happy mondaaay!
....
Third Person's POV
"Salamat, Axis at pakisabi kay Autumn, salamat din" saad ni Atlas habang kausap sa telepono si Axis.
["Uy grabe! Flattered ako! Autumn! Nagpasalamat sakin si Atlas!"] masayang saad ni Axis at tumatawa pa.
["Pero walang anuman 'yon! Ano ba naman yung tulungan ko ang Prinsesa ng bansa kung saan ako galing 'di ba? Tsaka si Autumn, tumulong lang 'yon dahil kay G-- Oo na! Eto na nga... Una na ko, Atlas"] saad nya at nagpaalam na.
"Send them a gift from us. Free foods at Forest for a month, all foods" utos ni Atlas sa isa nyang tauhan at naglabas ng itim na card.
"Also, give them a box full of ten minutes medicine and ten boxes of weapons each group. Then, give them a submarine and a bulletproof helicopter each group" dagdag nya at agad na tumango ang tauhan saka nagpaalam.
Gabi na at ang grupo nya ang nagbabantay sa palasyo para siguradong walang mangyayaring masama sa Royal Family.
Naglalakad sya sa hallway papunta sa kwarto ni Astrid nang nakasalubong nya ang isang lalaking kakarating lang at nagtatanggal ng maskara. Napahinto ang lalaki nang makita sya.
"Atlas" bati sa kanya at tumango lang si Atlas.
"She'll be alright" saad ni Atlas sa lalaki at tumango siya saka umalis.
Hindi na pumunta sa kwarto ni Astrid si Atlas at dumiretsyo na sya sa isang kwarto na ibinigay para sa grupo nya.
"Atlas, napabagsak na rin ng Wolves ang branch Zagreus sa Melistia" may inabot na Ipad si Kio kay Atlas.
"Thirty minutes lang ang pagitan ng pagsabog ng branch nila sa Knestiana at Philippines" tinignan ni Atlas ang mga nakuhang video ng pagsabog mula sa iba't ibang bansa.
"Boss, napabagsak na rin ang branch nila sa Autumn" dumating si Hendrix kaya sinwipe ni Atlas ang Ipad pa left at nakita nya ang pagsabog ng branch sa Autumn.
Lumabas din sa balita ang sunod sunod na pagpapasabog ng mga kilalang building at establishment sa iba't ibang bansa.
"Kahit hindi nila forte yung mabilis na aksyon, ang bilis at pulido talaga gumalaw ng mga Wolves" saad ni Jiro at umiling si Atlas saka zinoom-in yung isang video ng pag-atake.
"Hindi Wolves ang gumalaw" napakunot ang noo nila sa sinabi ni Atlas kaya pinakita ni Atlas ang video ng isang lalaking sumusugod mag-isa sa pugad ng Zagreus.
"Sya ang nagpasabog ng mga branch ng Zagreus?!" gulat nilang saad at tumango si Atlas.
"Halimaw pala 'yang si Gray!"
.....
Astrid's POV
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakaramdam ako ng hilo.
"Ash? Ash! Doktor! Doktor!" narinig kong nagsisigawan sila na tawagin ang doctor pero hindi ko magalaw ang katawan ko. Ang bigat ng pakiramdam ko at parang may nakadag-an sakin na mabigat.
"Love! May masakit ba? Saan!?" tinignan ko si Pierre na mula sa blur at unti unting luminaw kaya napangiti ako.
Inilibot ko rin ang mga mata ko at nakita kong nasa kwarto ako. May dumating na doctor at agad na chineck ang vital signs ko.
"Sundan nyo ho ang daliri ko" sinundan ko ang daliri nya at may inutos sa mga nurse pero nawalan ulit ako ng malay at pag gising ko ay umaga na.
BINABASA MO ANG
Lucresia: We All Lie
General FictionRepublished: February 9, 2022 | January 18, 2024 End: March 18, 2022 Taglish Story of Astrid and Pierre. Astrid, the meanest and rudest Princess who loves privileges and authority but don't want to be outweigh by others. While Pierre, the kinda n...