For @devilbush01 here's the next chap🥰
.....
"First time natalo ni Hiraya! Magpapa- inom ako!!!" sinamaan ko ng tingin si Hendrix at tinawanan nya lang ako.
Kanina nya pa ako inaasar at sinasamaan ko lang sya ng tingin dahil iniisip ko parin yung nangyari kanina. Hindi yung natalo ako, kundi yung lalaki kanina.
Inalala ko rin kung paano nya ako natalo gamit ang bilis ng galaw nya. Kahit sya, hindi ko masabayan? Hindi ko rin magaya ang bilis nya.
"Bakit? Baka naman yung leader ng Wolves ang nakalaban? Kung sya nga, nako! Kahit pagsama samahin pa tayong minus si boss at Hiraya syempre, panalo 'yon!" sinamaan ko ng tingin si Kio, yung isa pa nilang kagrupo.
"Ang matindi rito, hindi yung leader. Kundi si Gray!" excited na kwento ni Hendrix.
"Si Gray? E malupit din 'yun e. Buti hinayaan kang makuha yung isang suitcase?" saad ni Tyler, kagrupo rin.
I heard of Gray but I didn't know that he's good.
"Wolves have man in their group?" tumango si Hendrix.
"Special cases pero alam ko kahit yung underlings nila ay babae. Iba yung kaso kay Gray, hindi ko rin alam kung may iba pa silang lalaki sa grupo pero si Gray pa lang yung nakikita ko sa kanila" tumango ako at ngumisi sya.
"Ibabalita ko na kay boss na natalo ka ni Gray!" natatawang saad nya at inasar asar pa ako.
"Stop your nonsense, okay?" saad ko at naglakad papunta sa laboratory nila.
Pinanood ko yung mga scientist nila na nageexperiment ng kung ano anong mga gamot at mga gadgets.
"Oh. Baka masama loob mo e" tinignan ko yung isang bote na vodka na inabot ni Hendrix. Kinuha ko iyon at ininom sa bote mismo.
"Mukhang hindi ka badtrip sa pagkatalo mo pero mukhang malalim ang iniisip mo?" tinanguan ko lang si Hendrix.
"There's something about Wolves that I don't know what it is. That Gray is different. I can't keep up with his speed and I can't see what his next move is. He just vanish in the thin air. Also, when I tried to find him, I saw a familiar thing" saad ko at inabot sa kanya ang candy wrapper.
"Anong familiar dito? E kilalang kilala 'to dito sa Knestiana" napataas ang kilay ko sa sinabi nya.
Hindi ko nalang sya pinansin at uminom nalang.
"Pero mag iingat ka sa susunod na pagkikita nyo ni Gray. Hinayaan nyang makuha mo ang isang suitcase kaya siguradong babawi 'yon sa susunod" umiling ako.
"I know but the next time we see each other, I'll win the mission" tumawa sya at tinapik tapik ang balikat ko.
"Yan ang Hiraya na kilala ko!"
...
"Astrid! Astrid tara na! Anong oras na oh" napamulat ako at napahawak agad sa ulo nang makaramdam ng sakit.
"Yan! Hangover ka tuloy" inabutan nya ako ng gamot at agad kong kinuha.
"Ingat naman" inalalayan nya ako nang muntik na akong sumubsob sa sahig dahil nahihilo pa ako pero kailangan ko nang kumilos.
Kumuha ako ng damit sa maleta at naligo na. Nagising ako sa lamig ng tubig pero gusto ko parin matulog.
Naligo ako at nagsuot ng red oversized hoodie. Nagcycling nalang ako dahil abot ng taas ng tuhod ang haba no'n. Nagboots din ako at nag-ayos saka kinuha ang sunglasses.
BINABASA MO ANG
Lucresia: We All Lie
General FictionRepublished: February 9, 2022 | January 18, 2024 End: March 18, 2022 Taglish Story of Astrid and Pierre. Astrid, the meanest and rudest Princess who loves privileges and authority but don't want to be outweigh by others. While Pierre, the kinda n...