Epilogue

190 7 3
                                    

Unedited.

Third Person's POV

Two weeks later....

"Atlas, wala ba tayong gagawin? Coronation na bukas!" inis na tanong ni Hendrix at umiling lang si Atlas.

"Alam din natin na plano ni Aristea na pasakayin ang Hari at ang Queen mother sa dark helicopter para mamatay! Isa pa! Nasa palasyo si Malcolm! Sya yung spy ni Aristea sa palasyo kaya mapapahamak talaga sila" dagdag pa ni Hendrix para kumbinsihin si Atlas.

Kilala ang dark helicopter na ito sa dark underground world. Kapag nasa ere na ito ay sasabog sya pagkatapos ng fifteen seconds.

"Hindi tayo pwedeng makialam sa kanila... nangako ako sa kanya at wala na siya... Wala na si Hiraya" mariing napapikit si Hendrix.

"Hindi ba mas gugustuhin ni Hiraya na hindi maging reyna yung babaeng 'yon?! Edi gumawa tayo ng paraan para hindi matigil ang coronation bukas... nang sa gayon ay hindi masayang yung pagkamatay nya!" inis na saad ni Hendrix at hindi ma pinigilan ang luha sa mga mata nya.

"Drix" agad namang pinakalma nina Jiro ang kaibigan nila pero hindi makalma si Hendrix.

"Dalawang linggo na nang binurol ng pamilya nya si Hiraya. Sinabihan din tayo ni Ms. X na huwag makialam kaya wala na tayong magagawa kundi--" inis na kinuwelyohan ni Hendrix si Atlas.

"Wala kang pinagkaiba kay Aristea kung hindi mo sya ipaghihiganti! Kung ayaw nyong kumilos! Ako! Ako ang kikilos!" nanginginign nyang saad at marahas na binitawan ang kwelyo ni Atlas.

Pinipigilan nina Kio na lumabas si Hendrix ng kwarto pero napahinto sila nang tumikhim si Atlas.

"Do you think you can fight with Aristea? She has more underlings and you might end up dying like Hiraya" kalmadong saad ni Atlas at natawa si Hendrix.

"At least I'll die trying to avenge her than staying alive and not doing anything!" ngumisi si Atlas at dahan dahang lumapit kay Hendrix kaya lumayo sina Kio na kanina ay pumipigil kay Hendrix na lumabas.

"I'm proud of your bravery, Drix" kumunot ang noo ni Hendrix sa sinabi ni Atlas at isa isang ngumisi sina Jiro na parang alam na ang ibig sabihin.

"Ano ba naman yung isang daang latigo kapag hindi natin sinunod ang utos ni Ms. X na 'wag makialam' di ba?" nakangising saad ni Atlas at napatayo ang mga kagrupo nya.

"Ihanda ang buong Lions at--" napahinto sya nang tumawag si Hugo.


"Sasabihan ko sila" saad ni Atlas at tinignan isa isa ang mga kagrupo.

"We'll going to watch the coronation tomorrow" 

Samantalang...

"Tomorrow is the day that Lucresia will have a new Queen. The wealthy businesswoman and the King's best friend, Emily Will, will be the new Queen of Lucresia! Don't forget to watch or go to the palace tomorrow for the coronation day!" saad sa balita.

Agad na pinatay ni Autumn ang tv at bumuntong hininga.

  

"Wala ba tayong gagawin, Autumn?" tanong ni Avi at mariing pumikit si Autumn. Si Avi yung nakalaban ni Astrid sa archery noon at alam na nila ang totoong katauhan ni Astrid.

"Wala tayong karapatan sa bansa nila. Kahit ang mga Lions ay walang ginagawang aksyon kaya hindi tayo makikisali. Nagsabi rin si Ms. X na walang kikilos sa nangyari o napupunta tayo sa X room" saad ni Autumn kaya napayuko ang mga kagrupo nya.

Lucresia: We All LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon