Chapter 4 (Financial struggle)

32 1 0
                                        

Linggo ng umaga at mga alas kwarto ng madaling araw ay nagising ako na napakasakit ng ulo, pero kahit ganoon ay pumunta parin ako ng school pagkatapos ng misa, habang nagkaklase ang aming guro ay iniinda ko ang sakit ng aking ulo, pero tiniis ko ito kahit para nang mabibiyak ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nito, kaya naman pagkatapos ng aming klase ay dumiretso ako ng drug store para bumili ng gamot dahil malapit lang naman ito sa pinagtatrabahuan ko,

Habang paakyat ako ng hagdan ay para akong mahihilo, dahil napakasakit talaga na tila parang pinupukpok talaga ito ng martilyo.
So uminom ako ng gamot at diretso higa, I pray to God na mawala na ito agad,
tapos naalala ko na wala nga pala dito si mama para alagaan ako, kaya bumangon ako at minasahe ko ang sarili ko para kahit paano ay maibsan ang sakit,

".Angel?."
tawag sakin ni ate Andy

".bakit po?." ani ko sabay tingin sa kanya na kakapasok lang ng kwarto..

".May bad news ako sa'yo, hindi muna makakapunta ang mama mo dito, dahil nasa ospital ang papa mo ngayon, inatake s'ya sa puso."

Nanlambot ang tuhod ko sa balita ni Ate Andy sa akin.
Hindi ko akalain na mauulit na naman...
naulit na naman ang bagay na kinatatakutan naming lahat..
I remember nung first time na nangyari ito, akala ko, hindi ko na makikita pa ang papa ko, dahil dineklara na raw s'yang patay ng doctor sabi ng kapatid ko, pero binigyan pa s'ya ng pangalawang buhay ng Diyos,
Labis talaga akong nagpapasalamat sa Diyos sa kanyang pabor sa amin,
subalit dahil sa katigasan ng ulo ni papa, nangyari ulit ito,
pangatlong beses na talaga ito, bakit hindi pa s'ya nadadala?
sinabihan na s'ya ng doctor na hindi s'ya pwe'deng uminom, pero ito na naman kami..

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang notebook at saka umiyak...
sobrang bigat ng dibdib ko at dagdag pa ang pagsakit ng ulo ko..
naisip ko si papa at nasambit ko ang salitang ito para sa kanya..

".Papa please lumaban ka,
bakit inatake ka naman?
Alam mo bang hindi pa kami nakaka move on nung unang atake mo?
Akala namin guguho na ang mundo namin kasi ayaw namin mawalan ng haligi ng tahanan.
4x kang inatake sa bahay, 4x nang isakay ka sa tricycle tapos another 3x nang nasa hospital kana, ang sabi ng doctor ay patay ka na daw, pero nagulat s'ya nang bigla kang huminga,
Na revive ka pa papa, sa buong mundo ay pangalawa ka sa naka survive sa heart attack,
Ang saya namin nun dahil dininig ng Diyos ang dasal naming lahat..
Sobrang saya ko papa..
Halos tumalon ako sa tuwa sa pasasalamat sa Diyos
Pero makalipas ang sumunod na taon ay inatake ka na naman, nasa school ako nun nung biglang tumawag Si Jane at ibinalita ang nangyari sa'yo, nanlambot ang mga tuhod ko na para akong nawalan ng lakas,
Pero hindi ako tumigil sa pagdarasal at iniyak ko sa Diyos lahat ng sakit.
Kahit sobrang problema tayo nun financially,
Yung tipong halos nahihiya na akong pumasok ng school kasi ang dami kong utang at malapit na naman ang exam.
Pero hindi ako sumuko, magpakatatag lang tayo hanggang sa huli,
magpakatatag ka lang papa,
Kahit ang totoo nahihirapan na ako!!!
Ang sarap nang sumuko!!!!
Pagod na pagod na akong maging working student, pero kahit ganun pinipilit kong kayanin para sa'yo, kasi gusto ko na maging proud ka sakin,
Gusto ko na sa araw na tatanggapin ko ang diploma ko andyan ka!!!!
kayong dalawa ni mama, kaya please papa gumising kana!!!!!
at please wag ka nang uminom, alam mo ba na sa tuwing nalalasing ka grabe ang kaba namin? natatakot kami na baka hindi kana magising, please papa kung nahihirapan ka kaya ka umiinom, kami rin naman eh, pero lumalaban kami para sa'yo!!!! sana naman ganoon ka rin para sa amin!!!!!
mahal na mahal kita papa kaya please lumaban ka
Umiyak ako ng umiyak habang sinasabi ito..
sobrang bigat ng nararamdaman ko at sobrang sakit na ng ulo ko, pero kailangan kong lumaban dahil may pangarap ako.

....................
Ang hirap ng linggong ito dahil mas lalo pang tumindi ang trabaho ko rito, dahil wala si  mama na sumasalo ng trabaho kapag nahihirapan na ako, ngunit kahit nakakapagod ay tiniis ko ito lahat, mabuti at andyan ang Diyos na pinapalakas ang loob ko sa pamamagitan ng kanta na pang christian sa tuwing nahihirapan ako.

True HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon