Chapter 31 ( Karma)

0 0 0
                                        

".Condolence kristine."
sabi nito sabay beso sa akin, hindi ko mapigilan ang luha sa mga mata ko, dahil patay na ang taong inaasahan ko, at ang masakit pa ay nag iwan ito sa akin ng malaking utang dahil sa pagkakatalo nito sa sugal..

".Salamat faye,"
sabi ko rito kasabay ng pagpakawala ng malalim na buntong hininga..

Ano nang gagawin ko ngayon? saan ako pupunta para takasan ang mahigit isang milyong utang n'ya?
hay!!!! paniguradong papatayin nila ako kapag hindi ko ito nabayaran, bakit ba kasi sumugal pa eh kahit alam na ngang may sakit na s'ya, at pagkatapos matalo ay biglang inatake sa puso? ako pa tuloy ang sasalo sa iniwan n'yang problema!!!!

".Condolence kristine." sabi ng mga nakikiramay sa akin, wala kaming anak kaya mag isa nalang ako sa buhay..

".Salamat." sabi ko at umupo nalang sa tabi ni Faye na close friend ko,
s'ya lamang ang nakakaalam ng malaki kung problema.

".Ano ang gagawin ko ngayon Faye?."

".Ang mabuti pa tumakas kana?."

".Saan naman ako pupunta?."

".Hindi ko alam, pwedeng sa ibang bansa, by the way.. may uncle ako roon sa korea na pwedeng tumulong sa'yo na makapunta roon, pero tourist visa lang ang maari n'yang maitulong sa'yo, pero kung gusto mo ay maghanap tayo ng agency para makapasok ka bilang katulong."

".Ayaw kung magtrabaho bilang katulong, wala yun sa plano ko,"

".kung ganun, pwede kang matulungan ng uncle ko kung gusto mo, tapos maghanap ka ng gusto mong trabaho roon, yun ay kung makakahanap ka."

".makakahanap ako Faye, sa ganda ko pa bang ito walang tatanggap sa akin? baka nga makahanap agad ako ng mayamang koreano at pakasalan ako ."

".hahaha ikaw talaga, kahit kailan ay mayabang ka, sige tatawagan nalang kita kapag naasikaso na ang papeles mo roon."
sabi nito kaya napanatag ang loob ko at ngumiti ako sa kanya..

Lumipas ang isang linggo ay nailibing na ang asawa ko at sakto namang naasikaso na ni faye ang papeles ko kaya naman ay lumipad na ako papuntang south korea.
pagkarating ko roon ay agad na naghanap ako ng trabaho dahil nangungupahan lang rin ang uncle n'ya na si Mark at may pamilya na ito roon..

Hay!!! saan kaya ako pwedeng mag apply,"
pinuntahan ko ang lahat ng pwedeng ma applyan pero walang tumanggap sa akin, dahil kulang ang papeles ko at tourist visa lang rin ang hawak ko, at wala akong agency dahil ayaw kung magtrabaho bilang katulong..
Hindi ako nawalan ng pag asa at patuloy na naglalakad at umaasa na may maawa sa akin, buong maghapon akong naghahanap ng trabaho habang  tinatahak ko ang napakalamig na daan, winter kasi rito kaya naman ay napakalamig rito ngayon, ayaw ko naman bumalik kay Mark dahil alam ko na hindi rin n'ya ako matutulungan, dahil may pamilya rin s'yang binubuhay, kaya naman tiniis ko ang paglalakad sa napakalamig na daan dahil ayaw kung lunukin ang aking pride..

".Hay, hindi yata umobra ang ganda ko sa lugar na ito, masyadong choosy ang mga tao rito! akala naman kung sinong gwapo,"

buong maghapon na akong naghahanap, pero wala paring tumanggap. ayaw ko namang bumalik kila Mark dahil nasabi ko rito na hindi na ako babalik doon dahil sinabi ko na paniguradong makakahanap ako agad, baka pagtawanan lang ako kapag bumalik ako roon..

wala sa sariling naglalakad ako dahil nanginginig ang buong kalamanan ko sa lamig, kaya hindi ko napansin ang sasakyang paparating at muntik akong masagasaan mabuti at napahinto ito agad..

".Are you okay?." isang lalaki ang biglang bumaba at kinausap ako, napakagwapo nito at napakaganda ng pula n'yang kotse..

".No, I am hurt." kunyaring sabi ko rito para isakay n'ya ako sa kotse n'ya pero may biglang bumaba na isang babae na pamilyar sa akin ang mukha..
parang s'ya yung babae na nagpapakilalang anak ko!!
kahit kailan talaga ay salot to sa buhay ko!!!

True HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon