Angel POV
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na'to, tila ba nanlalamig ang tuhod ko sa kaba dahil sa unang beses na pagsabak ko sa ganitong kompetisyon, para bang binubuhusan ako ng malamig na yelo sa tuwing lalabas ako at titingin sa mga tao na sinisigaw ang pangalan ko.
pinilit ko na lamang ngumiti at huminahon..
".Go Blazing Angel for the win."
sigaw ng mga ka department ko pagkalabas ko na suot ang costume na tila ako ay isang nagbabagang anghel, rumampa ako at pinilit na huminahon saka ngumiti para sa department ko, dahil sa kanila ay nabuhayan ang loob ko kaya naman gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sa kanila, pumunta ako sa harap at nakita ko ang mikropono sa gitna kaya nilapitan ko ito..
humugot ako ng malalim na buntong hininga bago nagsalita,
".My name is Angelica Mendoza, from Care department and I proudly represent,
".The blazing Angels."
pumalakpak sila sabay ng pagsigaw sa pangalan ko kaya lalong lumakas ang loob ko at nabuhayan ako, sunod na nagsalita ang kapares ko na si Ariel at sabay kaming tumalikod matapos nitong magsalita, agad na nakita ko si Sander na nakasuot ang pulang armor kasama si Alexa, nakita ko na nakatingin s'ya sa akin habang nakangiti,
nag tama ang mga mata naming dalawa kaya nginitian ko rin s'ya, napakagwapo at napakagiting n'yang tingnan sa armor n'ya kaya mas lalo pa akong humanga sa kanya.
Sana kami nalang ang magkapares
sumunod ng nagpakilala ang kasunod kung mga contestant at pagkatapos rumampa ng lahat ay bumalik na kaming lahat sa back stage...
".Grabe ang ganda ng costume mo Angel, napaka astig mong tingnan."
".Salamat Alexa, ikaw rin naman." sabi ko rito, s'ya ang naging close ko simula nu'ng practice.
".Naku, malapit na ang question in answer portion kinakabahan ako."
".Ako rin rina, mahina pa naman ako sa English."
".mas lalo na ako Claire."
rinig ko sa usapan nila..
maging ako rin ay kinakabahan baka hindi ako makasagot sa kaba.
".Ayos ka lang Angel?."
".Hindi eh, kinakabahan ako."
".Me too." ani ni Alexa na halata rin ang kaba sa mukha..
".Magbihis na kayo ladies, malapit na formal attire competition.."
announce ng bakla sa amin kaya isa isa na kaming pumasok sa dressing room..
Isinuot ko ang pink na dress na napakatingkad ng kulay at tila kumikinang pa ito sa mga palamuti.
".Mistula naman akong mayamang donya sa gown na ito."
nasabi ko sa sarili ko pagkaharap ko ng salamin..
".magandang prinsesa o mayamang donya?."
rinig kung sabi ni Alexa, nakabihis narin ito suot ang pulang gown
".Ewan ko Alexa, pareho siguro." natatawang sabi ko rito
at napatawa rin ito.
".Bagay sa'yo Angel, ang ganda."
".ng dress o ako?." napangiting tanong ko rito.
".haha, pareho noh?." natatawang sagot nito.
".Ikaw rin naman maganda, bagay sa'yo ang suot mo."
".Salamat."
".Oh mga iha, stop na ang chika... halika na kayo rito para maayusan ang buhok n'yo at malagyan ng make up." sabat ng isang bakla kaya naghiwalay na kami ni Alexa ng direction..
rinig ko ang sayawan at ingay ng sigawan sa labas,
sino kaya ang sumayaw? mukhang magaling sila base sa reaction ng mga nanonood.
Makalipas ang ilang sandali ay natapos na ang pag aayos sa akin at naghahanda na kami para lumabas muli at rumampa...
tumayo na ako at pumunta na malapit sa pinto papunta sa stage at nakita ko ang mga kapwa ko contestant na nakaayos habang nakapila.
BINABASA MO ANG
True Happiness
SpiritualAkala ko kapag nakamit ko na ang pinapangarap ko ay magiging masaya na ako, pero hindi pa pala, akala ko kapag nagkaroon na ako ng maraming pera ay kumpleto na ako, pero hindi pa pala, saan nga ba ito nagtatago? bakit ba kay hirap punan ang uhaw na...
