Thank you @yeshatambo for the suggestions and idea :))
....
"We're here naaaa!" agad kaming naglingunan nang pumasok ang dalawang babae na may kanya kanyang hawak na pagkain.
Ang isa ay naka red tube bra, white wide leg pants, at stringed flat shoes habang nakalugay ang mahabang brown na buhok at may suot suot na sunglasses. Nagmature na ang kanyang katawan pati ang mukha at mas lalong nakita ang kanyang ganda.
"Ano bang klaseng anniversary 'to! Kanya kanyang dala ng pagkain" natawa ako nang makita si Aliyah, sya ang tinutukoy ko. Bumeso ako sa kanya at ipinalapag sa mahabang lamesa ang dala nyang pagkain.
"Lolaaa!" masayang bati naman ng mga bata sa isang babaeng medyo may kaedaran na pero maganda at mukhang bata parin. Mas nakabata rin ang suot nyang maong shorts, white long sleeves na bukas ang tatlong botones kaya kita ang bikini bra at nakatupi ang sleeves hanggang siko habang naka beach sandals at nakalugay din ang buhok.
"Tita Rachel" bati ko sa kanya at bumeso.
"Ang lalaki na ng mga anak mo, anak" saad ni tita at natawa naman ako.
"Makukulit na rin ho" saad ko at nagpaalam muna sya para ibigay ang mga pasalubong nya sa mga bata.
Nilibot ko ang paningin ko pero hindi pa kami kumpleto. 8th anniversary namin ngayon ni Pierre pero pinagdala ko sila ng pagkain dahil tinatamad akong magluto ng marami at ayaw naman ni Pierre na magpacatering o maghanda ng engrande.
Nasa isang island kami at ito ang regalo sakin ni Pierre para sa anniversary namin ngayon kaya dito ko na rin naisipang icelebrate ang anniversary namin. May isang malaking beach house rito at syempre hindi mawawala ang dagat at pool area na paboritong paborito ng mga bata.
Naglakad ako papunta sa living room at nakita ko ang isang babaeng seryosong nakakunot ang noo habang nakatingin sa laptop at napapaligiran ng maraming makakapal na libro. Nakasimpleng mustard summer dress at slippers habang nakapony tale ang buhok at suot suot ang kanyang specs.
Bumuntong hininga ako nang makita kung gaano na sya kalaki at habang lumalaki sya ay mas nagiging kamukha nya si mommy. Lumapit ako at kinuha ang laptop pero agad na kumunot ang noo nya. Sinundan nya ng tingin laptop pero napanguso sya nang makita ako.
"I told you to rest, Lise" napanguso sya at inayos ang salamin nya.
"But only reading and coding saves me from boredom, ate" napailing nalang ako at ginulo ang buhok nya.
"Still, try new things baka magresign na naman yung mga teachers mo dahil hindi nila masagot ang mga tanong mo at naiinsecure sila knowledge na alam mo" napanguso sya at tumango.
"Ate is right, Annalise. You're just a first-year high school student but your knowledge is like a professor no... you're like a google" singit ni Aliyah.
"Magiging doctor at lawyer ka naman kapag hindi ka nag-aral ng isang araw, Lise" napalingon kami nang marinig si Aiden.
"Kuya!" agad na lumapit si Aliyah at Annalise kay Aiden pero lumapit naman ako kay Xavi at bumeso sa kanya.
"Late ata kayo" mausisa kong saad at napailing nalang sya.
"Ayaw pa akong pasamahin nyang kapatid mo dahil baka raw manganak ako e hindi ko pa naman due date" natawa ako at hinawakan ang tiyan nyang malaki.
"Kailan ba ang due date?" tanong ko at inalalayan sya papunta sa may terrace kung nasaan ang mahabang lamesa.
"Next month pa" napatango ako at pinaupo muna sya.
BINABASA MO ANG
Lucresia: We All Lie
General FictionRepublished: February 9, 2022 | January 18, 2024 End: March 18, 2022 Taglish Story of Astrid and Pierre. Astrid, the meanest and rudest Princess who loves privileges and authority but don't want to be outweigh by others. While Pierre, the kinda n...