Chapter 38 (Sander or Jayson?)

2 0 0
                                        

Angel POV

Nakabihis na ako at ready nang pumasok ng school nang may nakita akong nakaparada na pamilyar na kotse sa bahay namin ..
Bumaba ang isang lalaki na pamilyar ang mukha, nakasuot ito ng itim na leather jacket at naka-shades, lumapit ito sa akin na ang tamis ng ngiti

".Good morning Angel,"

".Uy Sander, ikaw pala yan? Good morning din, kailan lang kayo dumating?."

". kagabi mga 11 pm na yun kaya hindi nalang namin kayo dinisturbo."

".Ahh ganun ba, by the way next time nalang tayo mag usap dahil may klase pa ako."

".hatid na kita."

".sige, salamat."
Nakangiting wika ko rito saka sumakay na ng kotse n'ya..

".Angel, pwede kabang pumunta ng bahay mamayang gabi?."
Tanong nito sa akin saka pinaandar ang kotse

". pwede naman, bakit?."

".Gusto kang makilala nila mom at dad."

".sure, sige pupunta ako, kasama n'yo ba lolo n'yo?."

".Oo, hindi nga ako makapaniwala eh, totoo pala talaga ang miracle noh? Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na okay na s'ya."

".Oo naman basta maniniwala ka lang ay walang imposible..
Tulad nga ng sabi sa Mathew 21:22..
If you believe you will receive whatever you ask in prayer. Nangyari rin yan sa papa ko dati..
Inatake s'ya sa puso nun around 3 pm ..
Sumigaw ang mama ko na patay na raw si papa at hindi na humihinga..
Kaya naman bumangon kami ng mga kapatid ko at nagdasal habang umiiyak ..
Nakiusap ako sa Diyos na wag N'ya kunin si papa dahil di ko makakaya ..
At laking gulat namin dahil biglang bumalik ang hininga ni papa ..
Imagine huh? 8 times s'yang inatake, 4 x sa bahay .. 4 x habang sinasakay s'ya sa tricycle tapos malayo pa ang hospital na pinagdalhan sa kanya ..
Sabi nga ng doctor na hindi s'ya makapaniwala na makaka survive ang papa ko dahil bihira lang itong mangyari kapag cardiac arrest..
Pero ..
Salamat sa Diyos dahil na revive nila si papa ..
Sabi ng doctor ..
Almost 30 seconds ng patay ang papa ko pero bumalik ulit ang hininga n'ya."

".wow, ganyan din ang nangyari kay lolo."

".Alam mo , may kapangyarihan ang Diyos na mang gamot ng may sakit at mag extend pa ng buhay ng tao ..
Basta .. bigyan mo lang S'ya ng rason kung bakit dapat na buhayin kapa ..
Dahil may mga tao na hindi nabibigyan ng pagkakataon na mabuhay kahit gusto nila at nagdasal at naniwala rin naman sila ..
Alam mo ba kung bakit?."

".bakit? ."

".unang dahilan, ayaw ng Diyos na makita na nahihirapan ang anak N'ya ..
Pangalawang rason .
Dahil maaring nakita ng Diyos na kapag pinagaling N'ya ang taong iyon ay may possibility na lumayo pa sa kanya ..
Tandaan mo ..
This world is not our home ..
Kaya pahalagahan mo ang buhay mo pagkatapos ng kamatayan kaysa dito sa lupa na temporary lang."

".Oo nga tama ka, by the way nandito na tayo, bye Angel see you mamaya."

". Salamat sa paghatid Sander."
Nakangiting sabi ko rito saka lumabas ng kotse at sinarado ito ..

Hindi ako makapaniwala na believer na si Sander,
Mas lalo tuloy ako nahirapan na pumili sa kanila ..
Dahil inaamin ko na gusto ko sila pareho at ayaw ko na may isa sa kanila na lumayo sa akin ..

Ano ang dapat kung gawin?
Hindi naman pwede na pareho ko silang piliin?

.......
".Good bye class, see you tomorrow."

".Good bye teacher Angelica,"
Sabay sabay na bati ng mga estudyante ko saka kinuha ang bag at umuwi na ..
Ang bilis ng oras dahil alas singko na at kailangan ko na namang umuwi ..
Naalala ko na doon pala ako magdi dinner sa bahay ni Sander, medyo kinakabahan ako na ma meet personally ang mga magulang n'ya..
Hindi ko pa kasi sila na meet nu'ng nag stay ako sa Korea dahil palagi silang wala ...

True HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon