Sander POV
Hindi ko alam kung anong gagawin ko!
Kung saan saan na ako naghahanap kay Violet pero hindi ko parin s'ya makita,
galing na ako sa police station at sinabihan lang ako na maghintay daw muna..
Hay!!! Violet, nasan kana ba? hay kinakabahan na ako baka napano na s'ya...
natigilan ako sa pag iisip dahil biglang tumunog ang cellphone ko..
Naku! lagot si Angel tumatawag, ano ang sasabihin ko sa kanya nito?
Kinakabahan man ay sinagot ko parin ang tawag na nanginginig ang kamay..
humugot ako ng malalim na buntong hininga bago nagsalita..
".Hello Angel? ."
". Sander, nandito na ako sa airport, pwede bang sunduin mo ako?."
".Sige, ppupunta na ako d'yan." nauutal na sabi ko rito at akma ko na sanang ibaba ang tawag pero nagsalita ito ulit..
".Nasaan si Violet?." napalunok ako at hindi ako nakasagot kaagad..
".Hmm.."
". Sander?.."
".Mamaya nalang tayo mag usap, sunduin muna kita."
ani ko at binaba ko na ang tawag...
.....................
".Angel, nandito na ako.. nasaan ka?."
".Nandito ako sa waiting area, nakaupo ako at kulay pink ang Jacket ko!."
sagot nito kaya pumunta ako roon at nakita ko nga s'yang nakaupo sa gilid,
agad na nilapitan ko s'ya at nakita ko ang labis na pag aalala sa mukha n'ya nang tumingin s'ya sa akin.
".Hai Sander, nasaan si Violet, bakit hindi mo s'ya kasama?." sunod sunod na tanong nito saka tumayo ito..
humugot ako ng malalim na buntong hininga at tumingin sa kanya,
hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya naman agad na niyakap ko s'ya ng mahigpit dahil labis na namiss ko rin s'ya..
".I'm sorry Angel, hindi ko s'ya napigilan!!! umalis s'ya sa bahay namin at hanggang ngayon ay hindi ko pa s'ya nakikita."
".Ano? bakit hinayaan mo na mangyari iyon? baka napano na si Violet, "
puno ng pag aalala na wika nito kasabay ng biglang pagkalas sa akin..
nakita ko na naiiyak na ito pero pinipigilan lang ang sarili..
"Anong gagawin natin? wag sanang ipahintulot ng Diyos ito.."
".Hindi ko alam, pero pangako! gagawin ko ang lahat para makita natin s'ya ulit..
".Saan natin s'ya hahanapin? naireport mo na ba ito sa mga police?."
".Oo naireport ko na, at naghanap narin ako sa kanya kung saan saan, pero wag tayo mawalan ng pag asa, dahil mahahanap din natin s'ya."
".Hay, sana nga!!! ayaw kung tuluyan na mawala sa akin ang bestfriend ko!."
".Ako rin. ayoko rin na mawala s'ya sa akin, ang mabuti pa pumunta muna tayo ng bahay." sabi ko rito at tumango s'ya kaya naman ay umalis na kami sa lugar na iyon....
..................................
".Nasaan ang mga magulang mo? mag isa ka lang ba rito?."
tanong nito nang makapasok na kami ng bahay, inayos ko ang gamit n'ya at pinasok ito sa guess room kung saan natutulog si Violet dati..
".Kasama ko si lolo at ang bago nitong personal nurse, nasa kabilang kwarto sila, at yung mga magulang ko ay nasa trabaho pa."
".Ayos lang kaya sa kanila na nandito ako?."
".Wag kang mag alala, ako nang bahala d'yan, umupo ka muna sa kama,"
sabi ko at umupo s'ya kaya naman umupo rin ako sa tabi n'ya..
".Ito ang magiging kwarto mo habang nandito ka, sa totoo lang dito natutulog si Violet dati."
".Talaga? hay nasaan na kaya si Violet."
".Wag kang mag alala, makikita rin natin s'ya." sabi ko sabay hawak ng kamay n'ya..
nagulat s'ya sa ginawa ko kaya binitiwan ko ito..
BINABASA MO ANG
True Happiness
SpiritüelAkala ko kapag nakamit ko na ang pinapangarap ko ay magiging masaya na ako, pero hindi pa pala, akala ko kapag nagkaroon na ako ng maraming pera ay kumpleto na ako, pero hindi pa pala, saan nga ba ito nagtatago? bakit ba kay hirap punan ang uhaw na...
