Chapter 24 (Plan for the future)

1 0 0
                                        

Sander POV

".Nandito na tayo."
wika ko sa kanila saka pinagbuksan sila ng pinto, dinala ko sila sa aming resort kung saan ay kasalukuyan na pinagdiriwang namin ang graduation party ni Angel..

".Salamat Sander, napakabait mo talagang kaibigan, nag abala kapa ng ganitong party.."

".Syempre kasi deserve mo'to Angel, summa cum laude ka kaya."
nakangiting sagot ko sa kanya dahil nakita ko sa kinang ng mata n'ya kung gaano s'ya kasaya..

".Salamat Sander dahil pati mga magulang ko ay napaka saya rin sa ginawa mo,
the best ka talagang kaibigan." dagdag pa nito, nginitian ko lang s'ya pero hanggang ngayon ay umaasa ako na maging higit pa kami sa kaibigan pagdating ng panahon.

".Wow, ang ganda naman ng resort n'yo, ngayon pa ako nakapunta rito, ang dami palang bulaklak dito at may malaking swimming pool pa, ang yaman mo talaga Sander."

".Salamat Violet."

".So, pumasok na tayo sa loob ng rest house namin,  nakahanda na ang mga pagkain..
halika napo kayo.. wika ko sa kanila at inalalayan ko sa pagpasok ang mga magulang ni Angel pati ang apat na kapatid nito..

".Salamat iho, napakabuti mo." masayang sabi ng ina ni Angel

".Walang anuman po."

".bagay po kayo ni ate kuya." nakangiting sabi ng kapatid nitong babae

".Anong pangalan mo?."

".Jane." maikling sagot nito..

".Salamat Jane."

".dito po kayo umupo tito." magalang na sabi ko sa papa ni Angel at pinaghila ko ito ng upuan.

".Salamat iho."

".Dito ka Angel, sabi ko sabay hila ng upuan nito katabi ng sa akin..

".Salamat Sander." sagot nito kaya nginitian ko s'ya at umupo narin ako saka tinawag ko ang tagaluto namin..

".Ilagay mo na lahat ng pagkain rito."

".Opo sir."
sabi nito at agad na dinala nila sa aming malaking mesa ang lahat ng niluto nila,
pati narin ang paborito kung malaking lechon na may apple sa bunganga ay nilapag nila sa malaking mesa..

...............................
".Maraming salamat talaga Sander huh?, nabusog kami sa hinanda mo."

".Wala yun Angel, syempre mahalaga ka sa akin at gusto ko na makita kang masaya."
wika ko sa kanya matapos naming kumain at nandito na kaming tatlo sa gilid ng pool.

".Wow ang sweet mo naman kay Angel, sana all."
napailing na lamang ako sa sinabi ni Violet dahil noon paman ay nahahalata ko na ito na may gusto sa akin..

".So, anong plano mo pag graduate mo Sander."  tanong ni Angel sa akin, kaya nag isip ako saglit sa sinabi n'ya kasi hindi ko pa kasi naiisip yan,
ang gusto ko sana ay i enjoy ang moment kasama s'ya."

".Well.. gusto ko sana na makapag settle na kasama ang babaeng gusto ko."
sagot ko na nakatingin sa kanya pero wala akong nakitang reaction sa mukha n'ya at yumuko lamang s'ya..

".How about ikaw Violet, anong plano mo pagkatapos nito." pag iiba nito sa usapan kaya napatingin ako kay Violet, at nakita ko kung gaano kalungkot ang mukha n'ya na tila mayroon s'yang mabigat na pinagdadaanan..

".Alam mo naman yan dati pa Angel.."

".Hmm sorry.. Oo nga pala, gusto mong makita ang mama mo."

".Bakit? Ano pala ang nangyari sa mama n'ya." takang tanong ko, hindi kasi nila nabanggit sa akin ang tungkol dito..

True HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon