Angel POV
".Marilou,"
tawag ng amo ko kay mama".Ano po yu'n ma'am?."
".Pasensya na huh?, pero nakapag desisyon kami na tanggalin na sa trabaho ang anak mo, may darating kasing bago at gusto namin na i full time s'ya."
matagal bago nakasagot si mama. halatang nalungkot s'ya,
".Kung yan po ang gusto n'yo wala po kaming magagawa." malungkot na sabi ni mama
".Sige, pasensya na huh?." sabi nito at umalis na..
Nilapitan ko si mama at niyakap ito.
".Ayos lang po yan mama, hahanap nalang ako ng ibang trabaho.
".Sige anak, ganyan talaga." sabi nito
kinabukasan ay hinanda ko na ang gamit ko para umalis at hindi na ako maaring bumalik pa..
malungkot na nag paalam ako kay mama at hinatid n'ya ako sa labas,". Mag iingat ka doon anak huh?."
".Opo mama."
sabi ko at sumakay na ng trycicle..Pagka uwi ko ng bahay ay malungkot na sinalubong ko ang papa ko, s'ya lang mag isa sa bahay dahil nasa eskwela ang mga kapatid ko at ang kuya ko naman ay nasa trabaho..
".Oh anak, ba't napauwi ka? biyernes palang."
".Tanggal na po ako sa trabaho papa, may bago daw papalit sa akin kasi ang gusto nila yung fulltime." malungkot na sabi ko
".Ayos lang yan anak, dito ka nalang muna sa bahay."
sabi nito at niyakap ko s'ya..pumasok na ako sa bahay at nag isip ng paraan kung anong trabaho kaya ang pwe'de kung pasukan..
Maya maya ay naisipan kung tawagan Si Violet
".Hai Violet."
bati ko sa kabilang linya".Oh Angel, ba't ka napatawag?."
sabi nito".Hmm kasi bestfriend, wala na akong trabaho, tinanggal na kasi ako kanina."
malungkot na sabi ko.".Ay, ang sad naman! gusto mo tulungan kitang maghanap? a absent ako"
".Wag na, ayaw kitang maabala, ako nalang mag isa ang mag a-apply."
".Ganun ba, okay sige kung yan ang gusto mo, mag iingat ka."
". Salamat bestfriend."
sabi ko and I end the call..Nang araw na yun' ay nag bihis na ako dahil gusto kung mag umpisa na gumawa ng maraming resume.
nilapitan ko si papa nang makita ko s'yang naka higa sa duyan..".Pa, alis po muna ako, mag-a apply po ako ng trabaho."
sabi ko dito".Sige anak, mag iingat ka."
aalis na sana ako nang mapansin ko ang lungkot ng mukha ni papa, he looked so depress, naawa ako sa kanya kaya naman bago ako umalis ay naisipan kung yakapin sya.
".I love you papa." sincere na sabi ko
".I love you too anak." sabi nito
".Gusto mo po i download ko ang paborito mong Christian song?."
".Sige anak," sabi nito
at dinownload ko nga ang mga paborito n'yang kanta,
I remember, active nga pala s'ya sa church dati pero since na naging busy s'ya sa trabaho ay tila nakalimutan na n'ya ang Diyos, pero ngayon ay nakikita ko na willing na ulit s'yang papasukin ulit ang Diyos sa buhay n'ya..".Salamat anak, napakaganda ng mga kanta at nakakaramdam ako ng kapayapaan sa puso ko, hindi tulad kanina nakakaramdam ako ng kaba kasi pakiramdam ko na malapit na akong mamatay, pero hindi ko naisip agad na ang Diyos ang s'yang may hawak ng buhay ko."
BINABASA MO ANG
True Happiness
SpiritualAkala ko kapag nakamit ko na ang pinapangarap ko ay magiging masaya na ako, pero hindi pa pala, akala ko kapag nagkaroon na ako ng maraming pera ay kumpleto na ako, pero hindi pa pala, saan nga ba ito nagtatago? bakit ba kay hirap punan ang uhaw na...