Chapter 27 (Life in korea)

4 0 0
                                    

Sander POV

Hindi ako makapaniwala sa chat ni Angel sa akin noong nakaraang linggo, tila ba nadurog ang puso ko dahil doon,
ang akala ko pa naman ay gusto n'ya rin ako, dahil nakita ko sa kinang ng mata n'ya at paraan ng pagtingin n'ya sa akin noon na tila may gusto s'ya sa akin, kahit nung paraan ng pag ngiti n'ya sa akin sa pageant..
hindi ko akalain na mas pipiliin n'ya ang kaligayahan ng bestfriend n'ya kaysa sa aming dalawa...
napakasakit talaga at tila hindi ko ito matanggap, pero pinilit ko nalang na patatagin at pakalmahin ang sarili ko..
natigil ako sa pag iisip nang makita ko na nag ring ang cellphone ko...

".Hello Violet?

".Nandito na ako sa airport Sander."
sabi nito sa kabilang linya..

".Sige, puntahan na kita d'yan, hintayin mo ako."
sabi ko rito saka binabaan ko s'ya, agad na nagbihis na ako saka sumakay ng kotse.

Pagkarating ko roon ay agad na hinanap ko s'ya..

".Hello nasan ka?." tanong ko sa kabilang linya,
agad na pinuntahan ko ang sinabi n'yang dereksyon at nakita ko s'ya suot ang purple na jacket..
kumaway s'ya sa akin kaya naman nilapitan ko s'ya..

".Kamusta ka?." malamig na tanong ko rito at nakita ko na tila nanunubig ang mata n'ya..

".Hindi ako okay Sander, umiiyak na sabi nito..
naawa ako rito kaya niyakap ko s'ya..

".Okay lang yan Violet, hindi mo s'ya kailangan!!!
nandito ako at poprotektahan kita!!!."
sabi ko rito sabay haplos ng mahaba n'yang buhok..

".Salamat Sander."

".Halika na, kumain muna tayo bago umuwi, nang makapagpahinga ka na."
sabi ko rito saka hinawakan ang kamay n'ya at inalalayan s'ya papunta ng kotse ko...

................................
".Who is she? bungad sa akin ni mama nang mapansin n'ya kami na papasok sa loob.

".She's a registered nurse mom, I took her to take care of grand pa."

". okay, that's a good move."
kalmadong sabi nito..
tumango lang ako saka yumuko at nilagpasan namin ito..
agad na dinala ko si Violet sa guess room saka sinara ang pinto..

".Ito yung magiging kwarto mo, malapit lang ito sa kwarto ni lolo para madali mo s'yang mapuntahan bilang personal nurse n'ya, naasikaso ko na ang papeles mo." nakangiting sabi ko rito at ganoon rin s'ya..

".Salamat Sander mabuti at kasama mo na ngayon ang mama mo."

".Hay, ngayon lang naman s'ya dahil nagkasakit si lolo eh, ewan ko sa kanya."
inis na sabi ko..

".Mabuti ka pa nga eh dahil meron kang mama." malungkot na sabi nito kasabay ng pagyuko kaya nilapitan ko s'ya kasabay ng mahigpit na yakap..

".Ayos lang yan Violet, wag mo nalang isipin ang mama mo, nandito naman ako eh." wika ko rito dahil napansin ko s'yang umiiyak..

".Bakit ganoon s'ya Sander? kung maka sampal s'ya sa akin ay parang hindi n'ya ako anak? ang turing n'ya lang sa akin ay salot na dapat hindi na nabuo at nabuhay." hagulgol na wika nito, ramdam ko ang sakit na nadarama n'ya dahil maging ako ay may sama rin ng loob sa mama ko..

".May mga ganyan talagang magulang Violet, na ang turing lang sa anak ay tila bagay na kaya nilang kontrolin, hayaan mo nalang sila!!!."
wika ko rito kasabay ng buntong hininga.

itinaas n'ya ang mukha n'ya at tumingin sa mga mata ko..

".Ang ibig mong sabihin, may sama ng loob karin sa mama mo?."
hindi ako nakasagot kaagad dahil napatitig lang ako sa mukha n'ya..
hinaplos ko ang pisngi n'ya at pinahid ang luha sa mata n'ya..

True HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon