Chapter 7 ( After break up )

26 1 0
                                        

ANGEL POV

Hindi ko akalain na ganito pala kasakit!!! pero pinili ko ito kaya wala akong dapat sisihin kung hindi ang sarili ko, dahil hindi ako nakinig sa payo ng kaibigan ko at lalong hindi ako nagtiwala sa Diyos na s'ya ang sasagot sa lahat,

Naalala ko pa nu'n nung unang atake ni Papa, namangha kami sa lahat ng pinakita n'yang himala dahil biglang bumalik ang hininga ni papa kahit dineklara na s'yang patay ng doctor, tunay na nakakamanghang kumilos ang Diyos pero hindi ko lang yu'n nakita dahil nakatuon ako sa ibang bagay,
naka focus ako sa sitwasyon at hindi ako nagtiwala sa magagawa N'ya,

Nagbulag-bulagan lamang ako sa mga nagawa n'yang kabutihan sa akin at nag bingi-bingihan ako sa mga warning N'ya, kaya kahit na alam ko naman na ito ay isang kasalanan pero nagpadala ako sa emosyon ko,
Ngayon kailangan ko nang harapin ang mga bunga ng pagkakamali ko,
because deserve this pain, I'm sorry Lord kasi nagpadala po ako sa temptation, sana po ay mapatawad mo po ako.' sabi ko kasabay ng pag iyak.

Sobrang nagsisisi ako sa ginawa ko,' dagdag pa ang nabasa kung post na ito sa facebook na natamaan talaga ako, at grabe... ang sakit pala talaga!!!!
Sabi kasi n'ya,

".ISIPIN MO MUNA!!!!
Para hindi ka maiwang mag isa, huwag pumatol ng basta basta, hindi basehan ang nakikita mo lang, ang porma, kasweet'an, mapera etc..kundi kilalanin mo muna ng lubusan ang tao, maging malawak sana ang iyong isipan, at marunong tayong tumanggap ng payo mula sa kaibigan, at dapat totoong may takot sa Diyos dahil mahirap na ang magsisi sa bandang huli."

Binahagi ko ang post na yun.' sabay caption na True !!! I really regret it!!!. 😭😭😭

Umiyak ako ng umiyak habang nakayakap sa unan..
Sobrang nagsisisi talaga ako!! sana nga ay hindi na yun' mag bunga pa,'
dahil hindi pa ako handa at hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nagbunga pa yun'.
Makikipag break na talaga ako sa kanya, at sa tingin ko ay yun' ang mainam na aksyon na dapat kung gawin sa ngayon.

Napansin ko na ang ring ang cellphone ko, si Violet pala ang tumatawag.
sinagot ko naman ito, sabay pahid ng luha ko.

".Hai best, kamusta ka na? nabasa ko kasi ang post mo eh." alalang tanong nito.

".Hindi ako okay Violet, sobrang nasasaktan ako, at sobrang nagsisi ako sa ginawa ko, alam mo ba? pinuntahan n'ya ako dito kahapon, at hindi ko akalain na pupuntahan n'ya ako dito dahil nakakahiya talaga yun!!!'.
bakit ba kasi ako pinanganak na mahirap? baka kapag pinanganak ako na mayaman, magiging totoong masaya pa ako, kasi hindi ko na kailangan mag tiis ng ganito!!!! at hindi ko narin kailangan na manliit sa sarili ko at mahiya sa ibang tao tulad ni Jayson, hindi ko man lang s'ya matanggihan nu'n kahit pa tingin ko na, noong una pa ay hindi talaga kami nababagay sa isa't isa!!! dahil isa lang akong hamak na utusan!!! hindi ako karapatdapat na pumasok sa mundo n'ya, dahil panigurado na pagtatawanan lang nila ako!!!
sino namang mayaman na tao ang magpapakasal sa isang tulad ko?."
puno nang panghihinayang na sabi ko habang walang tigil sa pagdaloy ang luha sa mga mata ko.

".Wag mo sabihan yan,' Angel, maganda ka okay? at matalino at talented ka pa."
sabi nito pero hindi parin gumaan ang pakiramdam ko

".Gusto ko lang naman sumaya at makalimutan ang hirap ko dito, Akala ko kay Jayson ko yun' matatagpuan, ang akala ko ay kaya n'ya akong ipaglaban dahil sabi n'ya ay mahal n'ya ako, pero duwag pala s'ya!!! (galit na sabi ko..sabay ng pagkuyom ko ng kamay)
".manloloko s'ya!! pinagkatiwala ko ang buhay ko sa kanya!! pero ito lang pala ang mapapala ko?? binigay ko sa kanya ang lahat!!!! pero ang mapapala ko lang pala ay puro hinanakit at pagsisisi? pinapangako ko na hindi na ito mauulit pa sa akin kahit kailan!!!! hindi na ako papatol pa sa kahit na sino, kahit ubod pa ng gwapo yan ay wala na akong paki-alam!!!!
It's better to be alone!!!!! no one can hurt you!!!!." galit na sabi ko habang naiiyak..

True HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon