Chapter 5 ( Violet Ruth Santos)

31 1 0
                                    

Violet POV

Nandito na ako sa kwarto ko at natapos ko narin sa wakas ang mga gawain ko rito, nakahiga ako at inalala ko ang nakaraan ko,
Naalala ko pa dati,iniwan ako ng mama ko sa bahay ampunan noong baby palang ako at sabi sa akin ni sister Marie, ay hindi man lang n'ya ako binigyan ng pangalan, kaya naman dahil paboritong kulay ni mama ang violet, yun' nalang din ang binigay sa akin na pangalan.

Hindi ko talaga maintindihan ang dahilan bakit n'ya ako iniwan, pero kung ano man ang dahilan kung bakit n'ya ito nagawa ay s'ya lang ang nakakaalam nito, marahil ay may mabigat s'yang pinagdadaanan,

Sa totoo lang ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng galit sa kanya, kasi hindi ko maintindihan kung bakit n'ya ako iniwan, hindi n'ya ba ako mahal? wala ba akong halaga sa kanya? basura ba ako na basta nalang iiwan? Hindi ko maintindihan kung ano bang mali sa akin dahil mula pa pagkabata ay pakiramdam ko may kulang sa pagkatao ko, hindi ako kumpleto, hindi ako buo, gusto ko sana s'yang hanapin at tanungin kung bakit n'ya ako iniwan, kasi gusto ko ring maramdaman kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng ina,

Hindi ko maiwasan na mainggit kay Angel kasi kumpleto sila, buti pa s'ya....
may ina s'yang maiiyakan kapag nabibigatan na s'ya, mabuti pa s'ya dahil may ama s'yang mapagsasabihan ng problema kapag kailangan n'ya ng balikat na masasandalan, gusto ko rin sana ng ganun, gusto rin sana nang may masasandalan at masasabihan, pero wala eh!!!!!

Iniwan nila akong lahat!!! ni hindi ko man lang sila kilala, ni hindi ko man lang alam kung paano ko sila hahanapin!!!
ni hindi ko alam kung ano ang totoong pangalan ko, ni hindi ko kilala ang sarili ko..
sino ba ako? taga saan ba dapat ako? Ano kaya ang magiging buhay ko kapag hindi nila ako iniwan? magiging katulong lang kaya ako?
yan ang mga tanong na gusto kung bigyan ng kasagutan, at hangang ngayon ay di ko parin alam ang sagot.
kahit ganun ay hindi ako susuko, naniniwala ako na balang araw ay makikilala ko rin sila at malalaman ko rin ang dahilan kung bakit nila ako iniwan.
nakahiga lang ako at nakatingin sa kisame, natapos na din ang trabaho ko rito, kahit nakaka stress na ngayon sa school dahil wala Si Angel, wala na akong kasabay sa pagkain..

Si Angel lang kasi ang maituturing kung totoo kung kaibigan, Tinutulungan n'ya ako kapag may hindi ako naintindihan at pinapalakas n'ya ang loob ko.
ngayong wala s'ya parang wala na akong ganang pumasok, kasi pakiramdam ko mag isa nalang ulit ako, pahirap pa naman ng pahirap ang topic namin..
hay, namimiss ko na s'ya, naiiyak kung sabi at nakatulog ako sa ganoong posisyon..

Monday na, maaga akong gumising kasi kailangan ko nang magsaing, habang nagsasaing ay naghihiwa ako ng karne, Sa totoo lang nawawalan na ako ng ganang pumasok, ang bestfriend ko lang kasi ang nagpapalakas ng loob ko, pinapatawa n'ya ako kaya kahit gaano pa ako ka stress dito, dahil makita ko lang ang mukha n'ya at marinig ang napaka tamis n'yang goodmorning, erase na agad yun' lahat, ang sarap kasi sa pakiramdam na magkaroon ng bestfriend,

Naalala ko pa dati nung nasa ampunan palang ako ay lagi akong binu-bully, kasi napakahina ko, tahimik ako at hindi marunong makisama,
lagi ko silang tinatanggihan kapag nag aaya sila sa akin,
hindi ko alam kung bakit ako ganito dahil hindi naman ako ganito dati, dati akong masayahin at laging sumasali kapag may laro pero nagbago ang lahat nung mag 9 na ako, siguro resulta lang ito sa naranasan kung pang aabuso noong 9 years old palang ako, tandang tanda ko pa ang lahat na parang kahapon lang ito nangyari..

Naglalaro ako noon nang tinawag ako ng isa sa mga madre,
may gusto na raw umampon sa akin, ang saya saya ko noon kasi sa wakas ay magkakaroon narin ako ng sarili kung pamilya, sumama ako sa kanila..
dinala nila ako sa malaki nilang bahay at ang dami nilang laruan.
napakabait nila sa akin, ang akala ko noon ay ako na ang pinaka swerteng bata sa buong mundo, pero nagbago ang lahat nu'ng tinawag ako ng bago kung papa isang gabi pagkatapos nilang mag away..
Naalala ko pa nu'n,  kakaalis lang sa trabaho ng bago ko na mama kaya kami lang dalawa doon,
bago nangyari yun' ay may napapansin na talaga akong kakaiba sa kanya, kasi lagi s'yang nakahawak sa cellphone n'ya na parang may pinapanood s'ya habang may ginagawa na kakaiba sa sarili n'ya, lumilikha s'ya ng kakaibang tunog at hindi ko maintindihan kung ano..

True HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon