Violet POV
".Violet, halika na, malalate na tayo sa airport."
madali ni Angel sa akin, kasalukuyan akong nasa CR at naghihintay naman sila sa akin sa labas...
".Mas okay nga yun para hindi s'ya matuloy eh."
".sus, ang isang to oh, gusto ko rin naman na hindi s'ya matuloy.. pero importante ang pupuntahan n'ya doon, kaya dalian mo na d'yan, dahil kanina pa s'ya naghihintay sa atin." sabi nito kaya lumabas narin ako hanggang sa makasakay na kami ng kotse ni Sander.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating narin kami sa airport
tumingin kami sa kanya at nakita ko na tila naiiyak s'ya kaya ganoon narin ako..
hindi ko akalain na aalis na sa araw na ito si Sander, kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap s'ya ng mahigpit..
".Paalam sa'yo Violet, sana ay mahanap mo ang totoo mong ina.".
umiiyak na sabi nito sa akin..
".Salamat Sander, mamimiss kita." wika ko rito at nakita ko rin na umiyak rin si Angel kaya kumalas na ako kay Sander at niyakap s'ya. Niyakap rin naman ito ni Sander.
".Paalam Angel, sana magkita pa tayo." umiiyak na sabi nito habang mahigpit na nakayakap sa kanya..
".magkikita pa tayo, pangako yan." sagot naman ni Angel sabay pahid ng luha ni Sander.
Nakaramdam ako ng inggit sa kanila dahil ang lapit ng mukha nila sa isa't isa..
".Sana magkita pa tayong tatlo at makasabay kumain, salamat sa mga araw na masaya tayong nagtatawanan at sa mga problemang sabay nating nasolusyon, hindi ko kayo makakalimutan Angel, mahal na mahal kita, seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ni Angel.
".sus, ang drama n'yo naman, sabi ko sa kanila mula sa likuran kaya napatingin sila sa akin..
".pasali naman d'yan." sabi ko kaya niyakap rin ako ni Sander at nagyakap kaming tatlo,
".hindi ko kayo makakalimutan guys, i love the both of you!."
huling sabi nito bago sumakay at kumaway ito sa amin..
kumaway rin kami sa kanya habang patuloy na umaagos ang luha..
Kahit masakit man ay kailangan na naming magpaalam sa isa't isa at kailangan ko itong tanggapin at harapin dahil sa mundo ito ay wala talagang forever, kahit pa sa friendship..
".So paano.. goodluck sa board exam n'yo Angel.."
".sa'yo din Violet, mag iingat ka! matagal na naman tayo magkikita dahil magiging abala na tayo sa ating kanya kanyang buhay."
".hmm pwede pa naman eh tuwing linggo, so see you nalang sa sunday."
".Sige, paalam Violet..
......................................
Sa loob ng tatlong buwan ay naging abala ako sa pagre-review dahil sa aming nalalapit na Nursing Licensure Exam, at umaasa ako na makapasa sa unang pag take lang.
Sa araw ng aking exam ay hindi ko mapigilang paghariin ang kaba sa puso ko, sana ay mapasa ko ito dahil gusto ko na kapag nagkita na kami ng totoo kung ina ay maging proud s'ya sa akin,
Sa unang take ko ay hindi ako nakapasa, pero hindi ako sumuko, mabuti at nakapag extra ako at nakapasok sa isang private hospital kaya doon muna ako nagtrabaho bilang nurse aid sa Howard Hospital para maka ipon, at makalipas ng isang taon ay nag re take ulit ako para sa pangalawang pagkakataon,
laking pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi na ako nabigo,
Nakapasa ako kahit nasa pinaka huli ang pangalan ko, kaya dahil doon ay isa na akong registered nurse kaya tumaas ang sweldo ko dahil naging nurse na nga ako sa hospital na pinagtatrabahuan ko.
kaya naman sinimulan ko na kaagad ang pinaka una kung balak,
ito ay ang hanapin ang totoo kung ina.
...........................
".Magandang umaga po sister Marie." bati ko rito..
Araw ng linggo at nag desisyon kami ni Angel na puntahan s'ya sa bahay ampunan na kinalakihan ko.
BINABASA MO ANG
True Happiness
DuchoweAkala ko kapag nakamit ko na ang pinapangarap ko ay magiging masaya na ako, pero hindi pa pala, akala ko kapag nagkaroon na ako ng maraming pera ay kumpleto na ako, pero hindi pa pala, saan nga ba ito nagtatago? bakit ba kay hirap punan ang uhaw na...
