Chapter 8 (Family Issue)

36 1 0
                                        

Jayson's POV

".Dude, tama na yan, lasing kana eh!!."
pigil ni Jake sakin ng makita n'ya na magbubukas pa sana ako ng bote.

".Hayaann mmoo nna ako ddude, okayy?
hindi pa akoo... hindi pa ako, lasingg!! okayy?? sabi ko dito kahit ang totoo ay hilong hilo na talaga ako,

Ang gusto ko lang ay kahit sandali ay makalimutan si Angel dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko kapag naiisip ko s'ya..

".Dude, umuwi na tayo, ako na mag da drive tara na." sabi nito at hinila ako

".Ayyoko ko pa ssabii ehhh!!!!
hhayaan mokooo!!! kayyaaa ko magg drivve mag isaaa." galit na sabi ko sa kanya kaya wala na s'yang magawa kung hindi ang hayaan ako.

Maya maya ay tila hindi ko na makayanan pa at nakatulog na pala ako sa bar..

.......................
pagka-gising ko ay napakasakit ng ulo ko, at nakahiga na pala ako sa kwarto ko..

".Oh? buti at gising kana, ba't ka naglasing? hindi ka naman ganito dati huh?
galit na tanong ni Andrea

pinilit kung maupo sa kama ko kahit medyo nahihilo pa ako at tiningnan s'ya na may panlilisik sa mata.

".Wala kanang pakialam dun! lumabas ka nga sa kwarto ko!!
mas pinapasakit mo lang ang ulo ko!!! galit na sabi ko dito

Galit na umiling iling ito.
".Hindi ako makapaniwala!! ano bang meron sa babaing yun' at nagkaganyan ka dahil sa kanya? humanda ka!!! isusumbong ko kayo kay daddy!!!
galit na sabi nito at saka umalis..

galit na hinagis ko ang unan.
hay,,, nakakainiiisssss!!!!

Bumalik nalang ko sa pag tulog at pinilit na pumikit..
pero sa bawat pagpikit ng mata ko ay mukha ni Angel ang nakikita ko,
Naalala ko na naman ang mga masasayang sandali naming dalawa, napapangiti na sana ako dahil du'n pero sumasagi sa isip ko ang mga huling sinabi n'ya, at ang masaklap na katotohanan na nakatagda na akong ikasal sa babae na hindi ko naman talaga mahal!

bakit kasi kailangan ko pang mamili?
Si Angel? o ang lahat ang mana ko?
Gusto ko sana s'yang tawagan o i chat ngayon, pero sa tingin ko, she need space..
kaya pinigilan ko ang sarili ko!

Lumabas nalang muna ako at nagtimpla ako ng kape para kahit papaano ay mawala tong hang over ko..
pagkatapos kung mahimasmasan ay naligo na ako at nag decide nalang na umabsent. kaya pala pumunta dito si Andrea kasi gusto lang magpahatid,
hayst... kainis talaga ang babaing yun.' !

Nagdesisyon ako na tawagan si Jake pero hindi s'ya sumasagot,
nasa klasi pa siguro yun,' kaya naman umupo nalang ako sa higaan ko habang iniisip ang kalagayan ko, ako nalang ulit mag-isa dito dahil wala sila palagi sa bahay na ito, mula pa man pagkabata ko ay katulong lang ang lagi kung kasama dahil palagi silang nasa trabaho, kaya naiintindihan ko kung bakit nag rebelde si Alex eh..

Ang lakas nilang makadikta sa akin na tila pag aari nila ako, ni di ko man lang naramdaman kahit na isang beses na naging magulang sila sa akin, tapos ngayon ipapakasal nila ako sa babaing hindi ko naman mahal para lang bigyan nila ako ng mana? magulang ko ba talaga sila?

Ang bored naman dito sa bahay, ano nga bang gagawin ko ngayon?
manonood na nga lang ako ng movies sa T.V

kinuha ko ang remote ko at binuksan ang T.V, habang nanonood ay natigil ako kasi may kumakatok sa pinto ko.

".Pasok.". sabi ko

".Sir, nakahanda napo ang pagkain n'yo dito."

".Pakidala nalang dito please, dito ako kakain sa kwarto ko. utos ko

True HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon