpaalam sa kanya.
Naglibot muna kami ni Violet sa mall para mag window shopping pagkatapos ay doon kami tumambay sa plaza, palagi namin itong ginagawa tuwing Sunday.


Alas tres nang madaling araw ay bumangon na ako matapos marinig ang alarm.
kahit antok na antok pa ako ay pinilit kung bumangon kasi kailangan ko itong gawin para sa future,
Nag-usal ako ng maikling dasal, at pagkatapos nito ay hinanap ko ang aking notebook, dumeretso agad ako sa kusina para mag-saing, saka binuksan ko na ang ilaw at doon ako nag simulang mag study.

".Prelim exam na namin ngayong araw kaya kailangan kong husayan.” sabi ko sa isip ko kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi.
Kasabay nito ay nakadama ako ng lungkot dahil naisip ko sila,
Iba talaga ang pakiramdam kapag malayo sa pamilya, namimiss ko na sila, Ang lamig ng hangin sa madaling araw at ang mata ko ay ang bigat pa,
Ang sarap pang humiga at managinip, kaya lang ay hindi pwede,
para kasi ito sa future ko kaya kailangan kong magsikap dahil may pangarap ako, Naniniwala ako na kaya ko ito.
sabi ko sa isip ko na puno ng pag asa.
habang nagluluto ako ng sinaing ay binuksan ko ang ref at kinuha ang isda na naninigas na, ibinabad ko muna ito sa tubig saka nagbasa ulit.

".Working student".
ganoon ako, habang nagluluto ay may hawak na notebook at study ng study, then work ng work, mahirap ito pero tinititiis ko.

".5:30 am na pala."
pansin ko sa relo ko
Sa wakas ay natapos narin akong magluto at nakahanda na ako para maligo,
para 6:30 am ay ready na ako para pumunta ng school.

Time management, ito ang ginagawa naming mga working student,
Ang sekreto para mag succeed ay time management, kaya minsan naiisip ko, bakit kaya yung iba sinasayang lang nila yung binabayad ng mga magulang nila?
Sabagay hindi kasi nila alam ang pakiramdam.

Ang iniisip lang nila ay sarili nilang kaligayahan,
Minsan naiinggit ako sa mga mayayaman dahil mabuti pa sila love life lang pinoproblema.

hay, selosa lang? char..
pero hindi bali na, kasi lahat naman ay may kanya kanyang dahilan kung bakit natin ito ginagawa basta isipin lamang natin lagi na sa bawat ginagawa natin ay kasama natin ang Diyos.




".6:30 am na pala."
bungad ko sa relo ko,
Nakabihis na ako ngayon at nakaayos.
Pumunta na agad ako ng kusina at naghain ng mabilis.
Nag madali akong kumain kaya wala nang nguya-nguya yan,
Matapos kong makapaghugas ng pinggan ay nagpaalam na ako sa kanila.

Maya maya,
Nakarating narin ako ng school at  exactly 7:30 am.
Pumasok ako ng room namin at dagling sinalubong ako ng best friend ko.

".Good morning Angel."
sabi nito na nakangiti

"Oh, Goodmorning din Violet, nag study kana ba?" nakangiting tanong ko

"Oo, pero baka makalimutan ko eh, pakopya huh?
share share naman dyan, hehe"

"Ikaw talaga, puro ka biro dyan."

".Andyan na si sir."

Bahagyang natigilan kami ni Violet nang pumasok ang gwapo naming guro.

".Okay class, put all your things in the front, I don't want to see anything in your table except your ballpen and your green card."

".Okay." mahinang bulong ko,
Hindi man lang nag good morning,


Oy naman, masyadong mahirap ang exam huh, pero kaya to.
Tahimik ang lahat habang sumasagot,

Pagkatapos ng exam ay nakita ko na naka simangot si Violet.

"Oh! ba't ganyan ang mukha mo? para kang binasted ng crush mo? "

“.Ikaw naman, nahirapan lang naman ako sa exam,
yung iba kasi eh, hindi naman n'ya diniscuss tapos sinali n'ya sa exam."

"Oy relax lang, it's okay halika na, pumunta muna tayo ng CR,"

"Okay."

"Ang hilig mo talagang magpaganda noh?"
nakangiti nitong sabi.

".Hindi kaya noh? baka ikaw kasi may crush ka hahaha."
depensa ko.

"Hoy, Ikaw huh? hindi ko nga sinagot si Jade reyljon mark eh, kahit crush ko s'ya." depensa rin nito

"Oh? bakit naman."
tanong ko

".kasi nga, hindi love life ang focus ko noh? kundi pag aaral, hindi kalandian."
nakakibit-balikat na sagot n'ya at namangha naman ako doon.

".Wow, ganyan ang isang Good student, ipagpatuloy mo lang yan."
sabi ko kasabay ng pag thumbs up

Iba rin pala itong best friend ko, kahit medyo tamad mag study atleast pursigido
naiiling nalang ako at ngumiti.

".So paano? mall muna tayo?
kain tayo ng ice cream.
alok nito

".Sige."
sabi ko mabuti at kami lang tatlo ng amo ko ang nakatira sa bahay nila at busy rin sila sa trabaho kaya nasa regular class ako.
Sabay kaming pumasok sa mall at kumain ng paborito naming ice cream.
habang nag ku kwentuhan..

".Selfie tayo?."

Naglibot libot kami habang kumukuha ng mga litrato.
Wala talagang kasing saya ang gumala kasama ang best friend.

.......................
Araw ng Lunes
(BROKENCLAIRE EDUCATION STUDENT TEACHERS DAY)

“.Hai Angel, pwede bang ikaw ang kukunin naming contestant sa declamation piece para sa BEST day?.”

".Declamation piece?
Ano yun? kukunin ba naman ako? seryoso ba yan?."

".Angel, ang gagawin mo lang ay i memorize mo to at i acting out, kung pwedeng umiyak ka at mag drama ka, tapos ay dapat feel na feel mo na para bang ikaw yung nasa sitwasyon, alam kong kaya mo yun, please! ikaw lang kasi ang naisipan namin na gumawa nun eh kasi mukha kang artistahin, sige na please!”
pakiusap ni Jane clasmate ko kaya nag isip ako saglit.

Pag arte? kaya ko ba? baka mapahiya lang ako,
nag isip ako saglit saka tumingin ako sa classmate ko

Mayamaya ay pumayag na ako.

".Sige Jane."

".yes.”
Nakangiting sabi nito

".Guys? pumayag na s'ya,"
pag announce nito sa lahat.
kaya naman ay pinagtinginan tuloy ako ng mga classmates ko.

".Wow!  galingan mo Angel huh? Alam kong kaya mo yan, sabi ng isa ko pang classmate na si Josh, nanligaw s'ya sa akin pero binasted ko ito.

".Salamat Josh."

Nakangiti kong sagot sa kanya saka binigay na ni Jane sakin ang script.
Ang haba naman nito, kailangan ko itong i drama?
Tanong ko sa isip ko kasabay ng pag buntong hininga.

".Am I to be blamed?." basa ko sa title nito

“.Uy, Artista na s'ya."
paglingon ko ay nakita ko si Violet halatang katatapos lang ng klase nila,
This time ay hindi na kami naging mag classmate dahil iba yung course n'ya at major subject namin ang kasalukuyan kong klase ngayon, malamang ay narinig n'ya ito sa iba, chismosa ang peg.

"push mo yan, It's your time to shine, ipakita mo sa lahat na bagay ka talagang mag artista, hindi lang sa hitsura, pati sa talent nanalaytay sa buo mong pagkatao ang isang tunay na artista."

".hoy? puri yan o pang aasar?."
Nakangiting tanong ko rito

".Syempre puri yun noh?."
sagot nito sabay tulak sa akin

".Good luck best friend!!!! pang i encourage pa nito sa sakin."

".BEST day? handa naba ako sa best day?
sana ay magawa kong manalo sa best day.



.............
Kinakabahan ako kasi malapit na akong mag perform,
ngayon na ang araw ng BEST day at naka costume ako na tila pulubi.
puti ang damit ko na mayroong kaunting uling pati ang mukha ko
oras ko na para magperform at tinawag na ako sa stage.
tumayo ako sa harap habang may maliit na mikropono sa gilid ko.

AM I TO BE BLAMED?

“.They're chasing me
They're chasing me.
NO!
They must not catch me,
I have an enough money now,
YES! enough for my starving brothers and mother.
Please  let me go, let me go home before you imprisoned me.
Ahhhhhh very well, officers, okay take me to your headquareters,
Good morning captain,
NO, captain, you are mistaken!
I was once a good girl, just like any of you here, just like any of your daughters,
but time was, when I lived in the slums, but we lived honestly, we lived honestly in life!
My father, my mother, my brothers and I
but then, when poverty portals enter our home,
My father become jobless, my mother got ill, and the small savings that my mother has kept? We’re all spent.
All for our daily needs and her needed medicine.
One night, My father went out,
telling us, that he will come back again with plenty of foods and money.
but that was last time I saw him,  (cry) he went with another woman
(feeling angry) if only I could lay down my hand on his neck? I will wreak it until he breaths no more.
If you were in my place? Youll’e do it.
Won't you captain?
What?
you won’t still believe in me?
come and I show you, the dilipadated shanty in the railroad,
MOTHER? MOTHER! I’M HOME.
MOTHER? MOTHER
CAPTAIN? SEE MY DEAD MOTHER
Now pack that stolen money now and return it to the owner,
What good with this do to my mother now, she's already gone,
Do you hear me?
She’s already gone!
Am I  to be  blamed for  the things I've done?.”



".Wow, awesome, feel na feel." nakangiting sabi ng mga judge sakin

".Good job."

".Wow, ang galing."

Then after kong mag perform ay sumunod na ang 4rth year.

Maya maya,
Ina-nounce na ang nanalo sa declamation piece contest hindi ko akalain na mananalo ako.

".Wow! it's indeed my BEST  day!

".Wow, Congratulations Angel."
sabi nila

".Thank you po."
magiliw na sabi ko rito habang isa isa nila akong kinakamayan

Sobrang saya ko sa araw na ito lalo na dahil nakita ko si Violet na kumakaway sa akin habang nakangiti.

".The best actress is awarded to….
Ms Angelica Mendoza, congrat's Angel, my best friend.”  Masayang sabi ni Violet nang makalapit ito sa akin.

".Ikaw talaga, nakichismiss ka naman kahit hindi ka dapat nanonood kasi hindi ka education student, pero thank you parin best friend, tara na nga gutom lang yan."
at naghawak kamay kaming pumunta ng canteen, as a best friend ay usual lang ito sa amin,
Natapos ang year na iyon na puno ng saya dahil naging active ako sa mga activity sa school, kaya naman  mas lalo akong nakilala, maging sa ibang department ay sikat na sikat ako, hindi ko kasi pinapalampas ang kahit anong contest, maging singing man yan, lipsync, spoken poetry at even nung intramurals, Isa pa ako sa mga sumali sa volleyball kaya napakasaya ng taon na ito.

".See you next year Violet."
sabi ko bago s'ya sumakay ng van.

".Ikaw din Angel, mag iingat ka lagi."







True HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon