Chapter 40 ( The finale)

3 0 0
                                        

Chapter 40
( True happiness, the finale)

Sander  POV

Ang sakit sa pakiramdam na ang tao na matagal mo nang pinapangarap ay hindi para sa'yo.
Hindi ko alam kung paano ko s'ya makakalimutan dahil sa tuwing nakikita ko s'ya na kasama si kuya ay napakakirot ng puso ko..
Gusto ko s'yang puntahan, gusto ko s'yang kausapin at yakapin pero ..
Hindi ko magawa dahil alam ko na hanggang doon nalang kami..
Hanggang kaibigan nalang kami ..
Paano ko ba makakalimutan ang babaeng nagbigay ng kulay sa buhay ko?
Paano ba ako makaka move-on sa isang tao na inakala kung totoong kaligayahan ko?
Hindi ko mapigilang umiyak habang nilulunok ang mapait na alak ..
Ilang buwan na akong ganito, gabi gabi sa bar at sa tanghali ay inaaliw ang sarili sa online games kapag humupa na ang hang over ko,
Nawalan na ako ng interes sa buhay ko at maging sa Diyos na sinasabi ni Angel sa akin..
Alam ko na napatunayan n'ya sa akin na totoo S'ya nang sagutin N'ya ang panalangin ko kay lolo .
Pero bakit hindi N'ya magawang ibigay sa akin si Angel?
Handa rin naman akong magbago para sa kanya..
Bakit hindi nalang ako?
Sana ako nalang...
Sana ako nalang ...
Ang sakit sakit talaga....
Natigilan ako ng mabasa ko ang text ni Violet..
Kanina ko pa kasi iniignore ang tawag n'ya dahil maging s'ya ay ayaw ko nang kausapin..
Napaiyak ako sa mensahe n'ya pero ...
Hindi parin maalis sa puso ko ang sakit at disappointment kaya nilayo ko ang cellphone ko at hindi ko yun pinansin,

". Sander?."

Napalingon ako nang marinig ko ang pangalan ko medyo blurred na ang paningin ko kaya hindi ko masyadong makita ang mukha n'ya

".Oh? Sino ka? Bakit mo ako kilala?."

".dude, ano kaba? Nakalimutan mo na ba ako? Ako to si Jake..."

".Jake? Anong ginagawa mo rito?."
Walang ganang tanong ko rito at muling itinuon ang sarili sa pag inom ng alak..

".dude, tama na yan masyado ka nang lasing, hindi mo na nga ako nakilala."

". Ano bang pakialam mo Jake? Pinadala kaba rito ng kuya ko?."

".Alam mo dude, mahal na mahal ka ng kuya mo at ayaw n'ya na makita kang ganyan,"

". sinasabi ko na nga ba na pinadala ka n'ya, umalis kana Jake."

".dude, alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap? Halos nilibot na namin ang lahat ng bar, honestly kasama ko ang kuya mo, ayun s'ya."

". pwede bang umalis na kayo? Hindi ko kayo kailangan, kaya ko ang sarili ko."
Inis na sabi ko at nakita ko na lumapit si kuya sabay kalabit sa balikat ko ..

".bro, tama na yan? Sa tingin mo ba makakalimutan mo si Angel sa ganyang paraan?
Hindi!!
Pinapahirapan mo lang ang sarili mo!!!
Be man bro!!!
Tanggapin mo ang pagkatalo mo."

".bitawan mo ako kuya!!
Ano bang alam mo sa pakiramdam ko?
Akala mo ba ganun kadali na tanggapin ang lahat?."

".Alam ko na mahirap, pero hindi ka makaka-move sa pamamagitan ng paglalasing, sinisira mo lang ang sarili mong buhay, sa tingin mo ba hindi nasasaktan si Angel sa ginagawa mo sa sarili mo?
Alam mo bang umiiyak s'ya ngayon? Kung totoo na mahal mo talaga s'ya hindi mo s'ya sasaktan bro, dahil mahal ka rin n'ya."

Natigilan ako sa sinabi n'ya dahil naalala ko ang sinabi ni Angel noong inamin n'ya sa akin ang totoo .
Hindi ko naisip na masasaktan ko pala si Angel sa ginagawa ko.

".Kung mahal n'ya ako, dapat ako ang pinili n'ya, pero bakit ikaw pa??."
Sigaw ko rito..

".bro .. si Angel nalang ang tanungin mo n'yan, kapag hindi kana lasing okay? umuwi na tayo..."

".bitawan mo ako, kaya ko umuwi ng mag isa."
Inis na sabi ko rito saka nilampasan ko s'ya...
Kahit nahihilo na ako at ang blurred na ng paningin ko ay nagawa ko parin na buksan ang pinto ng kotse ko..
Sumakay ako at pinaandar ang sasakyan..
Dahil nakainom ay hindi ko inalintana na ang bilis na pala ng pagpapatakbo ko kaya nagulat ako nang may dumaan na bata na agad ko namang iniwasan pero ..
Dahil sa pag iwas ko ay nabunggo ako sa malaking puno kaya nawalan ako ng malay ...
Nagising ako sa kulay puting kwarto, babangon sana ako pero nakaramdam ako ng pananakit sa hita ko.

True HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon