Chapter 36 (forgiveness)

0 0 0
                                        

Violet POV
".grabe naman ang church n'yo Angel, napaka real talk."
Puna ko rito nang pauwi na kami galing sa church nila ..

". ganyan talaga ang Diyos Vi, papatamaan ka dahil gusto ka niyang itama."

".hindi parin ako kumbinsido."
Wika ni Sander habang seryosong nagmamaneho.

".As in? Hanggang ngayon?."
Gulat na tanong ni Angel dito.
At tumango lang ito..
Napailing iling nalang si Angel habang humugot ng malalim na buntong hininga.
Wala nang isa pa ang kumibo sa amin hanggang sa makarating na kami sa bahay ni Angel.

".dito nalang Sander, salamat sa paghatid."
Sabi nito saka bumaba na kami

". walang anuman, mag iingat kayo."
Walang buhay na sabi nito saka pinaandar ang kotse n'ya palayo sa lugar.

".grabe naman si Sander, ang tigas ng puso n'ya."
Puna ko rito na sinang ayunan naman ni Angel.

".Oo nga eh, hay..
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kanya."

".pumasok nalang muna tayo sa loob."
Sabi ngiti saka binuksan ang pinto ng bahay nila.

".hai ma,"

".oh anak, buti dumating na kayo.. paki luto itong isda."

".okay ma," sabi nito saka inasikaso n'ya na ang isda at kinuha ito mula sa freezer.

". tulungan na kita."

".sige Vi."

Riiinggg..
".hello Lie?."
Sagot ko sa kabilang linya, mabuti at napatawag na s'ya hinintay ko talaga s'yang tumawag dahil namiss ko na ang boses n'ya. Kinausap ko muna si Lie habang busy si Angel sa paghihiwa ng mga sangkap.

". nagtanong na si Lie kung kailan daw ako uuwi."

".Anong sabi mo?."

".hindi ko pa alam eh, gusto ko pang mag stay dito."

".sabihin mo nalang next month, 2 weeks left nalang naman para mag August."

".okay."

".siyanga pala, May plano ako para kay Sander."

".Ano yun Vi?."
Takang tanong nito sakin kaya naman
Lumapit ako sa kanya saka bumulong.

". magandang idea yan ah, sige gawin natin yan mamaya pagkatapos nito"
Nakangiting sabi nito sa akin saka tinapos n'ya na ang paghihiwa at nag umpisa nang magluto ng tinolang isda.

.......................
".Vi, paki abot nga ang glue."

".Ito oh."

". salamat."

". wow, ang galing mo naman gumawa ng planet."

". syempre teacher ako eh, at pinag aralan talaga namin kung paano gumawa ng outer space."

".kaya nga eh, at kumpleto kapa sa gamit."

".Oo at magagamit ko rin ang ginawa kung ito sa mga estudyante ko, hindi lang kay Sander."

". double purpose talaga itong ginawa natin, kung di pa maniwala si Sander dito, naku..
Ewan ko lang, susuko na talaga ako sa kanya."

". hay actually, maniniwala lang ang isang tao kapag mayroon s'yang revelation at milagro ito mula sa Diyos, tulad ni Jayson Vi na ni-reveal talaga ng Diyos sa kanya na totoo S'ya dahil pinaramdam N'ya ito sa puso ni Jayson kaya naniwala na si Jayson."

".ganun pala yun."

".Oo kaya nga nakakahanga ang pagbabago ni Jayson eh."

".So, na fa fall kana sa kanya ulit?."

True HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon