Alexander POV
(Unexpected miracle)
Hindi ko mapigilan ang bigat ng nararamdaman ko habang nagbabyahe kami papunta ng Amerika kasama ang kapatid ko,
Naalala ko na naman si Lolo, naalala ko ang panahon na pinagtatanggol n'ya ako,
Mas naging magulang pa sya sa amin kaysa sa mismong mama at papa ko kaya naman ay mas close ako sa kanya.
Hindi ko kaya na mawala s'ya, Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko habang nakatingin sa labas ng eroplano.Lord? God? o Jesus?
Kung ano man ang tawag sa'yo hindi ko alam..
Alam ko na malaki ang kasalanan ko sayo dahil hindi ako naniwala.
Pero..
Wala na kasi akong ibang malalapitan pa .
Sorry kung ang tigas ng puso ko pero sana..
Pagbigyan mo ang hiling ko..
Bigyan mo pa sana kami ng panahon ng lolo ko oh please..
Gusto ko pa s'yang makasama ng matagal...
Umiiyak na sabi ko sa kanya sa isip ko..
Sana narinig n'ya ako..".Ayos lang yan bro , wag kana umiyak.. magiging maayos ang kalagayan ni lolo."
Sabi nito habang hinihimas ang likod ko..
Kahit galit ako sa kuya ko na'to pero kuya ko parin s'ya at s'ya lamang ang karamay ko sa situwasyon ko na ito ngayon..
Tumango na lamang ako sa kanya saka nilipat uli ang tingin sa bintana..Makalipas ang ilang oras ng byahe ay nakarating narin kami..
Agad na dumiretso kami ng hospital at hinanap ko sina tito Liam..
Nakita ko ito na nakaupo sa gilid ng ICU kasama ang anak n'ya ..
Agad namin s'yang nilapitan at tumayo ito saka niyakap kami..
Kinamayan ko naman ang anak n'ya na bahagyang nakangiti.". How is he uncle?."
".not good, the doctor revive him few hours ago and he said that he is dead already for 1 minutes..
But suddenly his breath come back and they can't believe that, they said, it's a miracle and now his condition is stable."".wow praise God."
Masayang sabi ni Jayson kaya napangiti naman ako dahil doon..". salamat Lord." Nasambit ko sa isip ko..
Totoo nga s'ya....".take a seat, let's visit him later."
Tumango ako at umupo na kami...Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang doctor at sinabi na gising na raw ang pasyente at pwede nang puntahan sa loob.
Tumango kami saka sinuot ang hospital gown at mask saka pumasok sa loob.Nakita ko na nakadilat ng bahagya ang mata ni lolo kaya nilapitan ko ito saka hinawakan ang kamay n'ya..
".grandpa? Are you okay now? I am so worried."
Emosyonal na wika ko sa kanya .
Tumingin s'ya sa akin saka ngumiti.". Sander, my grandson."
Sambit nito kahit nahihirapan s'yang magsalita ay nakita ko na sumilay ang ngiti sa labi n'ya..".grandpa, I am also here."
Wika naman ni Jayson sa kanya sabay hawak sa noo nito..". Jayson, glad your also here."
".yes, grandpa, I am here, so get well soon okay, we will still have our bonding together."
Nakangiting sabi ng kuya ko saka hinalikan s'ya sa noo..".we love you grandpa, be well."
Naiyak na sabi ko sabay halik sa kamay n'ya..".yeah, I will be okay, don't worry about me."
Sabi nito saka bahagyang pumikit ..".we will wait for you grandpa, take your rest."
Sabi ko rito saka tumayo na ..
Lumabas kami ng ICU at hinayaan muna ito na matulog..
Lumipas ang isang linggo na pananatili namin sa hospital ay unti unting nang bumabalik ang lakas ng lolo pero mahina pa ang tuhod n'ya kaya sinakay namin s'ya sa wheelchair.
Kahit ganun ay hindi mapaglagyan ang saya sa puso ko dahil nakakausap na namin s'ya ng maayos tulad ng dati..
BINABASA MO ANG
True Happiness
SpiritualAkala ko kapag nakamit ko na ang pinapangarap ko ay magiging masaya na ako, pero hindi pa pala, akala ko kapag nagkaroon na ako ng maraming pera ay kumpleto na ako, pero hindi pa pala, saan nga ba ito nagtatago? bakit ba kay hirap punan ang uhaw na...