Sander POV
Halos mabingi na ako sa ingay ng sigawan, at hindi mapaglagyan ang saya ko sa kabila ng pawis at pagod, dahil nagbunga rin ang aming pinaghirapan sa training..
".Whoa!!! champion tayo!!! ang galing mo pare."
masayang sabi ni Garry habang buhat nila ako..".Oo nga, ang galing ng team work natin."
sabi ko sa kanila dahil kung hindi dahil sa team work namin ay hindi kami magiging champion.
dinala nila ako sa gilid at saka binaba, nakita ko ang coach namin na nakatayo habang malapad na nakangiti sa akin.".It's too close Sander, buti naipasok mo ang panghuling tira.
ani nito sabay tapik sa balikat ko at kinamayan ako..".Oo nga coach, salamat sa pagtuturo n'yo."
".Keep up the good work, malayo ang mararating mo."
".Salamat coach."
".Red warriors, Red warriors, Red warriors,
paulit ulit na sigaw ng mga supporters namin, nakangiti ako habang nakatingin sa kanila dahil naramdaman ko sa laro palang ang mainit nilang suporta..".Congrats Sander, You made it." napatingin ako sa likod para malaman kung sino ang nagsalita..
".Angel?." nagulat ako kasi ito ang unang pagkakataon na binati n'ya ako..
tumango ito at napangiti ako dahil nakita ko sa kinang ng mata n'ya na masaya s'ya para sa akin..".Congrats Sander," bati ni Violet at bigla akong niyakap, nagulat ako sa ginawa n'ya at niyakap ko nalang rin ito pabalik, pagkatapos ay binigyan n'ya pa ako ng bottled water na tinanggap ko naman
".Wow, ang sweet huh? gf ka?." ani ng isang babae na hindi ko kilala.
".Bakit? hindi porket hindi gf bawal yumakap?."
".Ikaw talaga Violet," ani ni Angel na naiiling..
".Oh sige, doon muna kayo, mamaya na tayo mag usap, salamat ulit."
sabi ko kaya umalis na sila..".Dahil tayo ang naging champion ngayon, i te treat ko kayong lahat so let's go, get in your car at sumunod kayo sa akin."
masayang announce sa amin ng coach kaya sinundan namin s'ya..".Hey Sander, may sasakyan ka diba? pwede pasabay nalang?."
".Sure dude." sabi ko rito kaya pumunta na kami sa kotse, akma na sana akong papasok nang biglang may tumapik sa balikat ko, napalingon ako at si kuya pala iyon.
".Ah oo nga pala, sa'yo nga pala to'," sabi ko rito
".Congrats bro, dahil d'yan sayo na ang kotse ko."
seryosong sabi nito".Talaga kuya?, salamat."
masayang sabi ko at tinapik ko ang balikat n'ya at kinamayan ko s'ya..".pero meron sana akong paki usap sa'yo.".
".Ano yun." tanong ko rito at nakita ko ang lungkot sa mata n'ya..
bumuntong hininga s'ya at emosyonal ito na nagsalita..
".kung pwede sana, wag mo s'yang liligawan,
iba nalang ang gustuhin mo."
nakayukong sabi nito saka umalis.nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil naramdaman ko ang pagsisi n'ya at pagmamahal n'ya kay Angel,
kaya naman..
pag iisipan ko ng mabuti ang sinabi n'ya...".Kuya mo ba yun dude?."
".Oo, sakay na." sagot ko rito at sumakay ng kotse, sinundan ko ang deriksyon ng sasakyan ni coach at ng mga ka team ko..
".Mukhang pareho kayo ng nagugustuhan ng kuya mo ah,
ang complicated n'yan dude."".Oo alam ko."
sagot ko rito na hindi tumitingin sa kanya, hindi ko alam kung kaya ko bang sundin ang sinabi ni kuya..
makalipas ang ilang minutong byahe ay nakarating narin kami sa isang magandang restaurant na may malawak na dining table.
BINABASA MO ANG
True Happiness
EspiritualAkala ko kapag nakamit ko na ang pinapangarap ko ay magiging masaya na ako, pero hindi pa pala, akala ko kapag nagkaroon na ako ng maraming pera ay kumpleto na ako, pero hindi pa pala, saan nga ba ito nagtatago? bakit ba kay hirap punan ang uhaw na...