20 - Archery

113 7 0
                                    


From rank 10 to 5! Dahil ilang days na tayong rank 5 sa kathryn categoryyy... New UD!

.....

Natawa ako sa sinabi nya at nilingon sya. Ano raw? Regret? Dapat lang!

Hinarap ko sya. "I am a Princess and you're a citizen. People will judge me if I date a nerd, clumsy, and stupid guy. Guys like Princes who are handsome, talented, has a sense of fashion, don't stutter and a person who can protect me is the only person who I should date, right? So, why would I date you? I'm done with you" ibinalik ko ang mga sinabi nya sa akin noon at nilagpasan sya.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang makapasok sa kwarto at napaupo ako sa sahig.


"Come on! Stop beating so fast!" saad ko habang nakahawak sa dibdib.

Bumuntong hininga ako at sumubsob sa kama "No. Astrid! You're done with him when he rejected you!" pagkokumbinsi ko sa sarili at nagsisisigaw pa dahil sa frustration at confusion.


Dahil sa nangyari kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos. Late nanaman ako nakapasok pero wala namang magagawa sa akin naman yung school.


Pumasok ako sa isang classroom at nagulat pa sila nang makita ako pero umupo lang ako sa pinakadulong upuan at wala akong katabi.


Bored na bored ako habang nakatingin sa monitor at kinakabisado ang mga nando'n para hindi na ako magsusulat.


"Oo ang gwapo nya! Mafollow na nga sa Instagram!"

"Hindi ko alam na gano'n pala sya kagwapo! Literal na nagtilian ang mga tao kanina nung pumasok sya!"

"Diba! Daig pa yung mga Prinsipe sa ibang bansa"

Inis kong sinipa ang upuan sa harap ko kaya napahinto ang dalawang babaeng nag uusap at tumayo saka yumuko.


"P-paumanhin ho mahal na Prinsesa" napairap nalang ako at pina-alis sila ng classroom.

Tahimik na ulit ang klase at napatingin ako sa pinto nang may kumatok.

"Mr. Acker, anong mapaglilingkod ko?"

"Sit in po sana" napairap nalang ako at nagsuot ng earphone saka tumingin sa board.

"Sige, pasok ka" ilang sandali lang ay pumasok na sya.



Napataas ang kilay ko nang makita sya pero wala parin akong pinapakitang emosyon. Pinipilit kong 'wag magpakita ng emosyon nang makita ko sya! Dahil ibang iba sya ngayon...



Nilibot nya ang paningin hanggang sa makita nya ako. Nginitian nya ako pero hindi ko sya pinansin.
Nagbulungan ang mga kaklase ko at naririnig ko pa ang mahihina nilang tili.

Pinagmasdan ko ang clean faded haircut at nakataas nyang buhok. Wala na rin syang salamin at sakto na sa kanya yung uniform nya. Nakasabit sa isang balikat nya ang bag at wala na syang bitbit na libro. 

Napaawang pa ang mga labi ko hindi dahil sa sobrang laki ng pinagbago nya dahil sa dami dami ng mga lalaking hot, famous, cool and handsome— sya lang nakakuha ng atensyon ko.

Ang laki ng pinagbago nya at ibang iba sya ngayon sa kung ano sya noon. Napatitig pa ako sa kanya sandali at napakagat ng ibabang labi nang maramdaman ang malakas na tibok ng puso.

Umupo sya sa tabi ko at pagkaupo nya ay sakin agad sya humarap habang nakatingin ako sa monitor.



"Hi" nilaksan ko ang volume para hindi sya marinig kaya napanguso sya.


Lucresia: We All LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon