Nalate akong nagising at 2 pm na kaya late na late na ako sa klase. Wala si lola kaya hindi nya alam na late ako papasok.
Tinatamad akong pumasok sa banyo para maligo at gawin ang mga routine ko. Pagkatapos ay nagsuot ako ng white round cropped racerback top, red side button track pants. Nagsuot ako ng white sneakers saka nilagay sa tote bag ang mga gamit.
"Hey, where's my arrow and bow?" tanong ko kay Hunter.
["Nasa laboratory pa, akala ko di mo kailangan. Ipapadala ko nalang sayo"] tumango nalang ako at kumuha ng isang set ng arrow at bow sa archery room saka lumabas ng palasyo.
Nagdrive thru ako sa Starbucks at umorder ng hot caramel macchiato saka nagdrive papunta sa school.
PE ngayon kaya ang mga estudyante ay nakajogging pants. Naglakad ako papunta sa soccer field dahil soccer ang PE namin ngayon pero may klase ako ng archery sa field din.
Nakasabit sa kanang balikat ko ang tote bag at ang bag ng arrow at bow habang hawak hawak ng kaliwa kong kamay ang kape.
Umupo ako sa isang bench habang nakasuot ang sunglasses at pinapanood ang mga kaklase ko na maglaro.
Napunta ang atensyon ko ng makita si Pierre na sinisipa ang bola papunta sa kanya. Nakawhite joggers at gray shirt sya na nakatuck in.
Pinanood ko lang sya na bullyhin ng mga taga ibang section. Napansin kong may pasa na sya sa pisngi. Wala yung mga coach at professor dahil may meeting sila.
Napahiga si Pierre sa lupa nang sipain sya tiyan. Napailing nalang ako at ibinaba ang kape sa upuan saka nilabas ang arrow at bow.
Pinupwesto ko ang angle ng arrow at bow. Nakita kong sisipain na ang bola papunta kay Pierre kaya agad kong pinakawalan ang arrow at tumagos iyon sa bola kaya nabutas at hindi tumama kay Pierre.
Tinaas ko ang sunglasses at kumaway sa mga lalaking nambubully kaya agad silang tumakbo paalis. Napailing nalang ako nang makita si Pierre. He shouldn't let them bully him.
Hindi ko na sya pinansin at lumapit na sa coach ko nakakarating lang.
"Pierre!" napahinto ako sa paglalakad nang may lumapit kay Pierre na babae.
Napataas ang kilay ko at nakita ko yung babaeng binubully sa Quire University kahapon. Hindi ko nalang sila pinansin at pumunta na sa part kung saan ako magttraining.
"P-pwede ho kayong lumaban sa iba't ibang bansa mahal na Prinsesa" saad ng coach ko rito sa archery. Tumango lang ako at nilagay na sa bag ang mga gamit dahil may klase pa ako.
Nilagay ko ang mga gamit ko sa kwarto ko sa loob ng school. Yes. Nagpagawa ako para sakin.
Dumiretsyo agad ako sa subject ko na puro coding. Nakita kong nagsisimula na magturo ang professor at yumuko sya nang makita ako kaya nagsilingunan ang mga kaklase ko.
Hindi ko sya pinansin at umupo sa upuan ko. Nakita ko naman si Pierre na nagsusulat nanaman ng mga notes.
Tinignan ko ang codes na nasa tv at yumuko nalang para matulog dahil alam ko naman kung paano 'yon.
Napalingon ako nang marinig na bumuntong hininga si Pierre. Kitang kita ko ang sugat sa mukha nya at nakita ko rin ang gulat nya nang makitang nakatingin ako sa kanya.
"N-naistorbo ba k-kita?" umiling lang ako at kinuha ang notebook nya saka sinulat ang sagot.
"It's just a four nine code. If you put the number, make sure that the answer will be nine" saad ko at tinuro kung paano iyon gawin.
BINABASA MO ANG
Lucresia: We All Lie
Fiksi UmumRepublished: February 9, 2022 | January 18, 2024 End: March 18, 2022 Taglish Story of Astrid and Pierre. Astrid, the meanest and rudest Princess who loves privileges and authority but don't want to be outweigh by others. While Pierre, the kinda n...