Chapter 28(new friends)

2 0 0
                                        

Angel POV

Mahigit isang buwan narin ang nakakalipas noong huling tawagan ako ni Sander
marahil ay nagalit s'ya sa akin dahil simula nun ay hindi na s'ya nag cha chat pa sa akin.
namimiss ko na talaga s'ya, kaya lang nahihiya naman ako sa kanya..
kahit nga kay Violet ay madalang nalang ako mag chat, kahit pa s'ya naman ang nauunang mag message sa akin, pagkatapos ay kinukwento n'ya pa sa akin ang pagkakamabutihan nila ni Sander, kaya naman labis na nasasaktan talaga ako
pero anong magagawa ko? pinili ko ito kaya kailangan ko itong tiisin..

".Hai Ma'am Angel." nakangiting bati ng co teacher ko na si Mark, matangkad ito at gwapo, moreno ang kulay nito, matangos ang ilong at manipis ang labi, kapapasok lamang nito sa faculty room at agad na lumapit ito sa table ko..

".Hello sir Mark, katatapos lang ba ng klase mo?."

".Oo, kumain kana ba? dinalhan nga pala kita ng burger, galing kasi ako ng canteen kaya binilhan narin kita." sabi nito sabay abot sa akin ng hawak n'ya

".Salamat sir." nakangiting sabi ko at inabot ko naman nito, inilagay n'ya rin sa table ko ang binili n'yang drinks, kahit bago palang ito rito ay nagpakita na kaagad ito ng kabaitan sa akin..

".May gagawin kaba mamayang hapon after class?" sabi nito sabay upo sa harap ko

".Wala naman, bakit?."

".May fellowship kasi kami mamaya eh, baka gusto mong sumama."

".fellowship? ano yun? sorry ngayon ko lang narinig ang salitang iyan."

".hmm pagtitipon ito ng mga tao na gusto pang makilala ang Diyos."

".Ah ganun ba, sige." nakangiting sabi ko rito, sa totoo lang ay ang interesado ako sa Diyos, kaya naman gusto kung sumama.

..........................
".Nandito na tayo ma'am Angel."
Wika ni Mark at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse nito..

".Salamat sir Mark, Angel nalang ang itawag mo sa akin kapag wala tayo sa school." sabi ko sabay labas ng kotse n'ya

".Sige, Mark nalang din ang itawag mo sa akin."
nakangiting sabi nito at lumakad na papasok sa loob, sumunod naman ako sa kanya papasok sa loob sa hindi kalakihang simbahan..

Nilibot ko ang tingin ko sa simbahan nila, ngayon palang ako nakapasok sa ganitong simbahan, napansin ko na may mga naka-display na mga musical instrument sa harap at kumpleto pa ito sa kagamitan, mayroon ding malaking krus pero wala itong imahe ng Panginoon..

".Anong klaseng simbahan ba ito? pasensya kana huh? ngayon pa kasi ako nakapasok dito eh."

".Okay lang, isa itong evangelical church at kung napansin mo ang pangalan sa harap ay nandito tayo sa new fellowship assembly of God church."

".Ah ganun ba, kung ganun ibang sekta pala itong napasok ko, may mga naririnig na ako dati pa tungkol sa tinatawag nilang born again, ito ba yun? ."

".Oo pero born again is not a religion, it is life change by God."
paliwanag nito..

".Ganun ba." sabi ko nalang dito at hindi na ako nagtanong..
Sa totoo lang ay hindi ko s'ya maintidihan, kaya parang gusto ko tuloy lumabas dito at mag walk out, pero nakakahiya naman dahil co teacher ko s'ya..

".Halika, ipapakilala kita sa mga brothers and sisters natin, sabi nito at hinawakan ang braso ko, ginabayan n'ya ako papunta sa nagkukumpulang tao.

Nagulat ako nang isang pamilyar na mukha ang nakita ko...

".Jayson?." gulat na tanong ko rito..
nagulat din s'ya nang makita ako hanggang sa nagsalita s'ya..

".Angel? ikaw ba yan? ." gulat na tanong n'ya sa akin at halos hindi ako makapagsalita nang marinig ko yun..

True HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon