Chapter 22 (new girlfriend)

1 0 0
                                    

Jayson POV

".Congrats Angel."
masayang bati ko sa kanya
katatapos lamang ng pageant at kinoronahan s'ya bilang Ms Intramurals..

".Salamat Jayson."

".pwede ba kitang makausap mamaya na tayong dalawa lang?."

".Hindi ba pwedeng bukas nalang yan?, masyado na kasing  malalim ang gabi."
sabi nito

".Sandali lang naman Angel."

".Okay, sige, saan?."

".Talaga? salamat.."

".Doon nalang sa may kubo ng school."

".Sige, tara na.
medyo inaantok narin kasi ako."
Akma na sana kaming aalis, pero pinigilan kami ni Sander
".Saan kayo pupunta?."
tanong nito nang mapansin n'ya kami..

".Mag uusap lang muna kami in private Sander, ituloy mo nalang ang pag seselfie sa kanila."

".Tapos na kaming mag selfie Angel.. pwede ba akong sumama?."

". in private nga dude diba?, akala ko ba matalino ka.."
inis na sabi ko dito,
pa epal na naman,

".fine."
sabi nito bago tumalikod sa amin...

hinawakan ko ang kamay ni Angel at sumunod  naman ito sa akin
pagkarating namin sa kubo ay umupo kami doon,  tahimik lamang ito habang nakatingin sa akin, medyo madilim na ang lugar na iyon  at tanging ang liwanag lamang ng buwan at mga bituin ang nagbibigay liwanag sa amin pero kahit ganu'n ay nakikita ko parin ang kagandahan ni Angel na seryosong nakatingin sa akin...

".Ano ba ang gusto mong sabihin Jayson?
hindi pa ba malinaw na tapos na tayo."
humugot ako ng malalim na buntong hininga dahil hindi ko parin matanggap ang bagay na iyan..

".Angel, alam ko na mahal mo parin ako..
(sabi ko rito sa basag na boses, at hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko)

".kaya hindi ako susuko hanggat hindi tayo bumalik sa dati."
seryosong sabi ko  rito
hindi s'ya nagsalita at nakayuko lamang ito kaya nilapitan ko s'ya..
hinawakan ko ang kamay at mukha n'ya at pinahid ko ang luha sa mata n'ya..

".Angel, mahal kita...
at alam ko na hanggang ngayon ay mahal mo pa ako,
nararamdaman ko yun' sa puso ko, kaya sana patawarin mo na ako."
sabi ko rito sabay haplos ng mukha n'ya..

".Oo mahal parin kita Jayson,
kaya lang....."

".kaya lang ano.....?
may nagugustuhan kana bang iba?
Takang tanong ko. 
matagal s'ya bago nakasagot sa akin
na tila nag iisip s'ya.."

".Hindi sa ganu'n Jayson, ayaw ko munang pumasok sa relasyon sa ngayon..
gusto ko munang mag focus sa pag aaral ko, ayoko nang maulit ang pagkakamaling nagawa natin, I'm sorry!."

".Hindi na yun' mauulit, pangako ko yan sa'yo! bigyan mo lang ako ng 2nd chance, papatunayan ko sa'yo kung gaano kita kamahal, na kaya kitang ipaglaban sa pamilya ko, please Angel!."

".pag iisipan ko muna yan Jayson, please bigyan mo ako ng time."
tumango ako bilang pag sang ayon..

".Sige nirerespeto ko ang desisyon mo, hihintayin kita Angel...pangako yan!!!!."
sabi ko at niyakap ko s'ya, niyakap naman n'ya ako pabalik.......

".excuse me, sorry sa disturbo...
pero kailangan ko nang sunduin ang bestfriend ko kasi gabi na.."

hay.. nandito na naman ang panirang nursing student kasama ang kapatid kung pa epal..

".Sinong nagsabi sa'yo na nandito kami?."
inis na tanong ko..

".Si Sander ang nagsabi sa akin na kinuha mo si Angel, kaya naman hinanap namin kayo.."

True HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon