8 - Pierre

167 5 0
                                    

Tita Ellaine:

He's wearing white button-down short sleeves, black pants, white sneakers. He also has specs and he is carrying many big books. Please be patient with him he's kinda shy and clumsy.


Napabuntong hininga ako nang mabasa ang text ni Tita Ellaine. Ngayon ang araw na papasok ako sa school bilang parusa.

Astrid:

And his name?

All I have to do is to be patient, good, and be him for one to two months.


Tahimik ang lahat nang makita nilang naglalakad ako sa hallway. May morning ceremony everyday at late ako sa first day ko. Lahat ng estudyante ay nandito para sa morning ceremony.


Biglang nahawi ang daan ng makita nila ako. Naramdaman kong pinapanood nila ang paglakad ko sa gitna.


Umakyat ako sa stage at kinuha ang mic.


"I'm looking for someone. He's wearing white button-down short sleeves, black pants, white sneakers" saad ko at agad na naguluhan ang mga tao


"If you're not wearing the things that I mentioned, then, leave" saad ko at agad silang umalis.


Napataas ang kilay ko at may nakita akong fifteen na lalaki na ganon ang kulay ng damit pero iba iba ang design. Wash day ngayon kaya hindi nakauniform ang mga estudyante.



Tinignan ko isa isa at nakita kong may walong lalaki ang may specs.



"You" turo ko sa lalaki na may hawak na libro. Agad syang nanginig at naglakad sa harap.


"B-bakit ho mahal na P-prinsesa?" tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.


"You're coming with me" saad ko at napatingin ako sa phone at nakita ang text ni Tita.  


Tita Ellaine:

Pierre. Pierre Arcker


"Stop!" saad ko at huminto sila sa paglalakad.


"Who's Pierre Acker?" may tumaas ng kamay.  


Tinignan ko ang lalaking nagtaas ng kamay mula ulo hanggang paa.


"Come here and the rest can leave" naguluhan sya sa sinabi ko. Nakita ko pang inabot sa kanya nung unang lalaking tinawag ko sa mga libro sa kanya at may binulong.


Agad agad namang lumapit sakin ang lalaki at ngayon ko lang nakita ang moreno nyang kutis. Medyo malaki rin sa kanya ang damit nya at parang hindi magkanda-ugaga lalo na nung lumapit sya sakin.


"B-bakit ho mahal na P-prinsesa?" napataas ang kilay ko ng marinig ang boses nya. Normal ba sa kanya ang pagiging tutal o natakot lang sya sa presensya ko?


"What's your room number, year, section and course?" masungit kong tanong at agad naman nyang nilabas yung phone nya. Napairap ako nang mahulog yung mga librong hawak nya sa pagkataranta.


Kinuha nya muna yung mga libro bago nya binigay sakin ang phone nya.


Room 2, Citizen group A, 4th year, Computer Engineer.


Inabot ko ang phone nya at bored syang tinignan.


"You're going to be with me for a month or two. What a great opportunity" sarkastikong saad ko at nilagpasan sya.


"I didn't asked for that opportunity" napakunot ang noo ko at nilingon sya.


"Are you saying something?" masungit kong tanong dahil hindi ko gaanong narinig ang sinabi nya.


Lucresia: We All LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon