Jayson POV
Bago ko isinuot ang helmet ko ay tinitigan ko s'ya, ang babae na matagal ko nang crush at hindi ko akalain na girlfriend ko na ngayon. napangiti ako at napakasaya ng puso ko ngayon.
".Your welcome babe, goodnight." sabi ko rito bago ko pinaandar ang motor ko..
Naalala ko pa dati nu'ng una kung marinig ang pangalan n'ya nang tawagin s'ya para mag perform sa stage para sa spoken poetry contest sa buwan ng wika,
Napakaganda ng boses at ng mukha n'ya kaya mula nu'n ay lagi ko na s'yang inaabangan sa canteen at tuwing may program, dahil active s'ya sa mga activities sa school kaya napansin ko s'ya, may boyfriend na kaya s'ya?
I'm sure marami ang nagkakagusto sa kanya kasi maging ang iba kung classmate ay pinag-uusapan s'ya dahil madalas ko marinig ang pangalan n'ya, kahit hindi pa ako makalapit sa kanya dahil nasa tabi ko ang girlfriend ko, pero sa tuwing kumakain ako sa canteen hindi ko mapigilan na sumulyap sa kanya, pero hindi man lang s'ya sumusulyap sa direction ko at hindi man lang nag tama ang mata namin kahit isang beses, tila nakatuon lang s'ya sa kasama n'ya.
kaya naman naiinggit ako sa lagi n'yang kasama na nursing student, gusto ko sana na titigan s'ya sa malapitan pero hindi pwe'de, isang taon rin akong sumusulyap sulyap sa kanya bago ako nagka-lakas loob na hanapin s'ya sa facebook..
Gusto ko s'ya kasi s'ya yung tipo ng babae na simple lang, matalino at talented, kaya naman hinanap ko s'ya sa facebook at sakto namang nakita ko s'ya agad, napakaganda n'ya talaga, kaya hindi na ako nag dalawang isip na i add s'ya,
".Hai good evening." chat ko sa kanya nu'n
ang saya ko kasi maya maya ay nag reply s'ya
".Hello, good evening din."
reply nito..
".Kamusta ka?."
sabi ko
".Ayos lang po, ikaw."
".Ayos lang din, may boyfriend kana ba?."
".Wala po."
".Talaga? pwe'de ba kitang maging kaibigan, by the way, lagi pala kitang nakikita sa school dati pero pansin ko na wala kana doon ngayon, lumipat ka ba ng ibang school?." tanong ko
".Hindi ako lumipat ng school pero lumipat ako ng ibang department."
sabi nito
".Sayang naman, malungkot na sabi ko, kailan kaya kita makikita ulit."
".Bakit mo ako gustong makita?."
tanong nito
Hindi ako nakareply agad, ang bilis naman ng heartbeat ko, naku dude, ano to?
".Hmm, kasi.. gusto kita.."
reply ko at saka napalunok sa kaba
".Haha, talaga?."
".Oo."
".Saang department ka nga pala lumipat?."
".Sa Care Department po."
".Care department? yan' ba yung mga Sat-Sun?." tanong ko
narinig ko na ang department na yan'.
".Yes po." reply nito
matagal pa kaming nag chat hanggang sa napalapit ako sa kanya.
sinabi ko pa sa kanya na crush na crush ko s'ya pero nung una ay ayaw pa n'yang maniwala, ewan ko ba, mahal ko na ata s'ya, kahit na nag aalala ako kasi pinagkasunduan na akong ikasal kay Andrea pero wala talaga akong gusto sa kanya dahil masaya na ako dahil naging malapit kami ni Angel, kaya lang nangangamba ako kasi hindi kami pwe'de sa isa't-isa, sayang talaga dahil gusto ko pa naman s'ya pero natatakot ako na baka mawalan ako ng mana dahil sa kanya, ako pa naman ang panganay sa aming dalawa ni Alex, hays't....
Hindi ko akalain na darating pala sa punto na mapapasagot ko s'ya.
dahil naisipan ko s'yang puntahan sa school nu'n at nadala ko pa s'ya sa resort namin kung saan maraming beses na may muntik mangyari sa amin.
pansin ko na medyo alanganin s'ya sa akin pero nararamdaman ko naman na tila ay gusto n'ya ako, kaya nu'ng nagkaproblema s'ya ay hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko, kaya kahit halatang napilitan lang s'ya nu'n dahil gipit sila at nakonsensya ako kasi halata ko ang pagsisi sa mukha n'ya, pero nag enjoy naman ako kaya mas lalo pang nahulog ang loob ko sa crush ko na girlfriend ko na at sa tingin ko ay mahal na mahal ko na talaga s'ya, sana ay hindi ito malaman ni Andrea.
BINABASA MO ANG
True Happiness
EspiritualAkala ko kapag nakamit ko na ang pinapangarap ko ay magiging masaya na ako, pero hindi pa pala, akala ko kapag nagkaroon na ako ng maraming pera ay kumpleto na ako, pero hindi pa pala, saan nga ba ito nagtatago? bakit ba kay hirap punan ang uhaw na...
