Chapter 35 (benifits of wisdom)

1 0 0
                                    

Angel POV

Hindi mapaglagyan ang saya ng puso ko ngayon dahil matagumpay naming natapos ang youth night,
Nakita ko na tila galing sa pag iyak si Violet kaya naman nilapitan ko s'ya, katabi n'ya si Alex na tila seryoso..

". kamusta ka Vi?."
Tanong ko rito nang makalapit ako sa kanya,

".grabe naman ang speaker n'yo, masyadong real talk, natamaan ako."

".hindi lang naman ikaw ang natamaan eh, lahat naman tayo, by the way kamusta ka Sander?." Tanong ko rito kaya napatitig s'ya sa akin, saka nagpakawala ito ng buntong hininga..

".Ewan ko, parang hindi ako kumbinsido."

".bakit?."
takang tanong ko rito, nakita ko ang pagkunot ng noo nito

".Imposible naman na may tao na magkakaroon ng 700 na asawa at 300 na kabit, kahit siguro gaano ka gwapo imposible na magkaroon ng ganun."

".posible yun sa isang hari noong unang panahon Alex, kahit i search mo pa ang history, may hari talagang nag eexist na tulad ni king Solomon."

".Ewan ko,"
Maikling sabi nito at hindi na muling nagsalita..

Hay, mahirap talagang i win ang unbeliever.

".maiwan ko muna kayo huh?."
Sabi ko sa kanila saka nilapitan ko si pastora Abby na kausap si Jayson

".praise God, pastora!
Ang Ganda ng mensahe natamaan ako."
Wika ko nang makalapit ako sa kanila.

".amen, glory to God sis Angel."

".kahit sino matatamaan, maging ako ay natamaan eh." Seryosong sabi ni Jayson sabay hawak sa dibdib nito..

".Oo nga, naniniwala ako na ang Diyos ay kumilos sa mga puso nila kanina."

".sigurado yan Angel, so paano maiwan ko muna kayong dalawa ah?."

".sige pastora Abby, mag iingat ka."

".kayo rin bro Jayson, salamat."
Sabi nito sabay alis.

". salamat nga pala bro huh? Kasi dumistanya ka kanina pagdating ni Alex, alam mo na? Ayoko na mag away kayo."

".ayos lang, Naiintindihan ko naman eh, gusto kita at gusto karin ng kapatid ko, kaya nirerespito ko yun,
Kung sino man ang pipiliin mo sa amin ay tatangapin ko ng buong puso ang desisyon mo."

Tila natunaw ang puso ko sa sinabing iyon ni Jayson, alam ng Diyos na parehas ko silang gusto,
Kaya lang....
Unbeliever si Sander at believer naman si Jayson..
Alam ko sa sarili ko na kapag si Sander ang pipiliin ko ay magkakaproblema lang ako dahil pansin ko na ang hirap n'yang kumbinsihin..
Alam ko naman sa puso ko na hindi ko maaring sagutin ko si Sander dahil makaka apekto s'ya sa relasyon ko sa Diyos at maari pa akong malayo sa Diyos.

".may problema kaba Angel, parang ang lalim kasi ng iniisip mo eh."

".ahm, wala ito, wag mo nalang pansinin, sige huh? Balikan ko na sila,
Ingat ka lagi."

".sige ikaw din."
Paalam ko rito saka binalikan ko sila, nakita ko na kinakausap sila ng kasamahan namin sa church kaya nag hai ako sa kanila..

".oh ito na pala ang ating magandang worship leader."

".glory to God bro Mark, malamang tuwang tuwa si Lord ngayon kasi marami ang tumanggap sa kanya."

".Oo nga, pero mas lalong matuwa tayo dahil nakasulat na ang mga pangalan natin sa langit."
Masayang sabi ni Lyca.

".Paano kung wala talagang Langit?."
Sabat ni Sander kaya labis na nagtaka ang lahat sa tanong n'ya.

". unbeliever kaba bro?."
Tanong ni Mark rito

True HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon