02-15-22. Dahil Top 10 tayo sa Kathryn category, new UD!🎉
....
Third Person's POV
"Break! Break!" sigaw ni Hendrix habang nakataas ang dalawang kamay sa ere.
"Another round" saad ni Astrid pero agad na umiling si Hendrix.
"Pagod na ko, Ash! Pahinga naman tayo!" napairap nalang si Astrid at hinagis ang espada sa lupa saka humiga sa damuhan.
"Marumi dyan" tumango lang sya at tinignan ang ulap sa langit.
"Hindi ko alam kung bakit ako yung pinapunta rito ni boss para makipagensayo sayo, e magkasing galing kayo no'n e!" napairap si Astrid at tinignan si Hendrix.
"First, the fist-fighter of your group is scared of me. Second, your boss is too much better than me. Lastly, you and your boss is my only close friend there" saad nya at napangisi si Hendrix.
"Humble mo naman, Ash, pero totoo yung halos magkasing-galing na kayo ni boss. Mas magaling ka nga kay Jiro e tsaka sana all close" napailing nalang si Astrid.
Tahimik lang sila habang nagpapahinga at nilalanghap ang sariwang hangin.
"Wala ka bang balak umuwi ng palasyo? Walang uwi uwi porket na busted?" agad na umupo si Astrid at sinamaan sya ng tingin.
"Oy! Joke lang!" pangbabawi agad ni Hendrix sa sinabi nya.
"You better shut your mouth up" saad ni Astrid at tumayo na saka naglakad papasok ng isang rest house.
Isang buwan na syang hindi umuuwi ng palasyo at ang sabi nya ay magbabakasyon sya kasama si Hendrix. Kilala ng Hari si Hendrix kaya hinayaan nya lang si Astrid.
Dahil sa nangyari ay pinilit ni Astrid na ibalik ang kanyang ugali kagaya ng gusto ni Pierre. Ginugol nya rin ang mga araw nya sa pageensayo o paggawa ng kung ano anong gadgets at paghahanap sa second hand ni Aristea kasama si Hendrix para makalimutan ang pangrereject sa kanya ni Pierre.
"Di ka pa tapos?" akala ni Hendrix ay tapos na sila pero lumabas si Astrid dala dala ang bag na may lamang bow at arrow gamit ang isang kamay.
"A-aray!" napaupo si Hendrix sa lupa ng ibato sa kanya ni Astrid ang bag na may lamang mga arrow.
"A-ang bigat!" malakas na inalis ni Hendrix ang bag sa tiyan nya dahil muntik na syang hindi makahinga.
"Ano ba 'tong mga arrow mo? Tangke?" nagkibit balikat lang si Astrid at binuksan ang bag saka nilabas ang paborito nyang bow at arrow.
"5 kilos?!" gulat na saad ni Hendrix ng makita ang bigat ng arrows nya. Tinignan pa nya kung gaano kabigat ang ibang mga arrows.
"Careful" saad ni Astrid ng muntik nang mahawakan ni Hendrix ang dulo ng arrow.
"One kilo ang pinakamagaan?!" gulat na saad pa nya at hindi sya pinansin ni Astrid saka pumesto. Napailing nalang sya sa pagkamangha ng parang normal lang kay Astrid ang pagkuha ng isang piraso pero limang kilong arrow at natamaan ang gitna ng bilog.
Maninipis ang arrow na parang kasing gaan lang ng normal na arrow pero nasa loob ang bigat nito at kapag binuhat ay mabigat talaga. At ang tulis nito ay kasing tulis ng dulo ng espada.
"Grabe, parang nagbarbell na yung mga daliri mo nyan" pinanood nya lang na tamaan ni Astrid ang gitna ng bilog.
Nang mapagod ay pinakuha nya kay Hendrix ang mga arrow at pumasok na sa loob.
BINABASA MO ANG
Lucresia: We All Lie
General FictionRepublished: February 9, 2022 | January 18, 2024 End: March 18, 2022 Taglish Story of Astrid and Pierre. Astrid, the meanest and rudest Princess who loves privileges and authority but don't want to be outweigh by others. While Pierre, the kinda n...