Chapter 3 (Meeting Jayson Park)

35 2 0
                                        

Chapter 3 (Meeting Jayson Park)

     Natigil ang pag iisip ko nang biglang tumawag si Jayson,
Isang lalaking nakilala ko sa facebook noong nakaraang linggo, nag pm ito sa akin at simula nun ay lagi na kaming magkachat at magkavideo call pagkatapos ko ng trabaho, Isang linggo rin kaming ganoon, mas matanda s'ya ng isang taon sa akin dahil 20 palang ako, samantalang s'ya ay 21 yrs old na, pareho kami ng school pero ang kaibahan lang ay regular student s'ya at ako naman ay nasa saturday at sunday class,
Isa s'yang BSBA student at hindi ko alam kung kilala ba s'ya ni Violet


".Hello?." sagot ko sa kabilang linya

".Kamusta ka?." tanong n'ya

".Not okay, wala kaming klase." sagot ko rito

"Ganun ba, Gusto mo sunduin kita?
gala tayo." sabi nito

".Huh? Naku wag na."
sabi ko

".Wag kana mahiya, puntahan kita dyan "

Hindi na ako nakapagsalita dahil bigla n'ya akong binabaan.

Maya maya ay nagtaka ako dahil nagtilian ang iba kong classmates
Nagulat ako ng makita ko si Jayson at kaka-tanggal lamang ng helmet nito.
Aminado ako na gwapo nga s'ya, matangkad s'ya, maputi at chinito ang mata. half korean kasi s'ya at mukhang artistahin ang dating n'ya kaya hindi na ako magtataka kung bakit sila nag tilian, tumingin s'ya sa direksyon ko kaya nakita n'ya ako, ngumiti s'ya at lumapit sa akin.

".Hai Angel, so tara na?."
sabi nito na nakangiti..

Hindi ako nakapagsalita at para akong binuhusan ng malamig na yelo

".Wow Angel, ang swerte mo naman, boyfriend mo ba yan?."
sabi ni Lyca, nakilala ko lang ito kanina dahil new palang  ako sa department na ito, mula sa pagiging regular student to Care Department o mga Sat-Sun na estudyante.

".Hindi eh."
nahihiyang sabi ko.

".Naku, kung ako sayo ay sasagutin ko na yan, gwapo na nga, mukhang mayayamanin pa."

Napangiti naman si Jayson doon, tutuo kasi ito dahil nagmamay-ari sila ng malaking resort.

".So, ano, tara na? sabi uli nito

Napatingin ako sa paligid ko at pinagtitinginan ako ng mga estudyante.

".Sumama kana, ayieeeeh.."
sabi nila

".Okay, sinabi ko nalang dahil ayaw ko s’yang mapahiya,
sinuotan n'ya ako ng isa pa n'yang helmet pagkatapos ay sumakay na ako ng motor n'ya, sobrang nahihiya talaga ako kasi pinagtitinginan ako ng lahat.
Kinuha ni Jayson ang dalawang kamay ko at niyakap ito sa kanya.

".Kumapit ka sakin para hindi ka mahulog."
sabi nito

Hindi nalang ako umimik dahil sobrang nahihiya na ako.

".Nandito na tayo,
sabi nito

Hinawakan n'ya ang kamay ko at nag patianod lang ako sa kanya,

".Saan mo gustong kumain?."
malambing na tanong n'ya.

". Ikaw na ang mamili, pera mo naman yan,
sabi ko na nakangiti kahit nahihiya.

Dinala n'ya ako sa isang sikat na kainan.

Hindi ko akalain na binili n'ya ang paborito ko.
pareho pala kami ng gusto.

".Paborito mo rin pala to?,
Tanong ko.

".Oo, bakit paborito mo rin?."
tanong nya

Tumango ako.

."Hay, meant to be talaga tayo kasi pareho tayo ng paborito."
natatawang sagot n'ya."

Ang cute n'yang tumawa tila pumipikit ang singkit n'yang mata.
para akong natutulala kapag nakatingin sa kanya, pero pinigilan ko ang sarili ko at umiwas ng tingin,

Ngumiti lang ako sa kanya at nag focus sa pagkain.

".Gusto mo manood tayo ng sine pagkatapos nito?."
biglang tanong n'ya

".Okay, sige sabi ko sabay ngiti."

Bumili si Jayson ng popcorn bago kami pumila, at pinili n'ya ang isang Romantic na palabas.

Pagkatapos nito ay umupo na kami at habang nanonood ay nagulat nalang ako dahil bigla n'ya akong inakbayan.
pinatong n'ya ang mga paa ko sa binti n'ya at hindi ako makapag react.
Napakalapit namin sa isat-isa at ang kaunti lang ng tao sa sinehan na yun.

Sobrang lakas ng pintog ng puso ko.
parang nanigas ang buong katawan ko at tila nawalan ako ng lakas,
napakalamig din kasi sa lugar na iyon kaya medyo nanginginig ako.
Unti unting nilapit ni Jayson ang mukha n'ya sa akin at hinalikan ako sa labi.
Nakakapang akit ang halik n'ya hanggang nahuli ko nalang ang sarili ko na nagre-respond dito.
Hindi ko alam kung paano mag react sa ginagawa n'ya dahil ito ang unang pagkakataon na may gumawa sa akin nun. S’ya ang first kiss ko.

".Gusto kita Angel, at tingin ko mahal na kita, gusto mo rin ba ako?."

".Gusto rin kita Jayson, sabi ko

".Ngumiti s'ya at hinalikan ako uli.

Paglabas namin ng sinehan ay namasyal pa kami, hinila n'ya ang kamay ko at dinala n'ya ako sa World of fun.
Napakasaya ko talaga dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na nagkaroon ako ng boyfriend, natatakot kasi ako na masaktan kaya sana ay totoo s'ya sa akin.
Pagkatapos naming gumala ay hinatid n'ya ako sa bahay kung saan nakilala n'ya ang papa ko. nagmano s'ya sa papa ko at ginala ang paningin sa munti naming bahay, nahihiya talaga ako sa bahay naming dahil ang liit liit nito at  sira sira pa.

".Nag aaral ka pa iho? tanong nito

".Opo,” sabi n'ya.

".Naku,mag aral kang mabuti iho, wag muna kayo magmadali dahil mas mabuting magtapos muna kayo ng pag aaral.”  seryosong sabi ng papa ko
Tumango lang ito at ngumiti.

Maya maya ay nagpa alam na ito sa amin.

".Mag iingat ka, sabi ko sa kanya.

tumango ito bago isinuot ang helmet,

".Salamat." sabi nito bago pina andar ang motor.

Kinabukasan.
Araw ng linggo
Maaga akong naligo at nagbihis dahil excited na akong makita uli ang bestfriend ko.
one week rin kaming hindi nagkita at namimiss ko na s'ya.
Tinext ko s'ya at sinabing,
".Magkita nalang tayo sa chapel bestfriend, may nais akong i kuwento sa'yo."

......

".Ayiieh, talaga at sinagot mo agad?
Ang bilis naman, Akala ko ba hard to get ka?."

".Hindi kasi ako makatanggi dahil bigla n'ya akong hinalikan, hindi ako maka react at tila hindi ko na maigalaw ang katawan ko eh, para akong na hipnotize, napaka gwapo rin kasi n'ya." sabi ko na may pag aalala,

".paano kapag hindi s'ya totoo sa akin kasi kailan n'ya lang ako nakilala?
baka hindi n'ya ako matanggap kapag nalaman n'ya ang trabaho ko,
hay, Ano ang gagawin ko Violet? natatakot talaga ako."

".Hay, ang hirap nga naman n'yan."
sabi ni Violet

".Basta mag iingat ka at wag mo ibigay sa kanya lahat, dapat makapagtapos ka muna ng pag aaral, mas mabuti nang manigurado ka." payo nito

".Oo Violet, salamat sa payo."
gumala pa kami ni Violet bago umuwi.
sobrang namiss namin ang isa't-isa

Pagkatapos nito ay dumiretso na agad ako ng trabaho.
Diniligan ko ang mga halaman pagkarating ko roon at pagkatapos ay pinag-plantsa ako ng damit,
sobrang nakakapagod talagang maging katulong at napakababa ng tingin ko sa aking sarili, sana matanggap ako ni Jayson at pati ng pamilya n'ya. sabi ko sa isip ko sabay ng malalim na buntong hininga..
hay, nangangarap na naman ako ng gising,


..................
".Wala na namang klase?, hay, ano ba yan?."
Bakit ganito rito?
inis na sabi ko, araw ng sabado at narito na naman ako sa eskwelahan.
Nakita ko na nag ring ang cellphone ko kaya sinagot ko ito.

".Hai babe." sabi nito

".Hello rin babe," sabi ko medyo naiilang.

Hindi ko akalain na boyfriend ko na ang taong to.

".Kamusta ka?."sabi n'ya

".Hay, wala na namang klase."

".Mabuti naman."
pasyal kita sa resort namin.

".Wag na, nakakahiya naman,"
sabi ko

".Wag ka mahihiya, wait, sunduin kita."
sabi nito at bigla akong binabaan.

Maya maya ay nandito na s'ya sa school at wala na akong nagawa kung hindi sumama sa kanya.
Makalipas ang 20 minutes ay nakarating na kami sa resort nila at napaka ganda nito
May puno pa silang mangga na hitik sa bunga,
Ang daming bulaklak na iba iba ang kulay at para s'yang paraiso sa ganda,
mayroon din silang beach sa hindi kalayuan at swimming pool sa mismong rest house nila.

".Gusto mo ng mangga babe? sabi n'ya sakin mula sa likod,
naaliw kasi akong ilibot ang mata ko sa paligid.

".Oo, maikling sabi ko."
Kinuhanan n'ya ako ng mangga na sinungkit n'ya mula sa puno at nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa n'ya iyon,

".Oh ito babe, fresh from the tree pa yan, para sayo."
sabi nito sabay abot sa akin.

".Salamat babe." sabi ko

Sabay namin yung hiniwa at kinain.
habang kumakain kami ay biglang umulan ng malakas kaya pumasok kami sa loob ng rest house nila.

Grabe ang lamig naman, tapos medyo inaantok na ako!
sabi ko sa isip ko habang nakayakap sa sarili ko

".Okay kalang babe? tanong n'ya sakin.

".Hindi, giniginaw kasi ako at medyo inaantok narin." sagot ko.

".Ganun ba, pwede kang matulog sa kwarto ko gusto mo? malambing na tanong n'ya.

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon at sumunod sa kanya.
Pinahiga n'ya ako sa malaki n'yang kama, hinubad ko ang sapatos ko saka humiga ng patalikod sa kanya pero agad s'yang tumabi sa akin at niyakap ako.

...................
Nang mga sandaling iyon ay muntikan nang may mangyari sa amin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil natatakot ako na baka hindi n'ya ako matanggap kapag nalaman n'ya ang estado ko ng pamumuhay, mabuti at naintindihan n'ya naman ako at pinili nalang na yakapin ako, pinilit kung ipikit ang mata ko pero hindi ako makatulog, matagal kami sa ganoong posisyon hanggang mag desisyon s'ya na ihatid ako..
wala nga'ng nangyari sa amin ng mga sandaling iyon subalit nakaramdam parin ako ng guilt dahil nilagay ko ang sarili ko sa ganoong posisyon kahit alam ko na ito ay mali at nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko, kahit alam ko na labag ito sa utos ng Diyos, nakaramdam ako ng pagsisi sa pagsagot ko sa kanya dahil sa ginawa kung ito ay nilagay ko ang sarili ko sa kapahamakan dahil paano kung may nangyari sa amin kanina at nabuntis ako? malamang hindi ko yun kakayanin, hindi ko kayang harapin ang galit ng papa ko at ang dis-appointment nilang dalawa ng mama ko, at baka iwanan n'ya lang ako at hindi panagutan kapag nalaman n'ya na ako ay isang hamak na katulong lang,
hindi nababagay ang tulad ko sa mundo n'ya, tila ba bituin s'ya na hindi ko maabot at nangangarap na matanggap subalit nahihinuha kung malabo itong mangyari..


.................
".Mabuti naman at sinunod mo ang payo ko."
Sabi ng bestfriend ko, katatapos lamang ng misa at nandito kami sa labas ng simbahan.

".Oo nga eh, muntik talaga akong ma-tempt kahapon."
sabi ko sa malungkot na boses

".Wag mo na ulitin yun huh?."
baka next time, hindi muna mapigilan sarili mo."
sabi nito.

"Oo nga"
sabi ko sa kanya.

".Hindi bale,  wag mo nalang s'ya isipin pasyal nalang tayo." sabi nito at hinila ang kamay ko.
Nag window shopping kami hanggang sa mapagod kami sa paglalakad at nagpasya ng umuwi, ito lamang ang nakaka-relax ko na araw dahil bukas ay umpisa na naman ng nakakapagod na araw ko.



............


".Hai babe, may klase kaba ngayon?."
sabi ni Jayson, wala na namang klase at sobrang inis na inis na ako sa school na ito...

".Wala parin eh,"

".Punta ka rito, hindi kasi kita masundo dahil hiniram ang motor ko."

"Hmm, Sige."
sabi ko rito kahit ang totoo ay hindi talaga maayos ang pakiramdam ko ngayon kasi may dalaw ako at sumasakit ang puson at ulo ko subalit kahit ganoon ay pinili ko paring pumunta para sa kanya, in-love na yata ako, lumabas nga ako ng aming eskwelahan at dumiretso sa resort nila kasi sabi n'ya ay naroon s'ya,

Pagdating ko roon ay agad ko s'yang tinawagan.

".Nandito na ako sa labas babe."

".Sige sandali lang puntahan kita."

Lumabas nga s'ya at pinapasok kami ng gwardya.
pinasyal n'ya ako sa resort nila at napakaganda talaga ng lugar nila.
para s'yang paradise sa dami ng mga bulaklak na may ibat ibang kulay.
Ang laki rin rest house nila kaya nakakamangha ang yaman n’ya, hinawakan n'ya ang kamay ko at umakyat kami sa terrace nila kaya nakikita ko ang buong paligid.

".Ang ganda naman, mahilig ka pala sa bulaklak.?"

".Hindi masyado, mommy ko ang nag design nito dahil mahilig s'ya sa bulaklak,
mahilig ka rin ba?."

".Oo mahilig ako sa mga bulaklak."
sabi ko..

Matagal pa kaming tumambay doon at nag kwentuhan, medyo marami ang naligo sa beach nila ngayon, natatanaw ko ito mula sa terrace nila kaya hindi ko akalain na ang yaman ng lalaking to samantalang ako ay isa lang hamak na utusan, langit s'ya at lupa ako, hay, hindi kami bagay..

Pakiramdam ko para na akong mahihilo sa sakit at nahihiya naman akong sabihin sa kanya

".Ayos kalang ba? baka gusto mo munang mahiga."
sabi nito

".Oo sige."
sinabi ko nalang kasi parang anytime matutumba na ako, pangalawang araw kasi ito ng regla ko kaya ang sakit talaga.

Hinawakan n'ya ako sa kamay at ginabayan papunta sa kwarto n'ya,
Ang laki talaga ng kwarto n'ya at marami s'yang musical instrument na naka display rito mahilig kasi s'ya sa music.

Hinubad ko ang sapatos ko at umupo roon, ang sama talaga ng pakiramdam ko.

".Ayos ka lang ba?
humiga ka nalang muna." sabi n'ya

".Oo sige. masama kasi talaga ang pakiramdam ko."
sabi ko tumango ako at humiga, niyakap n'ya ako kaya pareho na kaming nakahiga,

".Magpahinga ka nalang muna."

Maya maya..
dahil sa sama ng pakiramdam ko ay hindi ko napansin na nakatulog pala ako,
naalimpungatan ako kasi parang may humahalik sa akin, s'ya pala yun dahil nadilat ko ang mga mata ko.

".Sorry, nagising kita, hindi ko napigilan ang sarili ko.
sige matulog ka nalang uli dyan."
sabi nito at tumalikod..
tumalikod rin ako sa kanya sabay ng malalim na buntong hininga..
Sa totoo lang ay may parte sa akin na gusto kung ibigay sa kanya ang lahat, kaya lang mas pinapangunahan ako ng takot ko dahil alam ko sa sarili ko na labag ito sa utos ng Diyos at baka iwanan n'ya lang ako at hindi n'ya talaga totoong mahal..

............
kinabukasan..
Araw ito ng linggo
Pagkatapos ng misa ay nag pasya kaming gumala ng bestfriend ko,
habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang isipin ang tungkol sa amin ni Jayson, natigilan lamang ako sa pag iisip nang biglang magsalita si Violet.

".Ayos ka lang Angel? kanina ka pa kasi tulala eh, may hindi ka ba sinasabi?."

".Hmm, ayos lang ako."
hindi ko nalang sasabihin sa kanya ang nangyari kahapon dahil nahihiya na ako sa kanya.

".bili tayo ng foods," sabi nito

".Sige ba, basta libre mo huh? ikaw ang nag aya eh." sabi ko at ngumiti naman ito.

".Sige ba, walang problema dahil marami akong pera ngayon." masayang sabi nito.
nilibre nga n'ya ako ng sweet corn, sundae, at marami pang iba, napansin ko ang dami palang nagbebenta rito sa gilid gilid at binilhan n'ya pa ako ng milk tea.

".Grabe, nabusog ako, salamat bestfriend," sabi ko

".Walang anuman, baka gusto mo pa? marami pa akong pera."
sabi nito

Ngumiti lang ako at naglakad lakad pa kami roon.

Pag labas namin ay bigla nalang sumama ang pakiramdam ko at hindi ko akalaing masusuka ako sa labas at may nakakita pa sa aking tricycle driver.

"Uy, kadiri miss.. ang ganda mo pa naman, buntis ka siguro."

".Haha , hindi po dahil ito sa nakain ko na ang dami, ito kasing bestfriend ko eh."

".haha sorry naman dahil minsan lang ako mang libre."

depensa n'ya at natawa kaming dalawa..

".Salamat bestfriend."

".Walang anuman, mahal kita eh."

".So paano? need ko na bumalik sa work eh." sabi ko nakangiti.

".Ako din, mag iingat ka huh?, I love you."
sabi n'ya sabay yakap sa akin

".I love you more."

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin ako ng sa wakas sa pinagtatrabahuan ko, napakasaya ko dahil binigyan ako ng Diyos ng isang tapat na kaibigan na katulad n'ya.
pumasok na ako sa loob at masaya ako kasi sinabi ni mama na hindi ko na kailangan mag plantsa kapag linggo at magdilig na lamang raw ako,
masaya akong umaawit sa galak. bukas ay simula na naman ng nakakapagod na araw subalit kahit ganoon ay lalaban ako para sa pangarap kong ito,




Araw ng sabado at nandito na ulit ako sa aming eskwelahan.
napakalungkot ko dahil wala na naman kaming pasok..
tumunog ang aking cellphone at si Jayson na naman ang tumatawag, gusto n'ya na pumunta na naman ako ng resort nila,
Sa mga sandaling iyon ay nanindigan ako..
pinatay ko ang tawag at nangako sa sarili ko na simula ngayon ay iiwasan ko na s'ya.
mabuti at pagsapit ng alas dos ng hapon ay pumasok ang isa kong guro kaya naman nabawasan ang balisa ko.







True HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon