Violet POV..
".Aalis kana?." Tanong ko rito nang makita ko sya'ng nag eempake ng gamit nang puntahan ko ito sa room n'ya kinaumagahan
".Oo Vi, Aalis na ako bukas ng madaling araw." Sabi nito saka inayos ang gamit at humarap sa akin..
".Angel, Sana mag spend kapa rito kahit isang linggo."
".gusto ko sanang gawin yan pero hindi na pwede eh."
".hay, wala ba akong magagawa para pigilan ka?."
". honestly Vi, bago ako umalis ay may paki usap sana ako sa'yo eh."
".Ano yun Angel?."
".gusto ko sana bago ako umalis ay magkita kita kayong tatlo."
".Huh? Anong ibig mong sabihin?."
".hmm I mean kayong tatlo ng mama at papa mo."
".Ano? Nagbibiro kaba? Paano naman mangyayari yun eh .. teka ..
Wag mo sabihin na nakipagkita ka sa kanila, pero paano nangyari yun kung hindi mo naman sila kilala."
Gulat na tanong ko sa kanya..
".Mahabang kwento eh, basta na meet ko ang mama mo sa hotel dahil nagtatrabaho s'ya roon bilang janitres, nabigla nga ako dahil nilapitan n'ya kami at sinabi n'ya na sobrang nag sisi na s'ya sa ginawa n'ya sayo, kaya naman pina meet namin s'ya sa papa mo at guess what?
Nagkabati na sila."
".so ganun nalang yun?
Pagkatapos ng lahat ng ginawa nila sa akin? Ganun nalang yun? Isang sorry lang tapos na?."
".Vi, alam ko na mahirap ito para sa'yo pero ..
Kailan mo ba palalayain ang puso mo?."
".Hindi ko alam, siguro hanggang sa ..
Hindi ko na maramdaman ang sakit."
Naiiyak na sabi ko rito sabay napahawak ako sa puso ko..
".,Violet, hanggang hindi mo sila patatawarin ay patuloy mo na maramdaman ang sakit, tandaan mo na tuluyan ka lang makaka move on kung nakapagpatawad kana."
Seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko, hindi ako nakasagot at nag iwas nalang ng tingin ..
Ewan ko ba, kung bakit bawat salita na binibitawan ni Angel sa akin ay parang kutsilyo na bumabaon sa puso ko..
Ang sakit sakit dahil alam ko na tama s'ya..
Ang totoo ay gusto ko nang makalaya pero hindi pa handa ang puso ko para roon..
".Hindi pa handa ang puso ko sa ngayon."
Sabi ko na lamang dito nang hindi tumitingin sa mga mata n'ya
".Naiintindihan kita, isuko mo sa Diyos ang puso mo Violet, at hingin mo sa kanya na ihanda ka para roon,
Tandaan mo, ang sinabi ng Panginoong Hesus.
May mga bagay na hindi natin kayang gawin, pero sa Diyos ay walang imposible, kaya naman tanging ang Diyos lamang ang makakatulong sa'yo para makapagpatawad ka."
". Salamat Angel, napaka swerte ko dahil ikaw ang best friend ko."
Nakangiting sabi ko rito sabay yakap kanya.
".Walang anuman, let me pray for you my best friend." Nakangiting sabi nito kaya tumango ako sabay yuko..
".so ayos lang ba sa'yo na makipagkita sa kanila bago ako umalis?."
Sabi nito nang matapos kaming magdasal, matagal ako bago nakasagot hanggang kalaunan ay tumango ako
".by the way, nasan si Li?."
".ayun nasa school na, maaga s'ya pumasok eh."
".ah okay."
".uy ang aga n'yo ulit huh?."
Tila inaantok pang sabi ni Alex mula sa likod namin..
".Oo, Aalis na kasi ako bukas ng maaga eh."
".tsk, ang sad naman, ano ang gusto mong gawin natin bago ka umalis?."
".kumain tayong Lima."
".Lima?."
BINABASA MO ANG
True Happiness
SpiritualAkala ko kapag nakamit ko na ang pinapangarap ko ay magiging masaya na ako, pero hindi pa pala, akala ko kapag nagkaroon na ako ng maraming pera ay kumpleto na ako, pero hindi pa pala, saan nga ba ito nagtatago? bakit ba kay hirap punan ang uhaw na...
